Chapter Sixteen: Nakasimangot ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni kuya. Kanina ay sinundo niya ako sa apartment at sinabi niya sa akin na isang buwan daw mananatili si mama at papa dito sa Manila. Sa gulat ko ay hindi na lang ako nakapag-react. Hindi naman sa ayokong nandito sila. Ang totoo nga'y namimiss ko na sila at excited akong makita ang mama at papa ko kaya lang kasi kung isang buwan silang mananatili dito ay isang buwan din kaming hindi magkikita Claudius. "Bakit nakasimangot ka riyan? Gusto mo bang ibalik kita sa apartment mo at datnan nila mama at papa ang kwarto mo sa bahay na wala ka roon?" Umirap ako at nilingon si kuya. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho ng kanyang kotse. "Hindi naman, mamimiss ko lang `yong apartment ko." Bahagya si