NIKKA “J-Jix?” halos wala ng lumabas na boses galing sa akin sa sobrang pagkamalat ko. Hindi ako makagalaw at para akong gulay. Napapapikit ako kapag umiikot ako sa kama. Ano ba ang nangyari? Ang sakit-sakit ng ulo ko at halos wala na akong maalala. Buhay pa ba ako? “J-Jix!” mas nilakasan ko pa ang boses ko kasi baka tsugi na ako ay hindi ko na makita ang mahal ko. “Here, baby!” kaagad na sagot niya kaya ipinihit ko ang ulo ko. Ang laki-laki ng ngisi niya na parang naka jackpot sa superlotto. Anong nginingisi-ngisi niya? He stepped out of the bathroom, wagging his damp hair. Why is this old man so sexy, so good looking and so charming while I feel so exhausted and rotten? Parang pakiramdam ko ay sinagasaan ako ng sampung pison? Mabilis siyang tumalon sa kama papadapa at ipinatong