Sheila "Mama..." Nagising ako nang marinig ko ang tinig ni Jr. Naramdaman ko ang paggalaw niya mula sa likuran ko. Ako naman ay nakaharap kay Darell at magkayakap kaming dalawa ng mahigpit. Naririnig ko pa ang malakas na paghilik ng mahal namin. "Mamaaa... Papa." Tuluyan na akong nagising nang dambahan na ako ni Jr. Inalis niya ang braso ko mula sa pagkakayakap ko sa ama niya. Naramdaman ko rin ang pagluwag ng braso ni Darell mula sa akin. "Hey. Good morning," bati sa kanya ng Papa niya sa namamaos pang tinig. Nagising na rin tuloy siya sa ingay at maagang pangungulit ng anak namin. "Gising na, Papa. Ako d'yan, mama." Gusto niya akong agawan ng pwesto sa ama niya kaya muli kong niyakap ng mahigpit ang Papa niya. Yumakap din namang muli sa akin si Darell ng mahigpit. Naririnig ko a