53 NIKKA Ilang araw na ang lumipas at nitong mga nakaraang araw ay halos puro trabaho sa opisina ang inaasikaso ni Jamie Rix. Kung minsan ay hindi na niya ako naaabutan na gising dahil nag-o-overtime siya. Tulad ngayon, hinihintay ko siya kasi alas nueve na ay wala pa rin siya kaya hinihintay ko siya rito sa labas ng bahay kahit na inaantok na ako. Ilang beses na akong pinapasok ni Nanay Lolit at ni Jesusa pero matigas ang bao ng ulo ko na kahit bumabahin na ako sa lamig ay tinitiis ko pa rin. “Now look who’s the person experiencing the same feeling that I’ve had experienced.” Sabi ni Amanda sa likuran ko. Hindi ako tuluyang lumingon pero alam kong siya ang nagmamay-ari ng boses na nakakabwisit. Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Bakit ko naman siya papatulan ay matanda siya sa akin, di