Mabilis na lumipas ang mga buwan. Hindi ko namalayang nasa limang buwan na pala ang dinadala ko. At kasabay ng paglipas ng panahon… Unti-unti ring nagbabago ang katawan ko. Hindi na ganoon kadaling itago. Mas halata na ang bahagyang pag-umbok ng tiyan ko. Mas mabilis na rin akong mapagod. At may mga araw na kailangan kong huminto sa trabaho kahit ayaw ko. Tahimik akong nakatingin sa salamin sa loob ng kwarto ng flower shop. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. “Limang buwan ka na…” Mahina akong napangiti. Pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. Dahil kasabay ng saya…May takot. Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si Rica. Pagkakita pa lang niya sa akin ay agad siyang napabuntong-hininga. “Ma’am…” Lumapit siya at sinilip ang tiyan ko. Halatang may pag-aalala sa mukha niya

