Sheila Gigil na gigil ako. Para akong sasabog anumang oras sa galit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. "Mama." Mabilis kong binuksan ang pinto ngunit si Darell ang biglang bumungad sa akin. "Sheila. Hey, what happened?" Mukhang nagulat din siya. "Papa!" Nauna pang sumalubong sa kanya si Jr at kaagad na yumakap sa mga hita niya. "Yang babae mo, nasa baba!" sigaw ko naman sa kanya. "Babae?" Binuhat naman niya si Jr. "Tabi. Pupuntahan ko ang babaeng 'yan! Makikita niya ang hinahanap niya! Mukhang katulong pala, ha!" Kaagad ko silang nilampasan at kaagad na lumabas ng pinto. "Sheila!" Mabilis akong naglakad patungo sa elevator ngunit kaagad na humarang sa akin si Darell habang buhat si Jr. "Huwag na. Ako na ang pupunta." "Darell, kung ano-ano ang sinabi niya sa akin! Tingn