"Jio..." Hinayon ni Jio ang tingin sa bumababang si Allison. Sapo nito ang tiyan kaya dagli siyang napatayo upang alalayan ito maupo sa couch malapit sa working table niya. He needs to stay up all night to finish reports for billing purposes. Pulos patapos na kasi ang mga project na hawak niya at hindi muna kumuha ng bago hangga't hindi nakakapanganak si Allison. Lumuhod siya sa harap nito at marahang pinalis ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi. "Why are you crying? May masakit ba sa 'yo? Pupunta na ba tayo sa ospital?" Sunod sunod na tanong niya ngunit iling lang ang sagot nito. "Tell me, babe." Pakiusap niya dito saka ginagap ang kamay nito. "Ang panget ko na. Tingnan mo yung paa ko manas na manas na tapos ang laki laki ko pa." Umiiyak na sabi nito sa kanya dahilan para tum