CHAPTER 14 Krishna's P. O. V Pagpasok ko sa office ay nakita ko si Mom. Umirap naman ako dahil alam kong kung ano-anong salita na naman ang sasabihin nito sa akin. Hinanda ko naman ang tenga ko na kulang na lang ay dumugo. "Umuwi ka na," mahinang sabi ni Mom kaya agad akong napalingon sa kaniya. "Ha?" takang tanong ko, hindi ako sanay na mabait siyang magsalita sa akin. "Sabi ko, umuwi ka na. Alam kong nakatira ka sa tutor mo, may relasyon ba kayong dalawa?" tanong ni Mom. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. "WALA!" pasigaw kong sagot. "Bakit magkakaroon? never," bulong ko. "Babayaran na lang namin si Mr. Staverton sa pagpapatira niya sa 'yo doon. Patuloy pa rin ang pagiging tutor niya sa 'yo, kaya umuwi ka na mamaya sa atin," sabi ni Mom. Anong n