Sheila Bago kami umuwi ng condo ay dumaan muna kami sa presinto. Pero hindi na kami lumabas pa ni Jr ng sasakyan. Tinanaw na lang namin si Darell na ngayo'y nakikipag-usap sa isang police officer sa labas ng kanilang presinto. Naririto rin naman ang isa sa mga tao ni Darell at siyang driver namin. Bagong sasakyan na ang sumundo sa amin kanina sa labas ng mall. Nakuha din nila ang mga footage ng CCTV ng mall sa loob ng Supermarket at ng parking lot at siyang nakita kong ibinibigay na ngayon ni Darell sa kausap niyang pulis. Sana ay mahuli ang mga taong 'yon at sana ay mapatunayan na rin namin na si Lorna nga ang dahilan nang pagkasunog ng bahay namin noon. Kailangan niyang panagutan ang pagkamatay ni Lola! Sigurado akong kasama niya ang mga lalaki kanina sa Mall na nakasuot ng itim, pat