Avaree's pov:
As much as I wanted to go alone, hindi pwede! Bakit? Eh kasi ang bwisit na ‘yon ang magbabayad ng ipapamili ko. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Ano bang isusuot ko? Hmn?
Ngayon lang ata ako naging conscious sa isusuot ko. A-Ano nga ba? Eh, bahala na nga! A-Ano naman kung may kasama akong wapong lalaki sa paggo-grocery? B-Bakit? Maganda din naman ako ah? Ata!?
Hmp!
I grabbed my black jeans and my maroon loose shirt. I wore them and matched them with white sneakers. I looked in the mirror and combed my long wavy hair. Fudge! Ang init talaga! I decided to tie it on a bun and leave a few strands on the sides.
I just applied a little face powder and painted the lip balm on my lips, and yep! I'm done!
“Ava! Are you done?” he shouted.
Maka- ‘Ava’ naman itong bwisit na ito akala nya ba close kami? Agad-agad? Hmp!
“Heto na!” tugon ko habang tumatakbo paibaba ng hagdan.
Nang makita ko siya sa ibaba na naghihintay sa akin, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. Napakasimple lang nya kung manamit pero… a-ang gwapo-gwapo nya pa rin!
I looked at him with amazement in my eyes. He was wearing a black T-shirt, cream-colored shorts, and his white cap paired with black running shoes! And at this distance from him, I can already smell his enticing scent! Oh, gosh! P-Parang nakakahiyang dumikit sa lalaking ito!
"Let's go?" he asked when he saw me.
Napatango na lang ako ng aking ulo bilang tugon at akmang lalabas na sana ng pinto nang bigla syang mapahagod ng palad sa kanyang mukha.
“Oh, f*ck!” he mumbled.
“W-Why?” I asked in my confusion.
"I don't have my car!" he said lifelessly then sighed.
Napatikom ako ng bibig para pigilan ang pagtawa. Ang cute lang kasi.
"Don't laugh! Ayaw ko mag-commute! The weather is so hot!" he protested.
“So, ako na lang?” sabi ko at lumapad ang pagngiti ko.
Tinitigan niya ako ng may pagkairita at ewan ko, pakiramdam ko hindi patas ang mundo!
Even if he's upset, he looks so perfect!? Bakit gano’n? Bakit kapag ako ang nagalit ay mukha na kong mangkukulam na kakain ng tao? Hmp!
"Nope! I’ll go with you!" he said as he put his hands in both pockets of his shorts. "Let's just grab a taxi."
Naglakad sya palabas at napailing na lang ako habang nagpipigil ng tawa. I didn't object since I don't have a car too. Ayaw kasi ni mama kaya sanay na ko mag-commute sa pagpasok.
Nag-taxi nga kami papunta sa pinaka-malapit na mall at agad na dumiretso sa supermarket. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa mga matang tumitingin sa amin— sa kanya lang pala!
Okay! Okay! Sya na ang gwapo! Sya na ang cool! Sya na ang yummy! F*ck you b*tches! Tusukin ko mga mata nyo eh! Kainis!!!
"Ava! Why are you spacing out?” he asked as he grinned nastily. “Bakit ang layo mo ata sa akin?”
"Ayaw kong dumikit sa iyo!” pagtataray ko at mas binilisan pa ang paglalakad.
I could hear a little laugh coming from him. "Lumapit ka nga! Para kang sira! Minsan ka lang magmukhang katulong eh, hayaan mo na!"
SIRA-ULO TALAGA!
Hindi ko sya pinansin at nagpauna ako sa paglalakad. Tulak-tulak naman niya ang big cart at sinusundan ako.
“Hoy! Biro lang,” sabi niya pero naririnig ko pa rin na natatawa siya.
Lumingon ako sa kanya at tinitigan sya ng masama. “Go to hell!”
"That’s bad little sis,” he smirked.
"F*ck you... BIG BRO!" I replied with glaring eyes.
Binilisan ko pa ang paglalakad at iniwanan ko siya. Hindi ako makakapamili ng maayos kung nakabuntot sya sa akin. Nakakairita talaga siya!
Matapos ang ilang minute kong paglilibot sa loob ng supermarket, sinubukan ko namang hanapin si Reece dahil nahihirapan na akong bitbitin ang mga dala ko. Nakita ko sya sa may Stationary Section na tumitingin ng magazine at nanlaki ang mga mata ko nang makitang punung-puno na ang cart na dala nya. Mabilis ko siyang nilapitan at sinita.
“Reece! Ano ang mga ito!?” kunot-noo kong tanong sa kanya.
"What is what?" he asked as if he didn't really know what I meant.
"THESE!" I answered as I pointed out all the items he grabbed.
"My stuff? I guess!?" he replied.
"Hindi natin kailangan ang mga ‘yan! Ang dami-dami!" sabi ko at aalisin sana ang ilan sa mga ito pero agad niyang pinigilan ang kamay ko.
"I told you, it's MY STUFF! Kumuha ka ng sa iyo, huwag mong pakialaman ‘yong mga bibilhin ko!" sabi niya at saka ako binitiwan.
He pushed the cart after getting 5 pieces of different magazines. Napadabog naman ako ng aking paa dahil sa inis habang nakatitig ng matalim sa kanya. Para saan ba ang mga ‘yon!? Kainis talaga!
"Huwag mong kukunin sa allowance ko ‘yan!" babala ko sa kanya.
"I told you, my stuff! Ulit-ulet? Ang kulet!" sabi nya na parang naaasar na din.
Hmp! Ayaw ko na nga makipagtalo! Bwisit sya!
"Oh, ano? Mayroon pa ba?" tanong niya at nagpalingun-lingon.
"Ahm, yeah! Isa na lang! Kailangan kong bumili ng sabon panlaba,” sagot ko nang maalala na wala pa pala akong nakuhang gano’n. “Tuwing lunes kasi dumadating si Manang Laura para maglinis at maglaba.”
Tumango naman siya at sumunod sa akin. Binilisan ko ang paglalakad upang matapos na at makapagbayad na kami. Nang marating ko ang pinaglalagyan ng mga sabong panlaba ay agad hinanap ng aking mga mata ang brand na ginagamit namin. Nakita ko ito sa may bandang ibaba kaya naman bahagya akong yumuko para kumuha nito.
“Ikaw Reece, may prefer ka bang brand ng—” napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman kong pisilin nya ang pwet ko!
M-Manyak talaga!!!
“Reece, you pest—” Agad akong tumayo para sana sapakin siya pero nanlaki ang mga mata ko at agad akong napahinto nang makitang wala si Reece sa likuran ko.
Ang tanging naroroon lang… ay isang matandang lalaki!
A-Ang pumisil sa pwetan ko a-ay hindi si Reece, kung hindi ang… a-ang taong ito!
Titig na titig ako sa matandang lalaki at mas lalo akong kinilabutan nang makitang hagurin nya ng tingin ang aking katawan at saka dumila sa kanyang pang-itaas na labi habang nakangisi.
Nanginig ako at parang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nabitiwan ko din ang hawak kong sabon panlaba habang nakatanaw lang sa paglalakad nya palayo sa akin.
B-Biglang sumama ang pakiramdam ko. N-Natatakot ako na hindi ko maintindihan. Basta nananayo ang mga balahibo ko aking buong katawan.
"Ang tagal mo naman!" Narinig ko ang boses ni Reece pero hindi ko pa rin maialis ang mga mata ko sa matandang lalaki.
"Ava! Avaree! Huy! Ba't nakatanga ka d’yan?" tanong nya sa akin at hinawakan pa ako sa balikat na agad ko namang tinapik.
Alam kong nagulat siya at gano’n din naman ako. Sa sobrang takot ko ay kusang kumilos ang mga kamay ko na para bang ayokong may humawak sa akin.
“A-Ava?” taka niyang tanong habang nakatitig sa akin.
Napayakap na lang ako sa aking katawan upang pigilan ang panginginig ko. At nang muli akong mapalingon sa aking harapan ay muli ko na namang nakita ang nakakatakot na matanda na nakatitig sa akin.
“Avaree! Anong nangyari? Tell me!” Nakaramdam ako ng pag-aalala sa pananalita ni Reece.
Nagtikom ako ng bibig at napahikbi. H-hindi ako makapagsalita dahil sa nararamdaman kong takot. Piling ko ay inaabangan akong lumabas ng matandang lalaki. A-Anong gagawin ko?
Sinundan ni Reece ang tinititigan ng aking mga mata at sa tingin ko ay agad niyang nabasa ang nasa aking isip. Nang magtama ang tingin ni Reece at ng matanda ay kumaripas ito ng takbo. Mabilis namang tumakbo si Reece at sinundan ang matandang lalake na halos kakalabas lang ng supermarket.
"R-Reece! H-HUWAG! REECE!" sigaw ko at do’n pa lang nagsimulang kumilos ulit ang katawan ko para sumunod sa kanya.
Mabilis na nahabol ni Reece ang matanda na dumaan sa may fire exit.
"HOY IKAW!" hiyaw ni Reece sa matanda at nang lingunin siya nito ay agad na lumapat ang kamao ni Reece sa kulubot na nyang mukha.
Napahandusay ito sa daan at nanlalaki ang mga matang nagbanta kay Reece. “I-Ipapapulis kita! Ipapapulis kita!!!”
Tila walang pakealam si Reece sa mga pinagsasabi ng matanda. Pumaibabaw sya sa matandang lalaki at gigil na pinagsusuntok itong muli sa mukha.
“Reece! Reece!” taranta kong tawag sa kanya.
Tila ayaw papigil ni Reece kaya naman bumalik ako sa may supermarket at tinawag ang gwardya. “Kuya! P-Please help! Help!!!”
"Ano pong nangyari ma'am?" takang tanong ng guard.
Mabilis kong ikinuwento sa kanya ang nanagyari habang papunta kami kina Reece. Nang maratnan namin sila ay duguan na ang ilong ng matanda kaya agad na hinatak ng gwardya si Reece upang mailayo.
“Sir! Tama na po! Tama na po!” ani ng gwardya at tagumpay naman siyang mapatayo si Reece.
Aamba pa sana si Reece pero hinatak ko na ang braso niya at humarang na ako sa kanyang harapan. Nanlilisik ang mga mata ni Reece na syang kinatakot ng matandang lalaki kaya nang makawala ito ay kumaripas sya agad ng takbo.
“Hoy! Bumalik ka!” hiyaw ni Reece pero pinigilan ko siyang muli.
“Kami na po ang bahala sa kanya,” ani ng guwardya at kinuha ang radyo na nakasukbit sa kanyang tagiliran upang ipaalam sa kanyang mga kasamahan.
Umalis na din agad ang gwardya para habulin ang matanda at naiwan kami ni Reece na nakatanaw sa kanila.
"R-Reece, bakit mo naman ginawa ‘yon?" tanong ko nang bitiwan ko ang braso nya saka ko sya nilingon.
Magkasalubong pa rin ang mga kilay nya at mukhang nagalit talaga sya ng husto. Humakbang sya papunta sa sumbrero nyang nahulog kanina at pinulot ito.
"I knew he did something to you! Kitang-kita kong takot na takot ka kanina habang nakatitig sa kanya! What do you expect me to do? As your brother, I must protect you, you pig!” he said while tapping away the dirt on his cap. “Ano bang ginawa nya sayo? Siya ba ‘yong ex mo? F*ck!”
Uhmp! Alam kong inaasar nya ko pero ramdam ko talagang nag-aalala sya sa akin. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang sinabi nya.
‘H-He must protect me’
T-This idiot! H-He’s making my heart skip. S-Sh*t!
"Tumigil ka nga!!! Kinikilabutan ako lalo! Hindi pa ako nagkaka-boyfriend ‘no!" galit-galitan kong sagot.
Para namang nagulat sya ng bahagya tapos ay bigla syang nag-iwas ng tingin. “Hmn? Eh, bakit gano’n ka makatingin kanina sa matandang ‘yon? Huwag mong sabihing sinapak ko siya ng walang dahilan!?”
Para namang muling nanginig ang buo kong katawan nang maalala ang nangyari kanina. Uhmp! Nakakakilabot talaga!
"H-he— He squeezed my butt!" I said and quickly buried my face in my palms.
Hindi ko maintindhan ‘yong pakiramdam ko. ‘Yong tipong hiyang-hiya ako sa sarili ko at the same time natatakot ako. Nakikinita ko pa rin sa isip ko ‘yong manyakis na mukha ng matandang ‘yon. N-Nakakadiri!
Agad nya kong nilingon nang marinig nya ang sagot ko ngunit hindi sya umimik o nagsalita man lang. Maybe he's thinking of something to say to annoy me again. Pakiramdam ko tuloy maiiyak ako.
"Here!" he said then he put his white cap on my head. "I-I'm sorry!" he said in a low voice while holding the visor of his cap.
Agad kong naidilat ang mga mata ko at tinitigan sya ngunit parang hindi ko na naman alam ang aking sasabihin. Nang makita ko ang mga mata nyang nakatitig sa akin na may senseridad, tumibok na naman ng mabilis ang puso ko sa loob ng aking dibdib.
A-Ano ba ang pakiramdam na ito!?
"Hey, sissy!" he smirked and pulled both my cheeks.
“OUCH!” I screamed in pain.
"STOP LOOKING AT ME LIKE THAT! IT'S EMBARRASSING! YOU, STUPID PIG!" he said as he kept on pulling my cheeks.
"ENOUGH! E-Enough Reece!!! Aray! Masakit! BWISIT KA!" hiyaw ko sa kanya habang inaalis ang mga kamay nya sa aking mukha.
Huminga sya nang malalim matapos na bitiwan ang mga pisngi ko at saka ako inakbayan. "Forget it! Let's pay for those stuffs tapos kumain na tayo! Nagutom ako ulit!"
Napahawak ako sa pisngi ko! Ang sakit talaga! Hmp!
Gusto ko sanang gumanti kaya lang nang lingunin ko si Reece ay nakita ko ang simpleng ngiti sa kanyang mukha. Gusto ko sanang mainis sa kanya dahil sa pagpisil nya sa mga pisngi ko pero nang makita ko ang ngiti nyang ‘yon, parang… parang gumaan na ang pakiramdam ko.
‘Yong ngiti niyang ‘yon, kakaiba ‘yon sa mga ngiti nyang nakakainis at mapang-asar. Nawala ang inis at takot sa puso ko at tila napalitan ng saya ang mga ito.
M-maybe— maybe... it's fine? To trust him?
Maybe... there's a reason why it's happening?
Maybe, somehow, it's okay to have a sibling?
Maybe... having him for a while is fine, right?