Sheila Pumasok ang sasakyan namin sa isang mataas na gate. May dalawang guard ang nagbukas nito para sa amin. Bumungad naman sa aming harapan ang napakalaki at napakagarbong mansion. Bigla akong kinabahan. Naririto na talaga kami ngayon sa lugar nila at ilang minuto na lang ay makakaharap ko na ang pamilya niya. Muli na naman akong tinamaan ng matinding hiya at pag-aalala na baka hindi nila kami matanggap ni Jr. "Are you alright?" Napalingon ako kay Darell sa tanong niyang 'yon. "Your hand is cold and sweaty." Napayuko ako sa kamay kong hawak niya at hinahaplos-haplos na niya ang palad ko. "Eh, k-kinakabahan ako, eh." Kaagad ko itong inagaw mula sa kanya at ipinunas sa laylayan ng dress kong suot. "You don't have to. I'm here." Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya. "At saka,