Part 11

1613 Words
Magdamag na hindi ako nakatulog kahit anong pilit. Pilit kong inaalis sa utak ko ang mga nakita at narinig kagabi. Ngunit ayaw nitong mawala. Kaya ito, Para tuloy akong panda dahil sa nangingitim na eyebag. "Ma'am, Shiloh okay ka lang ba? Tsaka sinong sinisilip mo diyan?" Narito ako sa Pinto ng kusina at sinisilip ang pool area. Pero walang tao. Siguro mga puyat yun. Umalis ako, sa pinto nang mapansin ni Manang ang ginagawa ko. "Ah wala po. Ah Manang, Shiloh nalang ang itawag mo saakin. Hindi ako sanay sa Ma'am na yan." tipid akong ngumiti. "Sige, kung yan ang gusto mo." nagpi-prito si manang ng ulam para sa almusal nang sabihin ito. "Manang, may Bisita pa ba kagabi na dumating?" Kuryusidad kong tanong. "Hindi ko alam, pero may narinig ako-" Hindi ko napatapos ng pagsasalita si Manang, "Narinig niyo rin po?" Kunot noo niya akong binalingan, "Ha? Oo yung busina. Pero di ko na sinilip. Alam mo na, pag matanda na, tamad ng bumangon kapag nakahiga na. " Nahiya ako ng palihim sa inasta ko. Sarilihin ko nalang kung ano man yung narinig at nakita ko kagabi. "Good morning!" Sabay kaming lumingon ni Manang, nang may biglang bumati. Isang babae. na naka-robe pa ito na halatang galing pa sa pagkakatulog. Grabe ang ganda niya. " Ma'am Atasha?" masiglang sinalubong ito ni Manang. Napakaganda niya. Malaporselana ang kutis. "Manang Merci, kamusta kayo?" Niyakap nito si Manang. "Ito nagpapasexy" nagtawanan sila nang sabihin 'yon ni manang. "Naku Ma'am, napakaganda mo lalo ngayon," "Si Manang naman, over ka ha," "Talaga naman po, at napaka-sexy mo pa," "Thank you Manang." Napatingin siya saakin na nakangiti, "Hi," "Magandang umaga," bati ko. Humakbang siya palapit saakin, "Sa wakas at nagkita narin tayo." "Ah, Shiloh, siya si Ma'am Atasha, ang Girlfreind ni Sir Migz," walang prenong untag ni Manang. Nag-aalalang nilingon niya si Manang, "Manang. Wag niyo pong sabihin yan, lalo sa harap ng ibang tao. Shiloh is the Wife. Yan ang tandaan niyo," "P-pasensya na po." Napayuko si Manang. "Naku, alam mo kapag free ka mamaya, bakit hindi tayo mag-shoping? " ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko. Nailang naman ako, "Ah, baka Pagalitan ako ni Sir Migz." "At bakit naman ako magagalit?" nilingon namin si Sir Migz, na kadarating lang. Napangiti si Atasha, at nilapitan niya si Sir Migz, at napayakap dito, "Babe? Huwag mo namang takutin si shiloh." "I didn't" matapos itong sabihin ni Sir Migz ay dinampian niya ng halik sa labi si Atasha. Saglit niya pa akong sinulyapan habang magkadikit ang kanilang labi. Napaiwas ako ng tingin. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Habang kumakain kaming tatlo sa hapag kainan ay napapasulyap ako sa kanilang dalawa. Ang sweet nila. Siguro kung hindi nangyari ang problema namin, ay tiyak mag-asawa na sila ngayon. "Ito, bagay sayo to, dali sukat mo," Lahat ng damit na nakikita ni Atasha, ay pinapasukat niya, saakin. At kung kasya at bagay saakin ay binibili niya. Nakakalimang paper bag na nga kami. At ang mamahal pa. "Ma'am-" sambit ko. "Atasha, nalang. Huwag mo na akong tawaging Ma'am." aniya. "Napakabait mo. Paano mo nagagawa 'yan? Samantalang ako ang dahilan, kaya hindi natuloy ang kasal niyo ni Sir Migz. " Walang reaksyon sa mukha niya, nang direktang sinabi ko ito sakanya. Naglalakad kami ngayon sa hallway ng mall. Paisa-isang hakbang. "Its a win-win situation" aniya. Nasa malayo ang tingin niya at animoy malalim ang iniisip. "Ha?" Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. "I don't know If it's a coincidence? Pero alam mo, may dahilan ang lahat." Ngumiti siya, at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo nagugutom na ako. Tara kain muna tayo bago umuwi?" Walang arte, ngunit naiilang parin ako sakanya. Hindi dahil sa katayuan namin kundi, siya ang tunay na mahal ni Sir Migz. At ako? Ito, naagawan siya sa papel. "Atasha." "Hmm? May gusto ka pa bang kainin, saglit tatawagin ko ang waiter," tatawagin na sana niya ang waiter ngunit mabilis kong pinigilan. "Hindi." Tiningnan niya ako sa mga mata at hinihintay ang mga salita na magmula saakin. "Kasi gusto ko lang itanong sayo. May pera kayo. Bakit hindi nalang ayusin ang Marriage contract? Hindi ba, pwede naman ipa-Unulled?" Kinuha niya ang baso na may lamang juice at sinipsip ang straw nito, bago sumagot. "Yeah. Pwede naman," "Bakit di niyo gawin? Nang sa ganun malaya na kayong magpakasal. Tutal pagkakamali–" "Shiloh, mahal ko si Migz, kaya ko ito ginagawa. We try our best to manage this situation. Mahirap, Shiloh. Ngunit kaylangan kong magsakripisyo. " "P-paano naman ako? Nahihirapan din ako," mapait akong ngumiti at di napigilang maluha. "Please. Pagbigyan mo kami. Don't worry, kasi kapag naging Successful ang pagbubuntis mo, after that, we will pay you." aniya. "Isa pa yan. Isa pa yang pagbubuntis na yan. Napakabata ko pa para mag-anak," halos maiyak ako na ipagtapat ito sakanya. Desi-ocho pa lang ako. "Shiloh, please." "Atasha, virg*n pa ako. Wala pa akong karanasan sa gawaing mag-asawa," inosente kong sabi. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako. "No, walang mangyayari sainyo ni Migz." Agad niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig, "Paano ako, mabubuntis?" "May kabigan akong Dr. Siya ang gagawa ng procedure." Hindi ko lubos maintindihan ngunit pinaliwanag niya saakin. Kung paano gagana ang Invitro fertilization. "Shiloh, may isa pa sana akong paki-usap sayo. " Humigop muna ako ng juice bago tumugon, "A-ano 'yon?" Bumuntong hininga siya, "Please, don't fall inlove with Migz." Halos maubo naman ako sa narinig mula sakanya. "Bakit mo naman naisip 'yon. Tsaka, mahal na mahal ka ni Sir Migz." "Mabuti na yung maliwag, para sayo. Na nagmamahalan kami ni Migz. And please always in mind. This Marriage of yours, it just a temporary." Kita ko sa mga mata niya ang pangamba. Naka-uwi na kami galing sa Mall. Bigla ko naman naisip ang sinabi ni Atasha, kanina. "Don't fall inlove with migz" Hindi naman siguro mangyayari 'yon" Sumisigaw ang kalooban ko. Lalo na ngayon na kinakaylangan ko ng dalhin ang magiging anak namin ni Sir Migz. Hindi ko lubos maimagine, na magkakaanak ako at iiwan ko kay Migz? "Shiloh, gising ka pa pala?" napagigtad ako mula sa pagkatulala, nang biglang dumating si Manang. "Ah, aakyat na rin ako. Nauhaw lang ako, " tugon ko. At muling inubos ang natirang laman na tubig sa hawak kong baso. "Shiloh? May problema ka ba?" Takang tiningnan ko si Manang. "Bakit niyo naman naitanong Manang?" Lumapit si Manang at tumitig sa mga mata ko, "Yung mga mata mo kasi, kahit wala luha, parang namimigat." Ngumiti ako nang walang halong kaplastikan, "Wala to manang. Antok lang to." "Hala, sige. Pero kung may problema ka, nandito lang ako. Makikinig ako." Aniya. Tumango ako, "Sige po, akyat na ako," Alam kong alam na nila, Manang ang nangyayari saaming tatlo nila Sir Migz at Atasha. Pero narito parin ang hiya ko, na sabihin sakanya ang bigat na nararamdaman ko. Habang paakyat ako ng hagdan, ay siyang paglabas ng Kwarto, ni Sir Migz.. Iniwas ko ang mga tingin, at patuloy ang lakad patungo sa sa Silid ko. Habang nakayuko sa pag hakbang, batid ko na nasa akin ang mga tingin ni Sir Migz. At hindi ko napigilan na hindi siya sulyapan. "Gabi na, bakit gising ka pa?" agad niyang sabi nang magtama ang mga tingin namin. "N-nauhaw lang ako, p-pero matutulog narin ako, s-sige," halos mabulol naman akong sumagot. Halos, doble ang ginawa kong hakbang para agad makapasok sa Kwarto. Nang maisara ko ang pinto ay napahawak ako sa dibdib. Ramdam ko ang tila tambol dito. Nagising ako na may liwanag na sa labas. Bago lumabas ng kwarto ay, naligo muna ako. Matapos kong gawin ang morning routine ko dito sa bahay na ito, ay pumanaog na ako. Tutungo ako sa kusina upang tulungan si Manang sa pagluluto. Ngunit nahinto ako nang may marinig akong boses. Boses ni Atasha. Hinila ako ng mga paa sa may pinto at sinilip ito. May kausap pala sa Telepono. Aalis na sana ako, ngunit may kung ano akong narinig. "This not the right time para madaliin ang mga bagay. God! Nahihirapan din ako, pero, nandito na to, nangyari na. Babalik ako sa makalawa after the Procedure," Hindi ko naintindahan. Kinastigo ko ang sarili dahil sa pakikinig. Ang chismosa ko talaga. Pero inuusig ako ng konsensya para kay Atasha. "What are doing there?" Napaigtad ako nang marinig si Sir Migz. Halos malukot ang mukha ko dahil sa takot. Nahihiya akong lumingon. "Wala. Ay, may hinahanap lang. N-nahulog kasi ang hikaw ko," pagsisinungaling ko. Nagkuwari ako na may hinahanap. "Nahanap mo na ba?" Tanong niya habang ang mga tingin ay nasa sahig tila may hinanap rin. Lumapit siya sa kinatatayuan ko, kaya naamoy ko ang natural na amoy niya. "Hindi nga, pero baka nasa kusina, hahanapin ko lang," hahakbang na sana ako ngunit dumating si Atasha. "What's going on here?" Napalunok ako. Sana hindi niya mahalata ang kaba sa mukha ko. "Nothing babe. Come lets eat." Kibit balikat na tugon ni Migz. Hinawakan niya ang kamay ni Atasha. Tiningnan niya muna ako. "Baka gusto mong sumabay? Kumain kana muna bago hanapin ang hikaw mo," Tipid akong ngumiti at napatango-tango. Magkahawak kamay silang naglakad. Pinagmasdan ko sila habang nakasunod. "Babe, sinabi mo na ba kay, Shiloh, na ngayon ang appointment natin kay Doc?" Napatingin ako kay Atasha at tila nanlaki ang mga mata ko. Ngunit agad ko itong iniwas. "Hindi pa, pero nabangit mo na rin naman. After nito pupunta tayo sa Clinic ni Doc." Tugon ni Migz habang binabasa ang dyaryo. "S-sige." tugon ni Atasha. Nasa plato ang mga tingin ko habang pinapakingan sila. Parang nanikip ang lalamunan ko, sa narinig. Ito na ba yun? Handa kana ba Shiloh? (SORRY GUYS. This is suposedly a CHATPER 11. )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD