Darell "According to the investigation, the steel cables of an overhead crane in your area were cut. It is currently loaded with a 25-ton steel coil. Nahulog ito kung saan nasa baba ka niyon at tumama sa kanang balikat mo. It wasn't the steel coil that caused your head injury, but you lost your balance, slipped on the floor, and fell. Tumama ang ulo mo sa isang bakal na nakalatag sa sahig," paliwanag ni foreman Rogon mula sa kabilang linya. Isa rin siyang Pinoy at kasalukuyan pa rin siya ngayong nasa Dubai. "Paano nangyaring naputol ang mga steel cable ng crane? Mahuna na ba talaga 'yon sa tagal ng panahon o sadyang may pumutol?" balik-tanong ko naman sa kanya. "Yan din ang hinala ng mga imbestigador. Maaaring inside job ang nangyari lalo na't ang ilang cctv sa area na 'yon ay nasira sa