CHAPTER 58: Photo Album

1883 Words

Sheila Halos atakehin sa puso ang ina ni Lorna nang matuklasan na nila ang lahat-lahat at nang madatnan nila ang kanilang anak sa ganitong kaawa-awang kalagayan. Isang psychiatrist ang kumausap sa kanila at sinabi naman nila ang lahat ng mga napapansin nila sa kanilang anak sa tuwing umuuwi ito ng bahay. "Hindi naman po siya ganyan dati, Doc. Napakabait niyang bata at masiyahin simula noong isilang ko siya hanggang sa mag-high school siya. Nagbago lang ang ugali niya noong tumuntong na siya sa kolehiyo at matapos niyang magdisi-otso," paliwanang ni Aling Marceline sa doctor. "Nakaranas ba siya dati ng mga karahasan, pang-aabuso dahilan para magkaroon siya ng matinding emosyon, stress, trauma. Nagbisyo ba siya dati? Umiinom ng alak o naninigarilyo?" mahinahong tanong naman sa kanya ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD