CHAPTER 41 Krishna's P. O. V Dinala ko ang kotse ko at pumunta sa lugar na sinabi ni Nuel sa akin.Nag-ayos ako ng todo, minsan na lang ako mag-make up. I need glow up. "Welcome, Ma'am, do you have reservation po?" tanong sa akin nung babaeng nasa pinto. "Uhmm, second floor, terrace table 59," sabi ko. Binuksan naman nito ang computer sa tabi niya at nag-check. "You're with Nuel Sison?" tanong nito. "Yes, Miss, nandyan na ba siya?" tanong ko. "Yes, Ma'am nandyan na sila," sabi nito at nag lead ng way sa 'kin. Sila? Sinong sila? Naglakad na ako papunta sa terrace, nakita ko ang dalawang lalake na nakatalikod. "Your food will come in 10 minutes po," sabi ng babae, tumango lang ako at ngumiti sa kaniya, umalis na siya at lumapit naman ako sa table.