Sheila "Huwag na huwag mong sasabihin sa akin na kapamilya kita o kahit malayong kamag-anak pa 'yan. Dahil hindi ko matatanggap na may dugo ng demonyong nananalaytay sa ugat ko," mariin kong sagot sa kanya. Nakita ko naman ang pagtalim ng mga mata niya ngunit muli lang siyang tumawa. Hanggang sa unti-unti na itong lumakas. Mula sa likuran niya ay natanaw ko ang paglingon ni Darell sa kinaroroonan namin. Nakita ko ang paghinto niya at mabilis niyang paglinga sa buong paligid. Siguradong hinahanap na niya sila kuya Mhel at kuya Billy. Kaagad na rin niyang binuhat si Jr at naglakad nang mabilis palapit sa kinaroroonan namin. "Okay. Pero ito ang tandaan mo, hinding-hindi ka magtatagumpay. Walang kasalan ang magaganap sa pagitan niyong dalawa. Itaga mo 'yan d'yan sa mapurol mong kukote. Ma