Sheila Magha-hapon na nang dumating ang daddy nila. Naririto na rin ang iba pa sa mga kapatid ni Darell at nakilala ko na rin sila, maging sila Ate Alliyah, Ate Sam at Mhina. Si Darren daw at Rain ay bukas pa makakarating dahil nagpapahinga pa raw ngayon si Rain. Nakalabas na rin pala sila ng hospital. Mabuti at maayos na siya. Parang may reunion pala ang mansion na ito sa tuwing nagkakasama-sama silang lahat. Nagkakagulo ang magkakapatid na lahat ay mga lalaki dito sa malawak nilang living room. Maraming pagkain sa mesa ang inihanda para sa lahat. Ngayon naman ay ang ama nila ang ini-interrogate ng magkakapatid dahil sa kakaiba daw nitong amoy pagkauwi ng bahay. "Wala kang ganyang pabango, dad! Pabango ng babae 'yan!" Muling inamoy ni Drake ang leeg ng ama nila. Kaming mga baba