Reece pov:
Kahit gusto ko syang inisin, naawa ako sa kanya kanina. I could see that she wanted to shed tears but she just forbade it. Sa dami ng babastusin ng gag*ng ‘yon si Avaree pa talaga ang napili nya! Bwisit na matanda! Pakiramdam ko ay umuusok na naman ako sa galit nang maalala ko ang lahat ng nangyari.
But… I kind of understand that old man. Avaree is different from other women. She's so pretty at hindi mapagkakailang may magandang hubog ng katawan. Even though she doesn't show a lot of skin, she's still very hot and seductive. Bigla ko tuloy naalala no’ng nakita ko siyang nakasuot ng maluwang na T-shirt. Ang sexy nya talaga! Sh*t!
T-Teka! Bakit ko ba iniisip ang mga ‘to? Bwisit.
Napatakip ako ng mukha ko sa ka-gag*hang iyon. Hindi ko pwedeng makalimutan na ipinatapon ako sa bahay nila dahil magpapakasal ang aming mga magulang. Wala akong galit kay Avaree pero gusto ko lang siyang bwisitin para kahit papaano ay mabawasan ang pagkairita ko sa sa mga magulang namin, pero alam ko naman na kahit anong gawin ko ay magiging magkapatid pa rin kami balang araw.
"Reece!" she snapped me from my thoughts.
Nakabalik na pala kami sa kanila.
"Magbayad ka na! Nandito na tayo!" sabi nya at binuksan ang pinto ng taxi para bumaba.
"I know!" I quickly said.
Iniabot ko ang bayad sa taxi driver pagkatapos ay bumaba na din ako dala ang mga pinamili namin. I'm not used to doing things like this but I don't mind, it's okay with me.
Naunang pumasok ng gate si Avaree. Maya-maya narinig ko na lang syang sumigaw ng malakas.
“Reece!!! Reece!!! D-Dali!!!”
Nangunot ang noo ko pero medyo kinabahan ako. Anong nangyari?
Mabilis akong pumasok ng gate at halos lumuwa ang mga mata ko kasabay nang pagguhit ng ngiti sa aking mukha nang makita kong nakaparada sa garahe nila ang kotse ko.
"Why— oh, SH*T!"
"Is this yours?" she asked with amazement in her eyes.
I nodded while smiling wide. Siguro ipinahatid nila ito kanina, pero, paano nila ito naipasok dito nang wala kami? Hmn?
"Oh, really!? Oh, gosh! It’s so cool, ang ganda!” lumapad din ang ngiti nya na parang ngayon lang sya nakakita ng sasakyan.
Napangiti ako sa kanya. Ang cute ng reaksyon nya. Mas bagay talaga sa kanya ang nakangiti kaysa ang nakasimangot, mas lalo siyang gumaganda.
Oh, f*ck! What am I thinking again? Ugh!
****
Avaree's pov:
My alarm clock rang. Kahit pikit pa ang mga mata ko at tinatamad kumilos ay bumangon na ako. It's 4:30 am, I still have an hour and a half to get ready for school. Si Reece kaya?
Nakalimutan kong itanong sa kanya kung may pasok din ba sya o kung saan sya nag-aaral. Pero dahil sa mayaman siya, siguradong sa isang exclusive school sya pumapasok. Gising na kaya siya?
Bumaba na ako ng kwarto. Humahakbang ako na parang isang zombie. My body was so lazy, I felt like I was dead. Why do I seem lifeless every Monday?
"You're so slow!" said Reece to my surprise.
Tila bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses nya. Agad akong napatitig sa kanya na may nanlalaking mga mata. He was sitting comfortably on the couch while reading a book ... again?
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang suot nya. “R-Reece? Why are you wearing our school uniform?”
Napalingon sya sa kin at nangunot ang kanyang noo, "Ano ba sa tingin mo? Malamang papasok ako, idi*t!"
"H-Ha? Sa school ka naming nag-aaral? T-THAT’S IMPOSSIBLE! IMPOSSIBLE!!!” I asked in disbelief.
He closed the book he was holding and then sighed in irritation.
"Congratulations! You won the Over Reacting Award!” he said as he glared at me. “Shut up and move quickly! It's my first day today, Ayokong ma-late!"
Napatikom ako ng bibig. That explained it, he is a new student! Siguradong sila mama na naman at ang daddy niya ang may kagagawan nito! Hmn.
"I said... MOVE!" he commanded while looking at me with fury.
Bigla akong kinilabutan kaya naman mabilis akong tumakbo papunta ng banyo. May tatlumpong minuto pa pagkatapos kong maligo at mag-ayos pero sa takot ko sa mga tingin niya ay hindi na ako nakapagalmusal, nagugutom tuloy ako! Uhmn!
"Let's go!" he said and got into his car.
Napangiti ako. First time kong sumakay sa isang bonggang sasakyan! Pangarap ko ito noon pero ang nasa isip ko ay ang magiging boyfriend ko ang kasama ko at hindi isang palautos na mahilig bumusangot! Hmp!
Habang nasa byahe kami ay puro pang-aasar pa rin ang inabot ko kay Reece. Nagtatawanan din kami at gumaganti din naman ako ng pambu-bully sa kanya. Kahit papaano, masasabi kong masaya din pala siyang kasama.
Malapit na naming marating ang paaralan, bigla akong may naalala. Sh*t!
"Reece, stop the car!" I said quickly.
Tumingin sya sa kin na nakasalubong ang kilay dahil sa pagtataka.
"Stop it now!" I commanded with my pleading eyes.
"What? We're still a few meters away from school!" he wondered.
"That's why stop the car, now!" I demanded.
Inihinto nya ang kotse at mabilis akong bumaba. Nakatingin lang sya sa akin na parang naghihintay ng eksplenasyon ko.
"Hey! Ahm, please! Please don't tell anyone that you live in our house!" I begged.
Hindi pa sya nakakapagsalita ay agad ko ng sinara ang pinto ng sasakyan nya at tumakbo na papunta ng gate ng aming paaralan. Kailangang walang makaalam nito.
A-Ayaw kong… a-ayaw kong maulit ang nakaraan.
Habang papalapit ako sa gate, napailing na lang ako sa pagkadismaya nang makita ko ang mga taong ayaw ko sanang makita. Sa dami-dami ng makakasalubong ko, sila Paula pa talaga!? Tch!
"Oh, hi Spence! Nice to see you!" said Ellaine with her nasty smile.
She's one of Paula's minions. They act superior and bully other girls here in our school especially… ME!
"You look tired Spence. How's your weekend?" Paula asked sarcastically.
Hindi ako umimik at nag-iwas na lang ng tingin.
"Oh, dear Paula, she ignored you!" Ellaine laughed like a witch.
Nawala ang ngisi sa mukha ni Paula. Tumaas ang isa nyang kilay sabay saboy ng hawak nyang milk tea sa akin. Mabuti na lang at nakaatras agad ako kaya hindi nabasa ang uniform ko.
"Oopsie!" maarteng sabi ni Paula at ngumisi.
Mariing nakatikom lang ang bibig ko habang nakatitig sa kanila. Naiinis ako pero hindi, hindi ako gaganti!
"HEY!"
Napalingon kaming lahat sa boses ng lalaking nagsalita. Namilog ng husto ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang palapit sa amin.
S-Sh*t! Si Reece!
"You took so long! Tsk!" he said irritably.
Nilingon ako nila Ellaine at agad nagsitaasan ang mga kilay nila. Pikit-mata naman akong napatapik sa aking noo. Kainis naman! Hindi ba nya ako naintindihan kanina?
Nagpanggap akong hindi ko siya nakikita at na hindi ko siya narinig. Kaya ako bumaba ng sasakyan nya kanina ay para palabasin na hindi kami magkakilala. Sa gwapo niyang iyan, siguradong mas lalo akong pagdidiskitahan nila Paula kapag nalaman na magkakilala kami!
Lumapit si Reece at huminto sa harapan namin. From being a wicked witch, Paula's face became angelic and she smiled at Reece as sweetly as she could. "Ahm, hi! Are you a new student? Want me to help you?"
Tinitigan sya ni Reece. Paula is gorgeous and she is called ‘Campus Babe’ but for me, she is the ‘Campus B*tch’! She changes her boyfriend every month and that's insane for someone like me who hasn't had a boyfriend since birth! She was a long-legged woman and she wore the skirt of our uniform almost up to her groin. Since Reece is a pervert, siguradong ang mga tulad ni Paula ang tipo niyang babae.
"What's your name? I'm Paula by the way!" Paula continued and extended her hand.
Nakatitig pa rin si Reece sa kanya at hindi kumikibo. Nabulag din ba siya ng gandang-panlabas ni Paula? Hmn. Wala rin ba siyang pinagkaiba sa ibang mga lalaki?
B-Bwisit.
"Move,” Reece commanded in a low but authoritative voice. “I’m not talking to you.”
I was so stunned to hear that! His eyes seemed to darken and there was some frightening aura surrounding him. Medyo natakot din talaga ako lalo nan ang magtama ang aming mga tinginan.
L-Lagot!
Halata din ang gulat sa mga mukha nila Paula. They stepped back as they stared at Reece in fear.
"Bakit ba ang tagal mo?" bulyaw sa akin ni Reece na parang pinagagalitan ako. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.
"Let's go!" he said irritably and pulled my hand which made my heart skip a beat.
Eh? M-My hand is sweating! Oh, fudge!
Mabilis kaming naglakad palayo sa mga bruha. Nakita ko pa ‘yong mga mukha nila na nakatanga lang sa amin. Halata ko ang inis at panlilisik ng tingin sa akin ni Paula. Heto na nga ba ang sinasabi ko, baka mas lalo nila akong pag-initan!
Nakalayo na kami kina Paula at hinatak ko siya sa may gilid ng isa sa mga gusali upang walang makakita sa amin. Nagulat siya nang gawin ko iyon at saka lamang ako bumitaw sa kanya.
"Reece! Bakit mo ba ginawa ‘yon!?” inis kong tanong sa kanya.
“Sinabi ko na hindi ba? Ayaw kong mahuli sa unang araw ko! Ayaw kong magmukhang tanga sa kakahanap ng classroom ko!” agad niyang tugon.
Pinanlisikan ko siya ng tingin. “Kahit na! Ang daming pwedeng tumulong sa iyo dito! Nakakainis ka naman eh!”
“Why? So, I can't talk to you either?” he asked impatiently.
“Hindi mo ba talaga naintindihan ang sinabi ko kanina?” tanong ko sa sobrang inis. “Ayaw ko lang naman na magkaroon ng isyu! Umiiwas ako sa gulo!”
He looked at me annoyingly. "Issue? Wait! What are you? A celebrity!? Nah! In what movie? Horror or fantasy?"
Naihagod ko na lang ang palad ko sa aking mukhang sa labis na inis. Nakatitig pa din sya sa akin at bakas ang pagka-irita sa kanyang ekspresyon. Humakbang sya palapit at nakaramdam na naman ako ng takot. A-Ano na naman!?
Napalunok ako at napaatras, pero pader na pala ang nasa likod ko! Napasandal na lang ako dito habang pinakakalma ang puso kong dumadagundong na naman dahil sa kaba.
"Put it in your tiny brain, ‘No ghost scares itself’ so stop it!” he emphatically said.
Eh? G-ghost?
Humakbang ulit sya, at sobrang lapit na naman namin sa isa't isa. Inilapat nya ang kamay nya sa pader at pakiramdam ko hindi ako makakawala! Kinakabahan ako. S-Sana ay walang makakita sa amin!
"Do you assume they will think we are dating? You're not even beautiful! You’re just a noisy fat pig so what issue are you talking about? Do you think anyone will believe that I will like you? Don't make me laugh,” He was clearly insulting me.
Napatahimik ako ng sandali at napayuko ng bahagya. A-Ang bwisit na ‘to—
“Aww! F*ck!!!” he screamed when I kicked his leg.
"Wala akong pakialam sa opinyon mo! Isa pang lait hindi lang ‘yan ang ipapatikim ko sa’yo!” hiyaw ko sa kanya.
"Oh, talaga? Bakit ano pang ipapatikim mo? Sige nga!" hamon nya na tila hinagod ng tingin ang katawan ko.
Tumikom ng mariin ang bibig ko dahil sa sinabi niya. B-BASTOS TALAGA!
Tinitigan ko sya ng masama at hindi na lang sumagot. Naglakad ako ng padabog palayo sa kanya at nagpasyang huwag na siyang lingunin.
"Hey, Ava!” he called me once again, and spontaneously my feet stopped walking. “Stop overthinking things that are unworthy of your attention. That's just a waste of time.”
Overthinking? Am I just… overthinking things?
Sabagay, wala nga naman kaming ginagawang masama, at isa pa, nag-uusap lang naman talaga kami. Ay mali, nag-aasaran pala at nakakapikon talaga sya, pero may mga pagkakataong tulad nito na may saysay ang mga sinasabi niya. Bahagya ko siyang sinulyapan mula sa sulok ng aking mga mata. Marahan siyang ngumisi sa akin at kinindatan ako.
Uhm! Agad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pamumula ng aking mukha. B-Baliw talaga sya!
"Oo na! Sige na! Tara na at mahuhuli na tayo!” sabi ko bilang pagsuko at napabuntong-hininga. “Saan daw ba ang silid mo?"
Nag-umpisa syang mag-lakad at nilampasan ako. Nakalagay ang mga kamay nya sa magkabilang bulsa nya at marahang naglakad palayo sa akin.
"A-1," tugon nya na muling nakapagpadilat ng husto sa aking mga mata.
A-Ano!? Parang gusto kong maiyak. Akala ko ay may kalayaan na ako dito mula sa kanya, pero bakit?
BAKIT KAKLASE KO SYA!