Darell "Lorna!" Mabilis namin siyang nilapitan. Nauna sa akin si Denver at siyang kaagad na yumakap kay Lorna. He removed the hair that was covering her face and that's when we saw the blood dripping from Lorna's forehead. "Jesus. Call an ambulance! Right now!" kaagad na sigaw ni Denver sa mga tao ko habang nakikita ko sa kanya ang hindi mapantayang takot at pag-aalala. Toni immediately took out his phone and dialed. Si Billy ay mabilis na sumakay sa kotse ko at hinabol ang kotseng sumagasa kay Lorna at may kalayuan na ito. Hindi man lang ito huminto. I looked down at Lorna again. May pag-aalala rin akong naramdaman sa dibdib ko para sa kanya ngunit iba ang nakikita ko sa kapatid ko. Hindi nagtagal ay dumating ang ambulance. They immediately put Lorna on a wheeled stretcher and put