Darell Ipinaliwanag ko lahat kay kuya Liam ang buong pangyayari. Hindi naman lingid sa buong angkan namin ang nangyari sa akin sa Dubai at sa pagkawala ng alaala ko hanggang sa ngayon. Gano'n din sa mga asa-asawa nila katulad na lang ni kuya Liam at ng iba pa. "All right. We're going to investigate this matter and find out if Lorna is really the mastermind behind all of this. For now, Beauty Shown and Sean Sawyer will be her guards here at the hospital." Nilingon ko ang dalawa niyang tao na dumating at ngayon ay nagbabantay na sa pinto ng silid ni Lorna. Mukhang mga kaibigan din sila ni Eljhun. "Kung totoong siya man, hindi siya p'wedeng makawala sa atin. There's a possibility that she may escape when she wakes up, itakas ng mga kasamahan niya o maaaring tuluyan na nilang tapusin ang b