Sheila "Hi." "Oh, hi." Napangiti ako nang pumasok dito sa loob ng silid namin ni Darell si ate Sam. Katatapos ko lang maligo dahil nanlagkit ako mula sa buong maghapon naming pag-iikot kanina kasama ang mag-ama ko. Hindi naman ako nakisali kanina sa paglalangoy nila sa pool. Nahihiya ako dahil hindi ko pa naman nakakaharap kanina ang buong family ni Darell. Baka sabihin nila ay feel at home na kaagad ako dito. Si Jr naman ngayon ay tuloy-tuloy na ang naging pagtulog sa kama. Ang Papa niya ang nagbuhat sa kaniya patungo dito pero ngayon ay nasa baba na siyang muli at nakikipagkulitan na sa mga kapatid niya at daddy nila. Pero pinasusunod niya ako sa baba matapos ko raw maligo. "Are you done? Halika na sa baba," ani ate Sam. "Naku, sinusundo mo ba ako, ate Sam? Nakakahiya, nag-abala