Sheila Nakarating din kami sa wakas ng condo. "Pupuntahan mo ba si Eljhun?" tanong ko kay Darell pagpasok pa lang namin ng unit. Si Jr ay kaagad na tumakbo patungo sa pickup truck niya. Ipinasok naman nila kuya Mhel at kuya Billy dito sa loob ang mga pinamili namin. "Yeah. I need to know the truth from him. Siya ang magiging witness natin para mabuksan muli ang kaso ng taong sumunog sa bahay niyo noon." "Wala naman kasing sinabi sa akin si Eljhun matapos ang pangyayaring 'yon. Hindi na kami nagkita pa simula pa noong manganak ako, lalo na't lumipat na kami ni Jr ng tirahan. Ayon kila Jayson at Tommy, umuwi raw ng province si Elmer noong time na 'yon. Sila lang 'yong dumalaw sa akin sa hospital." "Do you know the address of Elmer and Eljhun?" "Oo. Sariling bahay naman nila ang tiniti