Chapter Eight: Dinala ako ni Jerard sa isang mamahaling restaurant. Buong byahe kanina ay hindi ako mapakali. Pinagpapawisan ang kamay at paa ko sa kaba at sa ilang beses na pag-iisip kung anong sasabihin ko sa kanya. Gusto ko siyang bigyan ng isa pang chance pero paano ko iyon gagawin kung hindi na ako buo kung babalik ako sa kanya? Tahimik lang ako habang umu-order siya ng pagkain. Pinag-iisipan ko kung magiging honest ba ako sa kanya o hindi. "Kumain ka na. . ." Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko kasi halos magalaw ang chicken carbonara'ng in-order niya na paborito ko pa `man din. "Jerard, t-tatapatin na kita." Gumapang muli ang kaba sa aking dibdib. I know I shouldn't feel this way but I can't help myself. Talagang todo ang kaba ko ngayong kaharap ko siya. Wala na iyong galit