Sheila Kaagad na kaming bumaba ni Jr sa kusina at nagluto ng almusal. Tinimplahan ko na rin muna siya ng gatas niya dahil kanina pa talaga siya nangungulit. Kinakabahan ako sa pagtungo ni Darell sa probinsiya ng siya lang. Kung p'wede sana ay samahan siya ng mga kapatid niya. Pero hindi ko alam kung naririyan na ba sila ngayon sa unit nila dahil sa pagkakaalam ko nga ay dinala ang babaeng girlfriend ng kapatid niya sa hospital. Sana ay magsama na lang siya ng marami niyang tao. Wala akong tiwala sa pamilya ng babaeng 'yon. Baka masaktan lang doon si Darell at hindi na naman siya makabalik dito sa amin. Oh, maaaring naroroon ang Lorna na 'yon at harangin na siya pabalik. Pero naririto lang naman siya kahapon. Ano ba itong iniisip ko? Hindi ko na naman mapigilan ang mag-overthink. Sakt