Sheila Ang sumunod naming mga araw ay naging abala kami sa pagpi-prepare ng aming kasal. May date na kami at si Darell ang nagdesisyon niyon. Ngayong buwan ding ito ay ikakasal kami sa Saint Francis church sa Pasig. Doon din daw ikinasal ang ilan sa mga kapatid niya at mga pinsan nila. Ngayon nga ay naririto kami sa isang bridal shop at sinusukatan na ako ngayon para sa gown ko. Gano'n din si Darell at ang anak namin. Simpleng design lang ang pinili ko upang hindi magahol sa oras at matapos din nila ito kaagad. Hindi ko rin naman kasi feel ang magsuot ng magarbo. Wala rin namang nagawa si Darell sa desisyon ko. Simpleng reception lang din ang napag-usapan namin at pamilya lang ang imbitado. Mas mainam daw kasi na pribado lang ang kasal namin at hindi na muna ipaalam sa lahat. Naiint