CHAPTER 15 Clarence P. O. V Kinausap ko si Cheska kanina para tulungan ako sa plano ko, ayoko na maging torpe kaya aamin na ako. Wala akong pake sa rejection. Nauna akong umuwi para mag dikit ng madaming sticky notes sa buong apartment ko. Kinuha ko pa sa Internet yung ibang notes. Naghanda ako at nagbihis pa ng pormal. Sa ngayon ay malabo ang paningin ko dahil sira pa rin ang salamin ko. Pero nakakakita pa naman ako. "CLARENCE!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Cheska. Agad akong tumayo at kinuha ang gitara ko, hinintay ang pagbukas ni Krishna ng pinto. Maya-maya pa ay binuksan na niya ito, kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Nagsimula akong kumanta. "Pagtingin" Ben & Ben Dami pang gustong sabihin Ngunit 'wag nalang muna Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Krishna