NIKKA Kandahaba ang leeg ko habang pinakakain ko si Andi. Ayoko man aminin pero hinahanap ko si General HH. Alam kong umalis siya para sunduin ang dati niyang asawa pero para akong tanga na hinihintay siya. Sa pagsubo ko tuloy kay Andi ng kutsara ay sa ilong niya napunta kaya tumawa siya nang tumawa. “Diyos ko! Sorry baby!” dinampot ko kaagad ang napkin at pinahid ang oat na dumikit sa ilong niya. “You miss, Daddy Tita Nikka. Aminin mo po.” Tumatawang sabi niya. Para siyang teenager na kinikilig dahil may patakip-takip pa siya sa bibig. “Oy, di ah. Saan mo naman nakukuha iyan? You’re still young and so am I. Off limits ang ganyan.” Kunwari irap ko pero dinamba niya ako at niyakap. Hinalikan pa niya ako sa pisngi gamit ang nguso niyang may lugaw. “I like you Tita. If you don’t like my