Chapter 42

1438 Words

Mahigpit ang hawak ko sa ultrasound envelope habang palabas ng OB-GYNE clinic. Masaya ako nang malaman na malusog si Baby. At higit sa lahat babae ang magiging anak ko.. Mabagal ang mga hakbang ko. Paminsan-minsan ay napapahawak ako sa tiyan ko, palabas ng hospital. Pitong buwan na. Mas malaki na ang umbok nito. Hindi na ito iyong kaya pang itago sa maluluwag na damit o sa pagyuko. Halatang-halata na. At sa bawat paglipas ng araw. Mas lalo akong kinakabahan. Paglabas ko ng hospital ay saka ako napahinto. Parang may humila sa mga paa ko. Nais ko sanang bumalik sa daan ngunit natuod ako. Nasa harapan ko si Gareth Kasama si Bernadeth. Ang malalaking ngiti sa labi nila ay nabura ito nang makita ako. Dahan-dahan bumaba ang tingin niya, mula sa mukha ko, Pababa hanggang sa tiyan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD