Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ’to. Kahit anong pilit kong mag-focus sa trabaho, bumabalik at bumabalik sa isip ko ’yung nangyari kahapon. Si Migz. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” Napatingin ako kay Rica. Nakahinto na pala ako sa pagta-type nang hindi ko namamalayan. “Ha? Ah… oo. May iniisip lang,” sagot ko, pilit na inaayos ang sarili ko. Tumango lang siya pero halata kong nagtataka siya. Hindi naman kasi ako ganito. Sanay akong kontrolado lahat—oras, trabaho, kahit emosyon ko. Pero ngayon… parang may kulang. Parang may bahagi sa’kin na pilit kong inaabot pero hindi ko mahawakan. Napabuntong-hininga ako. Bakit ganun? Napailing ako sa sarili ko. Ang gulo. Biglang bumukas ang pinto ng opisina. “Am I disturbing you?” Hindi ko na kailangang lumingon para makilala ang bos

