Avaree's pov:
Kakatapos lang namin maghapunan ni Reece. Kahit ilang araw pa lang siyang narito ay parang immune na ko sa kagaguhan nya. Anyway, magkasundo naman kami minsan, madalas lang talaga hindi!
"Ava, nakita mo ba ‘yong libro na binabasa ko kanina d’yan sa couch?" tanong nya.
Hmn? Palagi na lang syang nagbabasa ng libro. Samantalang ako, buklatin ko lang ito ay inaantok na ako.
"Nope!" tugon ko habang kumakain ng donut at nanunuod ng TV.
"Ang dami mong premium donuts, hindi ka man lang namimigay!" sabi nya.
Nilingon ko siya na nakataas ang isang kilay. "That's what you called... DESSERTS!"
He smirked, "That's also why you're a pig! Kakakain lang natin ng dinner ah!?"
Akma nya sanang kukunin ‘yong strawberry jammed flavor, but I quickly slapped his hand.
"ARAY! Ang damot mo!" angil niya sa akin.
"Don't care! Shoo!" I said while wiggling my fingers.
Hindi ko siya bibigyan! That's his punishment for bullying me!
"Pig," he cursed.
"Bleh!" I retaliated as I showed a little of my tongue to annoy him.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko ang screen at nakita kong tumatawag si Thea, ang best friend ko.
“Oh, hello?” I greeted while chewing my chocolate-coated donut.
"Hey best, I’m sorry for disturbing you! Pa-check naman kung naiipit ko sa notebook na hiniram ko sa ‘yo ‘yong resibo ko! Hinahanap kasi ni mama," tila nagmamakaawang sabi ni Thea.
"Okay, no worries!" I replied, “let me check it for yah.”
Agad akong umakyat sa kwarto para hanapin ang resibo ng tuition fee ni Thea. Knowing her mother, mabait naman ‘yon si tita pero… aynaku! Nakakatakot talaga kapag nagalit!
Medyo natagalan ako kasi parang baul ang bag ko. Kinalkal ko pa talaga ito para lang makuha ang notebook ko na hiniram niya. Ilang sandali pa ay nahanap ko na din.
“Thea, nandito nga! Nakaipit,” natatawa kong sabi. “I’ll give this to you tomorrow, okay?”
"Oh, geez! Buti naman! Okay, thanks!" she said then we ended the call.
I giggled. She sounds so nervous. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at muling bumaba ng sala. Wala na doon si Reece. Malamang ay nakakulong na naman sa kwarto niya at nagbabad sa kanyang mga libro. Nagkibit-balikat na lamang ako at muling bumalik sa harapan ng mga donut ko.
I grabbed one of my donuts while staring at the television. Without any thoughts... I took a bite and— S-SH*T!
Halos lumuwa ang mga mata ko nang tila mag-apoy ang loob ng bibig ko sa sobrang anghang nito! FUDGE! WHAT HAPPENED TO MY DONUTS!? Argh!
Napatakbo ako ng kusina para uminom ng tubig, pero bwisit! Nakakandado ito! Palingun-lingon ako sa paligid ko habang malalim na humihinga ng sunod-sunod dahil sa pagkapaso ng dila ko. Pumasok ako ng banyo at binuksan ko ang gripo. Nagmumog ako ng tubig ng ilang beses para mawala ang tila pamamaga ng bibig ko.
Nagpunas ako ng bibig saka muling huminga ng malalim. Anong nangyari— sa tingin ko ay alam ko na!
Lumabas ako ng banyo at halos magdikit ang mga kilay ko ng mapasigaw ako sa galit, “REECE!”
Narinig ko ang malakas niyang pagtawa sa loob ng kwarto niya. Kung gano’n, sya nga ang may kagagawan nito! Malamang, sino pa ba ang sira-ulo sa loob ng bahay ko!? Siya lang!
Para akong dambuhalang naglakad paakyat ng hagdan. Dumiretso ako sa kwarto niya at malakas kong binuksan ang pinto nito.
“Sira-ulo ka talaga! Papatayin mo ba ako, huh!?” bulyaw ko sa kanya.
He was lying on his bed and playing with the syringe in his hand while laughing. "If I want to kill you, I'll put poison instead of hot sauce, idiot!"
W-Wait! D-Did he just… injected my donuts with hot sauce? Urgh!
“That’s your punishment for being a greedy pig!” he grinned as he stood up.
Lalong nag-init ang ulo ko! Sinayang nya ang donut ko!
Kinuha ko ang mga librong nakapatong sa kanyang mesa at pinagbabato ko sa kanya. “Sira-ulo ka talaga! Bwisit ka!”
“Hey! Hey! That’s just a prank,” he laughed while trying to get close to me.
“No! I HATE YOU! STAY AWAY FROM ME!” I screamed as I kept throwing things at him.
Nang muli ko syang babatuhin ay nahawakan na nya ang kamay ko para pigilan at sa gulat ko ay napatitig ako sa kanya. Tinitigan nya ako na para bang… para bang ang seryoso ng mga mata niya?
“Paano kung ayaw kong lumayo sa ‘yo, may magagawa ka ba?” tanong niya.
Hawak-hawak niya ang kamay ko at hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko’y muli na naman akong nahipnotismo ng magaganda niyang mga mata. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha, at maya-maya’y hinaplos niya ang aking pisngi habang hindi binabali ang tingin sa akin.
A-Ang dibdib ko, grabe na naman ang pagkabog nito. Uhmp!
“Alam mo,” aniya at biglang— “ANG CUTE MO TALAGA!”
“Ah! A-Aray!!!” hiyaw ko ng pisilin niya ang aking mukha.
Hinatak niya ang pisngi ko at pinagtawanan ako. Napapapikit na ako sa sakit. Kinapa-kapa ko ang mesa niya at nadampot ko ang libro niya ng encyclopedia. Malakas ko itong inihampas sa mukha niya kaya natigil siya sa pagpisil sa pisngi ko.
“Ah, sh*t!” mahilo-hilo niyang sambit.
“Baliw!” gigil kong sigaw.
Nang makabawi siya sa pagkakahampas ko ay natawa na naman siya. Napatitig na lang ako sa gwapo niyang mukha. Nakakairita.
“Go on, eat your donuts! Enjoy every bite,” he taunted as he laughs.
Inirapan ko siya at tinalikuran. “Ayaw ko na! Ikaw na lumamon no’n! Bwisit ka!”
Lumabas ako ng kwarto niya at malakas kong isinara ang pinto nito. Napabuntong-hininga na lamang ako sa sobrang stress ko sa kanya. Kailan ba matatapos ang pananatili niya dito?
Ayaw ko na! Haayyy!
****
Reece's pov:
Sa tuwing naalala ko ‘yong mukha ni Avaree kagabi, hindi ko mapigilang matawa. Her face was very red and the sweat that was condensing was spread on her forehead. That prank is superb! I must try another one.
"Hi, pwede bang magtanong?" ani ng isang lalake na lumapit sa akin.
Papunta na ako sa classroom namin at bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko. Huminto ako at walang ekspresyon akong humarap sa kanya.
He's also a student here at our school. He’s tall as I am and I could say that he’s also a good-looking man; pero mas gwapo lang talaga ako. He looks kind and gentle. I got curious all of a sudden.
"Yeah?" I replied casually.
Napansin kong parang nag-aalangan pa syang magsalita. Anong problema nito?
"I just want to ask if... if you know Avaree Spence?" he hesitantly said.
Parang nairita ako bigla. Sino ba ‘to?
"Why? Are you her boyfriend?" I frankly asked.
"W-What? N-No! ahmn, no! I'm just wondering why she's with you earlier!?" he explained.
I frowned. If he's not her boyfriend, what is it to him if Ava and I were together? Based on his actions, looks like this guy likes her! Tsk!
That woman. Hmn.
Sa pagkairita ko ay nag-iwas ako ng tingin at saka naglakad palayo. "She's just… my classmate! That's all!"
Hindi ko na nakita ang reaksyon ng lalaking ‘yon. Sana lang ay hindi ko na siya makita, pero napapaisip pa rin ako, sino kaya siya!?
Pagdating ko sa classroom, agad kong nakitang nakaupo si Avaree sa kanyang upuan. Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa mukha ko nang makita ko ang maganda niyang mukha. Ano kayang gagawin ko sa kanya ngayon?
"Hi Reece! Na-miss kita," sabi ni Paula na biglang humalik pa sa pisngi ko.
Matamlay ko lang siyang nilingon. Parang linta ang babaeng ito! Basta nakita nya na ako ay nakadikit na sya sa akin.
"Stay away from me," I said coldly.
She just fakes a smile. "Reece naman! Bakit—"
Biglang natigilan si Paula ng pagsasalita na tila ba may nakita siyang multo sa likuran ko.
I'm not really interested but I just turned around with no intention. Medyo nagulat ako at hindi agad nakaimik nang makita ko ang lalaking lumapit sa akin kanina. Maya-maya’y halos magsalubong na ang mga kilay ko. Bakit nandito siya?
"L-Lucas!? You're back!" sabi ni Paula na parang gulat na gulat at agad na lumapad ang ngiti.
Lucas?
This is weird. Why does it seem like I don't want him around?
Napasulyap ako kay Avaree at nakita kong nakatitig din siya sa lalaki na para bang hindi siya makapaniwala.
This guy, who the hell is he?
Lumapit ang lalaki na tinawag na Lucas ni Paula sa may bintana kung saan malapit nakaupo si Avaree.
"Can I talk to you Avaree?" Lucas asked.
Hindi sumasagot si Ava. Ang mga mata ni Ava ay nawalan ng ningnig at tila ba nabalutan ng lungkot. Bakit?
Habang marahan at tahimik akong naglalakad papasok ng classroom, napapaisip ako kung ano ang naging koneksyon ng Lucas na ito kay Avaree. Akala ko ba hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend? Did she lie to me?
Umupo ako sa upuan ko. Hindi ako umiimik at umakto lang na balewala ang lahat. Hindi pa rin nagsasalita si Avaree samantalang si Lucas naman ay tila naghihintay ng kanyang sagot. Bahagyang yumuko si Avaree at para siyang nanginginig. Bakit? Natatakot ba siya? Ano ba ang ginawa sa kanya ng lalaking ito?
Hindi ko maiwasang mangunot ang aking noo kahit pinipilit kong balewalain ito. Tsk! Kainis.
Biglang tumunog ang school bell at nagmadaling nagsipasok ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid.
"Ava, please! Give me a call, I'll wait for it!" Lucas said then he walked away.
Sinundan ko lang ng tingin ang lalaki hanggang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin. Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Avaree at tila wala na siyang balak kumibo.
Dumaan sa gilid namin si Paula na pabalik sa kanyang upuan. Nakatitig sya kay Avaree habang naniningkit ang mga mata. “He’s back, what will you do now, flirty Ava?”
Flirty Ava? Anong ibig niyang sabihin?
Ngumisi ng may pang-iinis si Paula bago tuluyang bumalik sa kanyang upuan. She looks more like a slut than Ava! Hmn.
I'm really bothered, but I don’t want to ask. It's out of my character! I just sighed and let her remain silent.
Ilang sandali pa ay tahimik pa rin siya. Wala pa ang susunod naming instructor at hindi ko na rin matiis na ganiyan siya katahimik.
Bahagya akong yumuko upang makalapit sa kanya, “Avaree!”
"Im not in the mood!" she quickly replied.
I know, and I hate to see you like that! Gusto ko… ako lang ang mang-iinis sayo! I need to bring your ‘amasona’ spirit back!
"I’ll cook later!" I chuckled. "What do you want?"
Nilingon niya ako ng bahagya at tinaasan ng isang kilay. “Are you joking? Ni magprito nga ng itlog tinatawag mo pa ako! Ni magsaing hindi ka marunong, magluto pa kaya!? Sigurado ka ba? Masarap naman kaya?”
Ang dami ng sinabi, huh!
“Ang sabi ko magluluto ako, pero hindi ko sinabing masarap!” ani ko at ngumiti sa kanya.
Napailing siya habang nakakunot ang noo, “Baliw ka talaga!”
Muli siyang tumalikod at lumapad ang pagngisi ko. Maingat kong kinuha ang ilang hibla ng buhok niya at pasikretong itinali ito sa kanyang upuan.
“Mag-oorder na lang ako! My treat! Name all you want,” I said to camouflage what I’m doing.
“Good! I want beef steak, and ice cream and chocolate, and cake, I want ramen too!" she replied cheerfully.
"Okay, okay!” I said then I crumpled a piece of paper and threw it on her lap. “What’s that wiggling on your lap!”
“What!? WHERE— aw!!! Sh*t!!!” she screamed as she quickly stood up.
I smirked. Got you, sis.
Our classmates and I burst out laughing. Tinitigan niya ako ng matalim habang bahagyang nakatagilid ang kanyang ulo dahil sa buhok niyang nakatali sa upuan.
“Reece!!!” hiyaw niya sa akin at mabilis kong itinikom ang aking bibig.
“What?” I acted innocent.
Inis siyang umupo at kinalas ang pagkakabuhol ng kanyang buhok. Muli siyang sumulyap sa akin na para bang gusto na niya akong ilibing ng buhay! I laughed inside. How cute!
“F*ck you!” she cursed.
I giggled, “I loved that word!”