Reece pov:
God is so good! We're in the same class! Medyo naninibago pa talaga ako. I don’t know how to interact with other people but I guess I should just keep what I really am. Sa tingin ko ay magiging maayos naman ang lahat, nandito naman kasi si Avaree kaya tiyak kong hindi ako mabo-boring. Makita ko lang ang nakabusangot niyang mukha ay tiyak kong matatawa na ako.
Luckily for me, there was an empty seat behind Ava. I could see she wanted to curse me as if she was saying 'if I try to sit there, I'm going to die!'
I smirked. Nagpasya akong doon umupo at kitang-kita ko ang pag-usok ng ilong niya. Nakakatawa talaga! Mabuti na lamang at nasa paaralan kami kung hindi ay siguradong sinigawan na naman niya ako. Gusto ko pa siyang asarin lalo kaya naman yumuko ako ng bahagya para makalapit sa kanya.
"Kill me now, little sis!" I chuckled.
"You'll eat my fist later!" she whispered angrily.
"Oh, come on! You know what I really want to eat!" I taunted with a restrained laugh.
"Iw! Manahimik ka na nga! Manyak ka talaga!" nanggigil nyang bulong.
Parang nanggigil din ako sa kanya! Ahahah!
Dumating na ang instructor namin at nagsimula na ang klase.
“So, guys, let’s have a review! Why is mass conserved in chemical reactions?” asked Mrs. Teves.
Yung kaninang magulong klase ay bigla ng tumahimik. Oh, These guys! There are two or three raising their hands, but how many are we? More or less than 25? Huh!
Napatingin ako kay Avaree, parang itinatago niya rin ang kanyang sarili. Isa rin ba siya sa mga hindi nakakaalam ng sagot?
Napangisi na naman ako habang umiiling.
“Hey, Ava! Teach me!" I whispered.
Napasulyap sya sa akin na nakakunot ang noo.
"Teach me how to dougie!" I added with a nasty smile.
Her eyes widened, then she mouthed ‘sira-ulo!’ in silence.
Yeah, I'm aware! I giggled softly.
Muli na siyang yumuko at bigla akong tinamad. Hinawakan ko ang ballpen ko saka ipinatong ang aking siko sa ibabaw ng aking mesa. Matamlay akong nangalumbaba habang nakatitig sa kanyang likuran.
"If you don't want to teach me, I will be the one to teach you,” I mumbled as I slowly traced down her backbone.
Unti-unting tumutuwid ang upo nya habang unti-unting bumababa ang ballpen ko. I stopped stroking my ballpen on the clip of her bra. Alright, let’s see what happens if I… do this.
Lumagatik ang pangsabit ng bra nya nang sundutin ko ito ng aking ballpen. Sa gulat niya ay napatayo siya at napasigaw, “F*ck you!!!”
Mariin kong itinikom ang aking bibig upang pigilan ang aking pagtawa ngunit ang mga kaklase namin ay walang pakisama at bumulalas sila ng tawa!
Marahang humarap sa amin si Mrs. Teves at tumitig kay Ava habang nakataas ang isang kilay. Oh, my bad!
"What's that Ms. Spence? Please stand up!" Mrs. Teves said in annoyance.
Dahan-dahan namang tumayo si Avaree. Nakababa lang ang dalawa niyang kamay at malamang iniipit ang bra nya. I grinned as I felt sorry for her.
"Tell me the answer, Ms. Spence!" Mrs. Teves commanded.
Hindi nagsasalita si Ava at bahagya lang syang nakayuko. Pinagtatawanan na siya ng mga mukhang payaso na mga babae na nakasalubong namin kanina. Medyo hindi na ako natutuwa at nakaramdam na ako ng pagkairita.
"M-Mass is… i-is—" she trembled as she could not continue what she was saying.
So, she doesn't really know the answer? Oh, f*ck! Fine, maybe I'll save her this time. Dahil ako naman ang dahilan kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon, tumayo ako at sinagot ang tanong ni Mrs. Teves.
“It is not conserved in chemical reactions. The conservation of mass-energy is the fundamental law of the universe. Therefore, it is never conserved since a little of it turns into energy or into mass in every reaction. It can only be conserved if it is mass+energy because energy cannot be created out of nothing,” I elaborated.
They all look so amazed at my answer, including Mrs. Teves. "Well done, Mr. Devaughnn! But I'm asking Ms. Spence!"
"Well, in fact, Mrs. Teves, it's my fault that Ms. Spence freaked out! I unintentionally threw my pen at her! I'm sorry Mrs. Teves!" I explained in a very polite way.
Marahang gumuhit ang ngiti sa mukha ng matandang guro at tumangu-tango. “Okay! Both of you, sit down! And Ms. Spence, listen!”
Tumango lang din si Avaree sa kanya at naupo na kami. Bahagya na naman siyang nakayuko at bakas sa suot niyang uniporme na hindi nakakabit ang clip ng kanyang bra.
"Hey, sissy!" I whispered to her again.
Tiningnan nya lang ako ng nanlilisik nyang mga mata. I grinned as I really like that expression of her.
"Don't you want me to fix it for yah!?" I winked.
"Is that intended or unintentional? ULOL!" pabulong ngunit mariin nyang sabi.
Pinigil kong matawa. Ewan ko ba pero natatawa talaga ako kapag napipikon sya.
"Why so mean to ‘big bro’, huh?" I taunted again.
"Kakalbuhin kita mamaya! Leche!" aniya at lalong lumapad ang pagngisi ko.
"Saan? Sa itaas o sa ibaba?" tanong ko at inirapan nya ako bago tuluyang lumingon sa harapan.
Napasandal na lang ako sa aking upuan habang may malapad na ngiti sa aking mukha. Nakatitig pa rin ako sa kanya at napapailing na lang. Siguradong susungitan niya ako mamaya.
I’m laughing inside my mind. Oh, Ava! You are really something! Something— stupid.
****
Avaree's pov:
Bwisit talaga sya! Napaka-manyak!
Matapos ang klase ni Mrs. Teves, pumunta agad ako ng banyo para ayusin ang bra ko. Leche talaga siya! Gaganti talaga ako sa kanya! Pero, paano? Wala akong maisip! Napakatalino niya at mabilis niyang nakokontra ang lahat ng sinasabi ko. Nakakaasar talaga!
Pagbalik ko sa classroom namin, tulad ng dati ay magulo ang lahat. Paglingon ko sa may upuan ko ay nakita kong pinagkakaguluhan ng mga mahaharot kong kaklase ang ‘kapatid’ kong hilaw.
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang mapalingon sa akin si Reece. Nagtama ang mga tingin namin at ewan ko kung bakit parang may kung anong kumurot sa aking dibdib. Napaiwas na lang ako ng tingin nang ngitian niya ako kaya naglakad ako ng nakayuko pabalik sa aking upuan.
Ngiti-ngiti pa siya! Akala niya ba mapapatawad ko siya agad? Humanda talaga siya sa akin mamaya pag-uwi!
Napabuntong-hininga na lang ako, at walang imik na umupo sa aking upuan. Nakapalibot sa kanya ang mga kaklase naming babae, kasama sila Paula.
"Reece, hindi ba sa inyo ang Devaughn Group of Companies na naghahandle ng mga 5-star hotels all over the country? Sobrang yaman mo naman!" sabi ni Paula na nakaupo sa may kabilang mesa at pinapakita ‘yong singit niya.
Slut!
"That's not mine! That's my old man's business," he answered coldly.
"But still only son ka kaya sa ‘yo na rin ‘yon! Dalhin mo naman ako do’n minsan," sabi ng higad.
Hmn? Napakakati talaga niya! Dalhin sa Hotel? Tapos anong gagawin nila do’n? Magja— magja-Jack'n Poy? Hmp!
Hindi ko narinig sumagot si Reece. Narinig ko pa ang ilan sa mga punyeta na nilalandi sya— ay ini-interview pala. I just kept on rolling my eyes sa mga pabebeng tanong nila, tulad ng anong favorite food nya, anong type ng music ang hilig niya, anong hobby, kung may girlfriend na ba sya, et cetera, et cetera.
Hoes!!!
Parang titirik na ang mga mata ko kakaikot dahil sa iritasyon. Naman kasi!? Bakit dito pa naupo sa likuran ko ‘yang kumag na ‘yan?
Sa dami ng tanong nila kay Reece, wala akong narinig na sinagot niya. Hmn? Ayaw ko sana silang lingunin, pero nagtataka talaga ako kung bakit hindi sya tumutugon.
Pasimple lang akong lumingon sa kanila para hindi halatang nakikiusyoso ako, but when I peeked at them, I was so surprised when I saw him seemingly bored while catching his chin and staring at me already. Pareho kaming tila nagulat nang magtama na namang muli ang aming mga tingin. Maya-maya’y umaliwalas ang kanyang mukha at nginitian niya ako. Sa gulat ko ay muli ko siyang tinalikuran at umaktong hindi iyon nangyari.
S-Sh*t! A-Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! B-Bakit nya ba kasi ako nginitian ng gano’n? A-Anong problema ng demonyong ‘to!?
"I have... a sister!” I heard him say from behind me. “I loved to tease her.”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ‘yon. Baliw na talaga siya! Kung may kapangyarihan lang ako sinunog ko na sya kanina pa! Nakakainis talaga!
Those stupid girls murmured. Kilala ang Devaughn Group of Companies kaya hindi nakakapagtakang magulat sila lalo na at alam nilang nag-iisang anak lang si Reece.
"Pero… only child ka lang ‘di ba?" tanong ni Ellaine.
"May kapatid ka sa labas? Oh, that's unbelievable!" maarteng sabi ni Lyca.
Reece chuckled softly. I rolled my eyes and sighed. Napayuko na lang ako sa mesa ko sa sobrang inis. Ayaw ko na silang marinig!
"Is she pretty? Sinong mas maganda? Is it me or her?" Paula asked confidently as she swirls a few strands of her hair with her finger.
Hindi na naman umimik si Reece. I pouted. I know! He's not proud of me!
I'm not pretty. Hindi ako marunong mag-ayos! I'm not sexy. sabi nya… I'm a pig so I looked fat in his eyes! I'm not sophisticated. My fashion sense is weak and all I could do was tie my hair in a messy bun like an old hag! Yes, I'm guilty! I'm not beautiful, I'm not like them!
I closed my eyes kahit na tenga ko talaga ang gusto kong takpan. Ayaw ko na talagang marinig pa ang kanilang usapan.
"You," Reece answered Paula’s question.
S-Sh*t! Pakiramdam ko ay sinaksak ako sa likod! Kahit alam ko naman na ang sagot, inaasahan ko na hindi nya iyon sasagutin lalo na at alam niyang naririnig ko sila! How insensitive! Napakasama ng ugali! Tch!
Paula was overjoyed at what she heard. "M-me!? Oh, my gosh! I knew it!"
Okay, the crown is yours, b*tch—
"You are… NO MATCH with her!" Reece exclaimed.
Bigla akong napadilat ng aking mga mata. W-what did he say?
Paula suddenly stood up and seemed irritated. "H-Huh!? W-What!? What do you mean!?"
Well, diyan magaling si Reece, sa pang-iinis! Siguro nga inaasar nya lang si Paula.
"I just can tell that she's different from all of you," he elaborated.
Parang pumapalakpak ang tenga ko sa mga sinasabi ni Reece. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na pilit kong itinitikom ang bibig ko. Nakatalikod ako sa kanila pero nakikinita ko sa isip ko ang umuusok na ilong ni Paula! Lalo tuloy akong natatawa.
Biglang dumating ang sunod naming instructor. Padabog na nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang mga higad. Napabuntong-hininga na lang ako. Sa wakas, natapos din ang landian!
Pero… ‘yong ngiti sa mukha ko, hindi pa rin nawawala! G-Grabe! Para akong sira! Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi. Ano ba ‘to!? Bakit parang ang saya ko!?
"Hey!" he whispered.
I know he's talking to me pero nagpanggap akong hindi siya narinig kaya hindi ko sya pinansin.
"You eavesdropping, right?" he asked but still I didn’t respond.
"So, are you flattered?" he added.
Nangunot ang noo ko at nilingon ko siya ng bahagya.
"Happy?" he taunted.
"Baliw!" sabi ko ngunit walang boses.
He laughed quietly. "Just to make it clear, I’m not praising you… pig!"
Tinitigan ko sya ng sobrang talim. Lagot talaga sya sa akin! Be-vetsinin ko talaga sya mamaya! Hmp!
"But half of it... is true! You're quite different from them," he said plainly.
I raised one eyebrow in disbelief. I really don’t trust him anymore!
"Kasi ikaw... ang sarap mong asarin!" ngumisi siya at kinindatan ako.
PUNYETA!