Shiloh's POV
"Ano bang naisip mo at pumayag ka, sa gusto niyang mangayari?!" Umiiyak na tanong ni Mama. Inis at galit ang naramdaman niya, nang malaman nila, na nakipag-areglo ako kay Sir Migz.
"Ma, ginawa ko lang 'yon para hindi na kayo mahirapan. Wala tayong Pera, at sa kulungan ang bagsak ko, kung patuloy tayong lumaban." Lumuluha kong tugon. Iniisa-isa ko ng ilagay ang mga damit ko sa Bag, na dadalhin sa bahay nila Sir Migz.
"Tama na Meding, naririnig na tayo ng mga kapitbahay." awat ni Papa, na nasa Sala.
" Wala akong pakealam, Edu! " halos pasigaw na sabi ni Mama.
"Tapos na, nai-atras na ang kaso. Wala na tayong magagawa pa," mahinahong pagpaliwanag ni Papa. Ngunit humahaguhol parin si Mama.
Labag sa loob nila ang desisyong ginawa ko. Ako man ay hindi ko rin gusto itong gagawin ko.
Matapos ang pag-uusap namin ni Sir Migz, ay hinayaan niya muna akong umuwi ng bahay upang makapag-paalam kila Mama. At simula bukas, ay sakanila na ako titira.
"WELCOME home, Wife. ." Nakatindig at naka-abrisyete si Sir Migz, sa may bungad ng pinto. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay binati na ako ng mga kasama niya sa bahay.
"Ah, M-ma'am Shiloh, kunin ko na po ang dala niyong Bag,"
Hindi ako nakapagsalita, nang tawagin akong 'Ma'am," ng isa sa mga kasambahay. Napatitig na lamang ako, nang kunin saakin ang kulay itim kong, mini duffle bag
Isa-isang nagbalik sa mga gawain ang mga kasambahay, at naiwan na lamang kami ni Sir Migz, dito sa sala.
" From now on, I don't want to hear from you na tawagin akong 'Sir' understood? "
Halos hindi ako, makatingin ng direcho sakanya habang tumango-tango. Hindi parin pumapasok sa utak ko kung ano ang nangyayari ngayon. Ayokong isipin pero ito na ang katotohanan. No turn back na ba talaga?
"Ang kwarto mo, ay sa tabi ng kwarto ko. Sa ngayon maghanda ka, dahil darating si Dad, at ang mga kaybigan ko. Ipakilala kita sakanila."
Muli akong tumango. Ngunit ramdam ko ang biglaang paglamig sa mga palad ko, dahil sa kaba. 'Ako, ipapakilala niya sa Daddy niya?'
"O? Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan? Go to your room and fix your self."
Tila natauhan ako at mabilis na pinasadahan ang sarili, "A-ayos naman itong s-suot ko,"
Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hangang ulo. At malamlam niya akong tinitigan sa mga mata,
"You look, exhausted. Gusto mo bang paliguan ka pa ni Manang? "
Napakamot nalang ako sa sintido. At may parte saakin na nanliliit sa sarili. Humugot ako ng malalim ng hininga bago hinakbang ang mga paa paakyat sa hagdan, at sumunod kay Sir, Migz.
"This is your room." binuksan niya ang pinto nito bago humarap saakin. "Ayoko ng magulo at maingay. Kaya be careful."
Matapos niya itong sabihin saakin, ay tinalikuran niya, ako, at pumasok sa kanyang silid.
Nakatingin ako, sakanya, hangang sa magsara ang pinto. Pumasok ako sa magiging kwarto ko. Amoy presko ang loob nito. May isang kama na sa tancha ko ay kakasya ang dalawa o tatlong tao. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Mapait akong ngumiti. Naalala ko si Mama at Papa.
Sa kabilang banda ay, natuwa ako dahil hindi kami magkasamang matulog sa iisang kwarto.
Napalingon ako sa Pinto nang may kumatok. Bago ko pa man itong mabuksan ay nagbukas ito. Iniluwa nito si Manang.
"Ma'am?"
"Ah, Manang. May kaylangan po kayo?"
Sinara niya ang pinto at naka-ngiting lumapit saakin. "Nakita mo na ba ang mga gamit mo? Oo nga pala hindi ko na-i-hanger lahat, nasa Paper bag pa yung iba,"
Tinuro niya ang mga ibat-ibang kulay ng paper bag. "Hulaan mo kung sino ang nagbigay niyan?"
"Si, Sir Migz?" Wala akong ibang maisip na ibang tao, kundi siya lamang.
"Hindi, yung girlfriend niya. Regalo niya raw sayo"
"G-girl freind?" Nagtataka kong tanong.
Tumango si Manang
"Oo. Hindi mo pa ba nakita ang nobya ni Sir Migz?"
"H-hindi pa,"
"Ay ganun? O siya, maiwan na kita. Marami pa kasi akong lulutuin, may mga bisita kasi tayo mamaya."
Matapos akong kausapin ni Manang, ay nag-aapura itong lumabas ng kwarto.
Agad ko namang tiningnan ang mga laman ng Paperbag.
' Talaga ba na girlfreind niya ang nagbigay ng lahat ng ito? ' lalo tuloy akong kinakabahan.
Tumungo ako sa Banyo. Hindi ko na pinansin ang magarang anyo ng loob kundi pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin.
Tama nga si Sir Migz, muka akong pagod at parang walang ligo. Tumungo ako, shower at muling naligo..
Matapos kong maligo ay binalot ko ang katawan ng puting tuwalya bago lumabas ng banyo. Imbis sa bag ko maghalungkat ng masusuot, ay pinili kong maghagilap sa mga paper bag na narito. Napangiti ako sa nakita kong bestida na kulay pula.
Agad ko itong sinukat, at tamang-tama lamang saakin. Napagdesisyonan ko na ito ang susuutin. Nag sukalay lamang ako at nag dampi ng lipbalm sa labi. Ito lang ang meron ako. Kaya ayos na ito. Di naman talaga ako naglalagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha.
Habang wala pang kumakatok uli sa pinto ay, minabuti ko munang ayusin ang mga gamit ko. Pati narin ang binigay saakin at isinilid ko na ang mga ito sa Aparador.
Nang matapos kong gawin ay, napa-hikab ako. Tinamaan ako ng antok. Paano ba naman napakalamig ng aircon.
Napatingin ako sa wall clock at sunod- sunod ang paghikab ko. Alas-nuebe pa naman ng umaga, kaya iidlip muna ako. Umupo ako sa malambot na kama at tsaka humiga.
Sa pagkakahimbing ng tulog ko, at hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.
"Wake up,"
Rinig ko. Pero tila natatalo ako ng antok.
Naalipungatan ako nang may tumapik sa braso ko.
Dinilat ko ng bahagya ang isang mata. At tila may anino akong naaninagan. Muli ko sanang ipikit ang mata, nang may naramdaman akong mainit na hangin na dumampi sa pisngi ko.
Pinagsalubong ko ang kilay. kinusot-kusot ang mga mata. Nang maidilat ko ang mga ito ay para akong nakakita ng multo.
"Sir, Migz?! " napabangon ako.
"Akala ko, kaylangan mo na ng pitong duwende. Kanina ka pa ginigising ni Manang Merci,"
"Ah, p-pasensya na. Nakatulog ako."
Tumayo siya at nakapamulsa na nakatingin parin saakin.
"Get ready. Parating na si Dad,"
Matapos niya itong sabihin ay, lumabas na siya ng kwarto. Napatapik nalang ako sa noo.
Bumangon na ako ng tuluyan, at inayos ang sarili, bago lumabas ng kwarto. Bago bumaba ay huminga muna ako ng malalim.
"O, gising kana. Puntahan mo na si Sir Migz," ngumuso si Manang paturo sa labas habang hawak ang pingan, "Nandun siya, kasama ang mga kaybigan niya."
Napalingon ako sa labas, nang marinig ko amg mga tawanan. Ngunit hindi ko sinunod si Manang.
"Tutulungan ko nalang po kayo,"
"Ha? Sigurado ka?" hindi makapaniwala si manang.
Ngumiti ako, "Opo. Ano po ba ang gagawin?"
"Ah, mga plato. Oo tama. Ilagay mo nalang itong mga plato sa mesa."
Inabot ko ang mga ito at isa-isang nilagay sa mesa.
"Pati itong mga kutsara at tinidor, paki lagay narin." Pahabol ni Manang. Samantala ang ibang kasama niya, ay busy sa paglalagay ng mga lutong pagkain sa Mesa.
"Ayos na ba? O yung Tea ni Sir Jude, huwag niyong kalimutan ha?"
"Opo Manang. " tugon ng isa kasambahay. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila, pero di bale aalamin ko nalang.
"Sige, at tatawagin ko na sila." nagmamadaling umalis si Manang.
Napansin ko, sa mesa na walang tubig at tanging pitchel lang ng juice ang meron. Kaya pumunta ako sa kusina at kumuha sa ref.
Matapos kong makuha ang isang pitchel ng tubig ay kaagad ko itong dinala sa Dinning area. Pagkalapag ko pa lang ng pitchel ay nagsidatingan ang apat na lalaki, at nagtatawanan. Tila ba may nakakatuwa silang pinag-uusapan.
Halos matuod naman ako, nang halos sabay-sabay silang nakatingin saakin. Hindi ko alam ang gagawin at ang tanging gusto ko nalang ngayon ay magpalamon aa lupa.
"O, bakit hindi pa kayo umupo?" nagtatakang tanong ni Sir Migz, nang dumating kasama ang isang may edad na lalaki.
"Ow, Shiloh, Right? I am, Migz, Dad. " nakangiting sabi ng Dady ni Sir Migz.
"A-ah. O-opo. Magandang araw po sainyo," nahihiyang bati ko.
"Maupo kana Shiloh," utos sakin ni Sir Migz.
Humila na ako ng upuan dito sa side at tahimik na umupo. Nakayuko ako at pinagsalop ang mga palad. Ramdam ko ang panlalamig ng mga ito. Naka-upo narin ang lahat. At hindi tulad kanina na natahimik sila, nagyon ay kanya-kanyang kwentuhan.
"The food is good, huh? Ikaw ba nagluto nito Shiloh?" tanong ng isang Lalaki.
Nag-angat ako ng tingin at nahihiyang sumagot, "H-hin—" hindi ko natapos ang sasabihin nang sumagot sa Sir Migz.
"Si Manang Merci. She cooked all of this. Shiloh, sila ang mga kaybigan ko. si Matteo, Angello, and Alvin."
isa-isa niyang pinakilala saakin. Naka-ngiti naman ang mga ito.
"Alam na nila kung bakit ka nandito. Kaya wala kang dapat ikahiya sa kanila, ituring mo na rin silang kaybigan mo."
tipid akong ngumiti. At nahihiyang tumango. Matapos ang salo-salo ay, tutulong sana ako sa paghugas ng mga pingan. Ngunit, tinawag ako ng Daddy ni Sir Migz.
"Maupo ka iha."
Para bang may mga kabayo na nag-uunahan sa dibdib ko. Pakiramdam ko iniimbistigahan ako.
"Alam ko ang nagyayari. Gusto lang kitang kausapin upang makapag-panatagan tayo. Hindi ba?" aniya sa malumanay na boses.
"Iha, huwag kang mag-alala. Lahat ng kakaylanganin mo, sagot ko na. At ang magulang mo, bibigyan namin sila ng trabaho."
Naluha ako, nang bangitin niya ang mga magulang ko, "Maraming salamat po,"
"Dad. Daddy na ang itawag mo saakin," mapait akong ngumiti at tumango.
Sumapit ang gabi, at ang buong bahay ay napakatahimik. Nasa kanya-kanya ng kwarto ang mga kasambahay. Nakaalis narin ang mga kaybigan ni Sir Migz, at ang kanyang Daddy. Nakaramdam ako ng uhaw. Kaya tahimik kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at saglit pang nagmasid kung may tao ba.
Obvious naman na walang tao. Malamang tulog na si Sir Migz. Sinara ko na ang pinto at hinakbamh ang paa pababa ng hagdan.. ngayon ko lang napasadahan ang kabuuan ng bahay na ito. Maganda kung sa maganda pero, ang tahimik. Para tuloy nakakatakot. Nang marating ko ang kusina napangiti ako at maliwanag dito. Agad akong kumuha ng tubig sa ref at uminom.
Matapos kong uminom ay minabuti ko ng bumalik sa kwarto at bitbit ang isangnpitchel ng tubig. Mahirap na baka uhawin ako mamayang hating gabi.
Bago pa ako aakyat ng hagdan ay napatingin ako sa malaking Relo. Alas–onse na pala ng gabi. Mabilis ang paghakbang ko ngunit maingat. Naalala ko ang sinabi ni sir Migz na ayaw niya ng maingay.
Hiningal ako nang makarating sa ikalawang palapag. Saglit pa akong huminto at nirelax ang katawan bago tunguhin ang kwarto. Bago pa man buksan ang kwarto ay nahinto ako.
Napatingin ako sa paligid nang may marinig akong halinhing. Napalunok ako. Nang magdako ang tingin ko sa kwarto ni Sir Migz. Nanlaki ang mga mata ko.
Ang halinhing na yon ay nagmula sa kwarto niya. Hindi maayos ang pagkakasara ng pinto at may siwang ito.
Ang halinhing na yon ya hindi nawala at palakas ng palakas sa pandinig ko nang silipin ko ito, ay halos matapon ang tubig sa pitchel.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Isang Babae na nakapatong kay Sir Migz, na umiindayog.
"Harder Babe."