PART 12

1626 Words
Shiloh : POV Dumating kami sa Hospital upang gawin ang unang proseso. Ang baseline bloodwork at Ultrasound sa ovary ko. Matapos ang resulta ng mga ito ay pinakita na namin sa isang Doktor na OBGYN. "Good. Healthy naman ang ovary mo. Bakit kaylangan niyo pa ng ganitong proseso?" nagtatakang tanong ni Doc Lara. Pare-pareho kaming tatlong nagkatinginan. Tahimik akong nag hihintay na magsalita si Migz. "We are paying you to do this. But please. Stop asking too many question." Saad ni Migz sa malumanay na boses. "So, What should we do next? Para matapos na." "I'm sorry, Migz."hinging paumanhin ni Doc Lara. "Well, we will proceed to Ovarian Stimulation. Ginagawa ito after ng huling regla mo. Kelan ba ang period mo? " "Katatapos lang kahapon," tugon ko. "Good! so we can do it right now the next step. I will do the Injectable medication. This Medication is to encourage the ovaries to produce multiple eggs. And after 1 week, bumalik kayo dito. I will check if pwede na bang harvestin ang egg." mahabang explenasyon ni doc. Lara. Ginawa na ni dok Lara ang sumunod na step. Ay ang pag inject sa may baba ng pusod ko. Napangiwi ako dahil sa Hapding naramdaman. "Okay, done. Kung may mararamdaman kang kakaiba katulad ng hilo, don't worry its totally normal." Aniya. "Thank you, Doc Lara. " saad ni Atasha. "Your welcome," nakangiting tugon ni Doc. Umalis kami ng clinic ni Doc Lara, ngunit hindi na kami magkasabay sa pag-uwi ng bahay. "Shiloh, please take care of yourself. Hmm?" Paalala ni Atasha. Tipid akong ngumiti at tumango. "Mag-iingat ka rin." Ngayon aalis si Atasha, patungong America, at ihahatid siya ni Migz sa airport. "Si kuya Noel, ang kasama mong uuwi ng bahay. Mag-iingat kayo." Saad ni Migz, bago umalis ng ang kanilang sinsakayan kotse. Binabay-bay namin ang daan pauwi ng bahay. Tahimik at nakahinga ako ng maluwag. Kapag kasama ko silang dalawa pakiramdam ko nasasakal ako. O baka naiilang parin ako. Nang makarating kami sa bahay, ay ibang saya ang naramdaman ko nang makita sila Mama at Papa. "Kamusta ka dito, anak? Maayos ba ang trato nila sayo?" tanong ni Mama. Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay, "Opo. Huwag po kayong mag-alala." Namasa ang kanyang mga mata, at tipid na ngumiti, "Mabuti naman." Pinag-masdan ko ang muka ni mama, "Ma? Parang pumapayat ka?" "Paano araw-araw umiiyak." Saad ni Papa. Bumuntong hininga ako, "Ma, mabilis lang to. Makakabalik rin ako saatin." "Pasensya na Shiloh, dahil wala tayong pera upang mabayaran si Migz." Dagdag ni Papa. "Pa. Huwag niyo na pong, alalahanin. Nandito na po ako. pagbabayaran ko nalang ang mali kong nagawa noon. Mas maigi na to kesa nakikita niyo akong nakakulong sa kulungan. Hindi po ba?" Malungkot akong tinitingnan ang mga magulang ko, ngunit hindi ko pinapakita ang totoo kong nararamdaman. Kaylangan kong maging malakas para sakanila. Bago pa man nakabalik ng bahay si Sir Migz, ay nakaalis na sila Mama at papa. Hapon na nang makabalik si Sir Migz. Kaya sabay kaming kumain ng hapunan. "Bumisita raw si aling Meding at Mang Edu?" tanong niya Matapos akong sumubo ay dahan-dahan akong tumango-tango . "Na-nangangamusta lang sila." Matapos niyang magtanong ay, tinapos na niya ang kinakain. Kasabay nito ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo siya at sinagot ito. Naiwan ako sa Mesa. "Ngayon na? O sige. Papunta na," Matapos niya itong ibaba at tuloy-tuloy na siyang tumungo sa kwarto niya. Tila may lakad siya, at ilang sandali pa nga ay tumunog ang makina ng kotse niya. Tahimik ang buong bahay. Pinili ko munang magpahangin sa pool area dahil hindi pa naman ako inaantok. Nais ko sanang buksan ang social media ko, ngunit pinigilan ko ang sarili. Malamang tadtad na ng messages ang messenger ko. Hindi ko pa kayang sabihin sa mga kaybigan ko ang nangyari saakin ngayon. Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam na ako ng antok. Umakyat na ako sa Kwarto upang matulog na. Sa pagkakahimbing ko ay naalimpungatan ako. Para bang hirap ako sa paghinga. At tila may nakadagan sa aakin. Dinilat ko ang mga mata upang bumangon, ngunit pati sa pagbangon ay di ko magawa. Tuluyang nagising ang diwa ko nang maramdaman na may gumagalaw at animoy gumagapang patungo sa dibdib ko. Naidilat ko ang mga mata nang mapagtanto na iaang kamay ng tao ito. Dahan-dahan ko itong tiningnan at nang mapagsino ang taong nasa tabi ko. "Sir Migz?" Saad ko sa paos na boses. Ngunit tila wala itong narinig at lunod sa pagkakatulog. Amoy alak siya. Mas lalong humigpit ang paglingkis niya sa katawan ko. At naramdaman ko ang pagmasahe niya sa umbok ng aking dibdib, na tila ba malambot na bola ang hawak niya. Napapikit ako ng pisilin niya ang n*ple. Para bang hinahabol ako ng tatlong aso dahilan na halos mawalan ako ng hininga. Nais ko siyang gisingin ngunit nadala ako sakanyang pagkakayapos sa aking katawan. Akala ko dun lang magtatapos dahil naririnig ko ang kanyang paghilik. Ilang sandali pa ay, naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa batok ko. Dahan-dahan ngunit paulit-ulit ang pagdampi. Kahit malamig ang aircon ay pinapawisan ako dahil sa kabang nararamdaman. "Babe," rinig kong sabi niya. Lasing si sir Migz. At hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Pilit kong inalis ang mga kamay niya na nakapulupot saakin. At tagumapay ko itong nagawa nang hindi siya nagising. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng makalabas. Tumuloy na ako, sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Pakiramdam ko, para akong sinisilaban. Matapos uminom ay pinili ko nang hindi bumalik sa kwarto. "O, Shiloh? Maaga ka yatang bumangon? Aba, mag-alas kwatro pa lang ah," takang tanong ni Manang. "Ayos ka lang ba? Bakit pinagpapawisan ka? "Nakaramdam na po ako ng gutom, kaya bumaba na ako. At, naiinitan narin ako." Kunot noo niya akong tiningnan. Hindi ko alam kung naniniwala ba sya na nainitan ako, "Ganun ba? O siya, magluluto na ako." "Tulungan ko na po kayo," agarang sabi ko. "Huwag na. Bawal kang mapagod, 'yon ang bilin ni Si Migz." Pagbawal niya saakin. Wala akong nagawa kundi ang umupo. Pinagtimpla pa ako ni Manang ng gatas. Matapos magluto ni Manang ay kumain na rin ako. "Hindi na po ba kayo mag-aalmusal?" "Hindi na, kaylangan ko ng bumalik ng Bulacan, at magpapasahod sa mga trabahante. Kayo na po ang bahala dito. Tsaka yung bilin ko Manang." "Opo sir Migz, gagawin ko po," Rinig ko ang palitan ng usapan ni Manang at Migz. Aalis siya. Hinintay ko muna na makaalis siya bago sumilip sa entrada ng bahay. Mabuti nalang at umalis siya.. kundi, hindi ko alam kung paano siya harapin nang hindi natatakot. Kahit sino maiilang. Napapikit ako nailing. Muli ko nanaman kasing naalala ang nagyari kagabi. Ganun rin kaya ang ginagawa niya kay Atasha? Kinilabutan ako sa naalalang pagniniig nila. Ang halinhing boses ni Atasha, na para bang nanlalata. 'Ano kaya ang pakiramdam nila?' Binura ko na ito sa isipan at dahil napakasagwang pakingan. Ilang araw ang nakalipas ay umuwi na si sir Migz. At ito ang araw na pupunta kami sa clinic ni doc Lara. May inabot si Migz, kay Doc Lara, na hindi pamilyar saakin. Isang transparent na halos isang dangkal na tube at may lamang puting likido. Ngumiti si Doc Lara, na nakatigin saaming dalawa bago magsalita, "Ngayon natin ha-harvestin ang mga eggs mo Shiloh. Sana sapat ang makuha natin upang maganda ang pagbuo." Tango lamang ang mga tugon ko, sa mga sinasabi ni Doc. " This process is Ooxyte Maturation, immature eggs are cultured out side the body to reach maturity. Enabling them to be fertilized in a laboratory. So bumalik kayo dito kapag ready nang i-transfer sa ovary mo ang embreyo." "Okay. Thank you, Lara. " saad ni Sir Migz. Sa tawag niya sa pangalan ni Doc lara, ay para bang close sila, o matagal ng magkakilala." "Welcome, Migz. Ow, by the way, Shiloh. You need a plenty of rest, at kumain ka ng masustansyang mga pagkain, nang sa ganon ay handa ang katawan mo. "Gagawin ko po Doc." Matapos ang appointment namin kay Doc. Ay umalis na kami. Tahimik sa pagitan namin ni Migz. Naninibago ako sa pakiramdam ko ngayon. Para bang lamig-na lamig ako. Nang makarating kami sa bahay ay, tahimik parin ang lahat. Pupunta na sana ako sa Kwarto ko, nang mapigilan ako ng boses ni Migz. "Can we talk?" Tila nabitag ako, at nais makawala, ngunit hindi mangyayari 'yon. Nanga-ngatog akong hinarap si Sir Migz. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. O baka yung nangyari kagabi? Humakbang siya papuntang Pool area at kinakabahan akong sumunod sakanya. Nang makarating kami sa pool area ay nakatayo siya sa harap ng Pool . Nakapamulsa at malayo ang tinatanaw. Umupo ako sa bench at hinihintay ang sasabihin niya. Ilang saglit pa ay humarap siya at tumabi saakin. Ramdam ko ang pagkabog ng malakas ng puso ko, dahil halos dalawang pulgada lang ang layo niya saakin. "May nangyari ba saatin nung nakaraang gabi?" Napamulagat ang mga mata ko, sa tanong niya. "W-wala!" agaran kong sagot. "I just want to make sure Shiloh. Look. I don't want to give you a trauma. Lasing lang ako, at akala ko kwarto ko, yung pinasukan ko. I-i'm sorry." Mahabang explenasyon niya. Tahimik ako at hindi alam ang sasabihin. Humarap siya saakin at kahit hindi ako nakatingin ay batid kong nasaakin ang mga tingin niya. "Natatakot ka ba?" Tanong niya sa malumanay na boses. "Oo. Natatakot ako sa lahat ng bagay mula ng nakatira ako sa puder mo." Namasa ang mga mata ko matapos itong sabihin. Rinig ko ang paghugot niya ng hininga at binuga ito. "Wala na tayong magagawa pa. For now, please be my wife, and bear my Son." (guys sorry dahil na-ipost ko to kahapon. dapat today siya i-post.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD