Avaree's pov:
Bumalik na pala siya, si Lucas!
He looked for me and made that kind of face as if he really is so desperate. Why? I… I don’t want to see him anymore. I already moved on, bakit bumalik pa siya? Bakit!?
"Hoy! Nakikinig ka ba?" tanong ni Reece.
Tila bigla naman akong natauhan nang marinig ko ang boses niya. Nagpapaturo kasi ako sa kanya ng assignment namin sa calculus, hindi ko kais talaga maintindihan. Lalong sumasakit ang ulo ko sa dami! Ang masama pa nito… kailangan kong bayaran ang kumag na ‘to sa pagtu-tutor niya sa akin! Bwisit siya!
Nakaupo ako sa sahig at napasubsob ako sa mesa sa sobrang stress, “Bakit ba kasi hindi mo na lang ako pakopyahin? Hindi ko talaga maintindihan.”
“Umayos ka nga! Umupo ka ng maayos! Hindi mo naiintindihan kasi ayaw mong intindihin,” iritable niyang tugon.
Nakahiga siya sa sopa na nasa likuran ko habang nagbabasa na naman ng isa sa mga libro niya. Bumangon ako at humarap sa kanya ng may matamis na ngiti sa aking mga labi.
“Sige na po, kuya! Pakopya!” bait-baitan ko sa kanya na may papikit-pikit pa ng mga mata.
Without moving his body, he looked at me blankly. Patuloy pa rin ako sa pagngiti sa kanya hanggang sa—
“Ahmmn!!!” ungol ko nang ingudngod niya sa mukha ko ang isa sa mga throw pillow na kinuha niya mula sa kanyang tagiliran.
"Shut up! Mag-aral ka!” mariin niyang sabi.
“Ahh! You jerk! I… I can’t breathe!” I tried to scream as I tried to remove the pillow from my face.
Binitawan niya ang unan at muli na lamang bumalik sa kanyang pagbabasa. "Do it yourself, I don't care anymore! You lazy hog."
My eyes almost popped out. A-Ano daw!? Hala! Mas lalo akong mahihirapan nito!
"Huy, Reece! Turuan mo na ako, sige na!” sabi ko na parang maiiyak pero di nya ko pinapansin at nakatutok lang sya sa kanyang libro. “Reece! Huy!!!”
Ayaw niya talaga akong pansinin kahit anong pangungulit ko sa kanya. Nakakainis! Kung ayaw niya, eh ‘di huwag! Hmp!
You'll see, you hideous beast! I'll ace this one then I'll laugh at you as loud as I can! I CAN DO IT!
One hour later, I can’t do it! Oh, dear!!! I’m doomed!
Ang sakit-sakit na ng ulo ko. Napasubsob na lang ako ulit sa aking notebook na nakapatong sa mesa at gusto ko ng sumuko. Bakit ba kasi may ganito pa? Magagamit ko ba ‘to sa future work ko? Maid lang naman ang aaplayan kong trabaho eh, charing!
Huminga ako ng malalim at marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakalapat ang ulo ko sa mesa habang nakaharap sa direksyon ni Reece.
Hmn? Tulog na pala siya?
Maingat at tahimik akong napabangon. Tinitigan ko pa siya ng ilang sandali habang nakasalo sa aking baba.
This jerk, how could he look so gentle and charming even in his sleep while he was so grumpy when he was awake?
Involuntarily, my hand began to move as if I was unconscious. It was as if… I wanted to touch his hair, nor his nose… and his lips— sh*t!
Napahinto ako at agad kong binawi ang aking kamay bago pa man ito dumampi sa kanya. A-Ano ba itong ginagawa ko!? Tch!
I quickly shook my head to remove those crazy thoughts. Darn it!
Wait— he's sleeping! That means— I COULD SNEAK INTO HIS ROOM TO COPY HIS ASSIGNMENT!
Napangisi ako ng malapad. Dahan-dahan at walang ingay akong naglakad paakyat ng kwarto niya. Inihanda ko ang kamera ng cellphone ko upang mabilis kong makuhanan ng litrato ang assignment niya. Narating ko ang kwarto niya at maingat kong binuksan ang pinto upang hindi makagawa ng ingay.
Binuksan ko ang ilaw ng kwarto niya at hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa linis nito. Kung anong gulo ng kwarto ko ay siyang ayos naman ng sa kanya. Parang mas babae pa siya sa akin pagdating sa kalinisan.
Dumiretso ako sa kanyang mesa at inisa-isa ang mga gamit niyang naroon. Nasaan na ba ang notebook niya?
Puro libro lamang ang nakita ko doon. Nasaan na ba ang bag niya?
“Saan niya kaya itinago ‘yon— Aray!” ani ko nang maramdaman na may kung anong humampas sa tuktok ng ulo ko.
"Looking for this?" a cold voice said and I stiffened to my feet.
Holy sh*t! H-He’s… awake!
Mabilis akong napalingon sa aking likuran at nakita ko ang naniningkit niyang mga mata na tila iritableng nakatitig sa akin. Hawak niya ang kanyang notebook na siyang tila ipinanghampas niya sa ulo ko.
“R-Reece,” nauutal kong sabi at pilit akong ngumiti sa kanya.
“What?” he quickly asked in annoyance. “Inisip ko ng baka kopyahin mo ang assignment ko kaya inilagay ko ito sa ilalim ng unan ko kanina.”
Para naman akong matigas na batong pinukpok ng maso at bigla na lang nadurog. Kung gano’n, inaasahan na niyang mandadaya ako!? Uhmp!
“Oh, sh*t,” That's all I said as I patted my forehead with my palm.
“Masyado kang nahihilig pumasok sa kwarto ko,” aniya at napasulyap ako sa kanya ng may pagtataka.
“Bakit? Bahay namin ito!” sabi ko at ngumisi siya.
“Alam mo ba… ang ginagawa ng isang babae at isang lalaki sa loob ng isang kwarto?” tanong niya na biglang nagpanginig sa akin.
E-Eh!? I-Inaatake na naman ata siya ng kamanyakan niya!
Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako pero, ang mesa na niya ang nasa likuran ko. Tinakpan ko ang aking mukha at bahagya akong yumuko. “Kung kukurutin mo na naman ang pisngi ko, sasapakin kita!”
“Eh, kung halikan kita, papayag ka ba?” bigla niyang tanong na nagpabalik ng tingin ko sa kanya.
A-Anong… s-sabi niya?
“R-Reece! S-Seryoso ka ba?” tanong ko sa pagitan ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Ilang sandali niya pa akong tinitigan at pinagsalit-salitan niya ang aking mga mata at mga labi. Nakaramdam ako ng panunuyo ng aking lalamunan sa isiping… hahalikan niya ako. A-Ano bang— A-ano bang kalokohan ito?
“Arayyy!!!” hiyaw ko nang pitikin niya ng malakas ang aking noo.
“Kailan ako naging seryoso sa ‘yo? Baliw!” aniya at tinalikuran ako. “Sa susunod huwag kang papasok sa kuwarto ng may kuwarto, lalo na kung kwarto ng lalaki! Kahit baboy ka, may magtitiyaga pa rin sa ‘yo!”
Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakahawak ako sa aking noo. Alam kong pinagsasabihan niya ako pero kailangan talaga may panlalait? Bwisit!
“Hoy! Ikaw lang ang nagsasabing baboy ako! Maganda ang katawan ko—”
“Oh, sige, patingin,” agad niyang sabi na halos ikaluwa ng aking mga mata ngunit tila para sa kanya ay normal lang iyon.
Uhmp! Tikom ang bibig kong nakatitig sa kanya samantalang siya ay wala namang ekspresyon. I-Ibig bang… ibig bang sabihin no’n nakakita na siya ng hubad na katawan ng babae? I-Ibig sabihin hindi na siya… hindi na siya— Mmn!
Napatakip ako ng aking bibig dahil sa kababalaghang naisip ko.
“Ba— bastos!!!” sigaw ko at padabog na naglakad palabas ng kanyang kuwarto.
A-Ang kumag na ‘yon! Hmn, kung gano’n… may karanasan na nga ba siya pagdating sa mga babae? Sabagay, sa gwapo niyang iyon ay imposibleng wala siyang girlfriend. Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay may kung anong makirot sa loob nito.
Sino nga kaya… ang malas na babaeng ‘yon? Hmn.
Reece pov:
She sneaked into my room last night, what an idiot! Naramdaman kong tumayo sya no’n kaya nagising ako. Inaasahan ko talagang mangongopya siya sa akin kaya itinago ko ang notebook ko, pero ‘yong nangyari kagabi… ewan ko.
Whenever I'm close to her, there's always a weird feeling wrapped around me and last night... I really wanted to— kiss her! F*ck!
Kung hindi ko lang naalala na magiging kapatid ko siya ay baka hindi lang iyon ang nagawa ko. I can say I'm still sane but I don't know how long.
Napahinto ako agad no’n at nakaramdam ng inis sa sarili. Dahil sa pagpipigil ko sa kagag*hang naisip ko ay lalo ko siyang ininis! Alam kong inosente siya, but f*ck! She's seducing me without her knowing.
Stupid pig! Tsk!
"Reece, wala akong assignment!" nakabusangot na sabi niya.
Magkasabay kaming naglakad papuntang classroom pero hindi sya sumabay sa kotse ko papunta ng school. Ewan ko sa kanya, parang sira!
"Not my fault!" I answered.
"Madamot ka kasi!" pagtataray nya.
"Stupid, I'll get my payment later!" I smirked.
"A-Anong payment!? Hindi mo kaya ako tinuruan!” halos pasigaw niyang sabi habang nanlalaki ang mga mata.
"Tinuruan kita, hindi ka lang nakinig! Sira!" Pambabara ko.
"H-Hindi kaya—" bigla siyang tumigil at tumikom ang bibig nang mapalingon sa may bandang kaliwa ko.
Napatingin ako sa direksyon na tinitignan nya at nanalim agad ang mga tingin ko nang makilala kung kanino siya nakatingin. That ‘Lucas’ guy again! Huh! He's standing outside our room kasama sila Paula. Paula's holding Lucas' hand while smiling like a dog. She really is a slut.
"Hey Avaree, are you okay?" I asked.
Tumango siya pero agad din iniyuko ang ulo saka patuloy na naglakad. Hindi talaga ako kumportableng makita siya ng ganito.
Halos nasa tapat na nila kami at mukhang napansin na ni Lucas na dumating na si Avaree. He pushed those b*tches away and hurried to approach Avaree.
"Ava! Bakit hindi mo ko tinawagan!? Buong magdamag akong naghintay,” tanong ni Lucas.
Nakatayo lang ako sa may likod ni Avaree dahil sa may mismong tapat ng pinto sya huminto, hindi ko tuloy naiwasang marinig ang mga sinabi ni Lucas. Napansin ko pa si Paula na nag-ayos ng sarili at saka kumindat sa akin. Parang tanga.
“H-Ha, k-kasi… busy ako,” sagot ni Ava at akma na sanang papasok ng classroom.
Agad siyang hinawakan sa braso ni Lucas para pigilan at tila lalo namang naningkit ang mga mata ko sa inis.
“Ihahatid kita mamayang uwian—”
“Hindi!” mabilis na tugon ni Ava at bahagyang napasulyap sa akin. Bakas din ang magkahalong gulat at lungkot sa lalaking nasa harapan niya dahil sa kanyang sinabi. “H-Hindi pwede! B-Baka magalit si mama.”
Hindi pwede… kasi naroon ako. Ayaw ni Avaree na ipaalam na magkasama kami sa bahay nila at kami lamang dalawa.
“Then, let me see you on Saturday,” Lucas said with so much eagerness in his eyes.
Why is he so desperate?
"I... I will try!" Avaree replied hesitantly.
Unti-unting napangiti si Lucas at bigla niyang niyakap si Ava, “Thank you Ava! Thank you!”
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Sumara din ng mahigpit ang mga kamao ko at parang gusto ko siyang sapakin! Bwisit.
"You're blocking my way,” I coldly interrupted. “MOVE."
Namilog ang mga mata ni Ava nang marinig ako at agad na itinulak si Lucas palayo. Lumingon siya sa akin na para bang itinatanggi ang nakita ko. Humanda ang babaeng ‘to mamaya!
Lucas looked at me casually and faced me as confidently as he could, "I'm sorry! Nice to see you again."
Tinitigan ko lang sya ng matalim, hindi ako natutuwa sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at pumasok na lamang sa silid.
Ilang segundo pa ay pumasok na rin si Avaree at umupo na sa upuan niya. Umalis na rin ‘yong Lucas, pero ‘yong pagkainis ko hindi pa nawawala. Naiirita talaga ko lalo na nang maalala ko ang pagyakap niya kay Ava! Bwisit siya.
Nagpayakap naman ang babaeng ito! Tsk!
Bukod sa Lucas na iyon, wala pa akong nakitang ibang lalaki na umaligid o yumakap kay Ava. Ano ba talagang mayroon sa pagitan nila?
"Why don't you talk to him?" I couldn't help but ask.
Tumingin sila Paula sa kanya. Ngumisi sila na parang mga aso tapos ay naupo na sila sa kani-kanilang mga upuan. Mukhang may alam ang mga ‘yon. Hindi sinagot ni Avaree ang tanong ko kaya parang mas lalo akong nairita.
“Ayaw kong mangulit kaya hindi na kita tatanungin pa ulit,” ani ko sa kanya sabay salo ng aking baba. “Pero naiirita akong makita kang gan’yan.”
Bahagya siyang lumingon sa akin na may malungkot na mga mata. Bahagya siyang ngumiti ngunit alam ko namang hindi iyon totoo.
“If you’re acting like a brother to me, well, there’s nothing to worry about!” she said then she looked away. “I’m fine, kuya.”
Her words surprised me. S-She called me… ‘kuya’? Sh*t!
Palagi niya akong tinatawag na ‘baliw’ o ‘siraulo’ pero tila mas gusto ko iyon… kaysa sa itinawag niya sa akin ngayon.
‘Kuya’? Tsk! Bwisit talaga!