ShiloH' s PoV
"EDU? ano 'yan?" tanong ni Mama, kay Papa. Hindi ko alam, pero may kaba sa boses ni Mama.
"Bigay ng Cartero. Teka bubuksan ko," tugon ni Papa. Siguro may nagpadala ng sulat sakanila.
Ilang minutong katahimikan ang dumaan. Kaya walang akong ingay na naririnig.
"Bakit? Anong sabi?" muling tanong ni Mama.
"Subpoena. Mukang nag file na ng Kaso si sir Migz." tugon ni Papa, sa mahinang boses. Ngunit naririnig ko.
Muli akong nakaramdam ng takot nang marinig ang salitang 'kaso' kakasuhan talaga ako ni Sir Migs? Makukulong na ba ako?
"A-anong gagawin natin, Edu?" tila naiiyak na tanong ni Mama.
"Pupuntahan ko ang Opisina ng PAO," tugon ni Papa.
"Anong gagawin mo dun?" Si mama, na umiiyak na.
"Ano pa nga ba? Hihingi ako ng advice sa Abugado. Yun nalang ang pag-asa natin. Tsaka huwag kang mag-alala, libre lamang 'yon."
Rinig ko ang pag-uusap nila Mama, at Papa, dito sa kwarto. Sinisisi ko ang sarili, dahil malaking problema ang hinaharap nila ngayon nang dahil sa kamalian ko noon.
Isang lingo na ang nakakalipas, mula ng pumarito si Sir Migz. Isang lingo narin akong halos hindi makatulog at makakain. Tanging dasal ko lang ay may mangyaring milagro.
Dumaan ang ilang oras, at sumapit na ang gabi, ay hindi parin ako lumalabas ng kwarto.
"Shiloh?" Naalimpungatan ako nang buksan ni Mama ang kwarto. "Shiloh, anak? Hindi mo man lanh nabawasan ang pagkaing iniwan ko kanina? Bumangon ka diyan, at kumain ka."
"Wala po akong gana," mahina kong tugon.
"Ano ba, magkakasakit ka niyan, huwag mo nang dagdagan pa ang problema natin."
Bumangon ako at nasa sahig ang mga tingin, "Ma, sorry po. Sorry dahil pabigat po ako."
Humakbang palapit si Mama, at tinabihan ako sa pag-upo sa kama, "Shiloh, pwede ba? Hindi tayo pwedeng panghinaan ng loob. May karapatan tayong lumaban."
"Pero, paano kung–"
"Shiloh, huwag kang mag-isip ng negatibo. Maraming paraan. May awa ang Dios."
Sabay kaming napatingin ni Mama, nang magbukas ang pinto.
"Edu," sambit ni Mama. Nakatingin si Papa saamin na may tipid na ngiti. Bakas sa muka niya ang pagod.
"Nariyan pala kayo, akala ko walang tao dito sa bahay," matapos itong sabihin ni Papa, ay humakbang siya pabalik sa sala.
Tumayo si mama at sinundan siya sa Sala. Tumayo na rin ako at sinundan sila.
"Kamusta ang Lakad mo?" usisa ni Mama. Kabado man ako, ngunit gusto ko rin marinig ang balitang dala ni Papa.
Malalim na buntong hininga ang ginawa ni Papa, bago tumugon, "May isang Abugado akong nakausap."
"Tapos? Ano ang sabi niya?" tanong ni Mama.
"Bukod sa Pagsusumite ng Counter affidavit sa piskalya, ay Subukan daw nating makipag-areglo kay Migz, para iatras niya ang kaso," napahilot sa sintido si Papa.
Bakas ang pagkadismaya kay Mama, "Areglo? Alam mo naman ang Gusto niyang areglo, ay magsama sila ng anak natin."
"Mahina daw ang laban natin, Meding. At malinaw na may nilabag at Maaring makulong si shiloh at may multa na isang milyon."
"Dios ko, Edu, Saan tayo kukuha ng isang milyon?"
"Labing limang araw lamang ang palugit ng piskalya. Dapat harapin natin ang complain saatin ni Migz, kundi, baka‐ baka warrant of arest na ang matatangap natin, sa susunod. " seryosong sabi ni papa.
"Mama, papa," pagputol ko sa usapan nila. Lumingon si Mama, ngunit si Papa ay nakatingin sa labas.
"Ayoko pong makulong. Wala rin tayong pambayad–"
"Shiloh, kung ano man 'yang nasa isip mo, huwag mo ng ituloy. Gagawa ako ng paraan,"
"Papa, ayoko pong nakikita kayong nahihirapan. Papayag na po akong–" hindi ko natapos ang sasabihin at napa-igting ako nang pasigaw akong bulyawan ni Mama.
"Tumahimik ka! Gagawa kami ng paraan ng Papa mo."
Humihikbi akong tumakbo papunta sa kwarto. Wala ng katapusang iyak. Para na akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Kinaumagahan ay maaga kaming gumayak upang puntahan ang piskalya upang mag submit ng counter affidavit, gaya ng advice ng abugadong nakausap ni Papa.
Wala pang tatlong araw ay muling may nagpadala ng Sulat. Ako ang nakatangap nito dahil wala sila Mama at papa.
Minabuti ko itong buksan at binasa. Sa pag bukas ko palang ay nabasa ko, na galing ito sa DEPARTMENT OF JUSTICE.
Hindi ko maintindihan ang mga naka-saad kaya agad ko itong inilapag sa mesa. Hindi ko mapigilang hindi kabahan.
Mabilis akong nagbihis at nagtali ng buhok. Kinuha ko ang sling-bag na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko at dinampot ang cellphone na nasa mesa.
"Hello, Aliyah?"
"O Shay, kamusta ka?"
"Ito, hindi okay. Ah, may itatanong lamang ako sayo,"
"Sige, ano 'yon?"
"Pwede ko bang makuha ang Adress ni–ni Sir Migz, dito sa Maynila?"
"Ah, sige. i-sesend ko sayo sa Text,"
"Sige, Salamat." matapos ko itong sabihin ay, binaba ko na ang tawag.
Wala pang ilang segundo ay natangap ko ang message ni Aliyah. Binasa ko ito. Napabuntong hininga ako bago lumabas ng bahay.
Nasa isang oras ang byahe patungo sa Adress na binigay ni Aliyah. Alam kong walang kasiguraduhan itong gagawin ko, pero kaylangan ko siyang makausap.
"Bayad po," inabot ko sa Taxi Driver, ang pamasahe bago bumaba.
Iginala ko ang tingin sa palibot. Malalaking mga bahay ang naririto. Ngunit itong nasa tapat kong bahay, ay siyang nakalagay sa Adress. Kulay puti na may halong abo ang kulay nito, at may tatlong palapag.
Nakatitig lamang ako sa Gate. Hindi ko alam kung kakatukin ko ba ito. Ngunit nagkaroon ako ng pag-asa nang bumukas ito, at iniluwa angbisang babaeng may edad.
"M-magandang umaga po,"
"Ano ang kaylangan nila?" tugon nito, sa salubong na kilay.
"Ah, itatanong ko lang sana, kung ito po ba ang bahay ng mga Rivero?"
Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hangang paa, "Oo, ito nga."
"N-nandiyan po ba si Sir Migz?" nautal kong tanong.
"Bakit anong kaylangan mo sakanya?" halos taas boses niyang tanong
"Pakisabi po, na kaylangan ko siyang makausap–" hindi ko natapos ang sasabihin nang bumukas ang Maliit na gate.
"Manang, sino yan?" tanong ng isang Babae na may dalang itim na trash bag.
"Diko kilala. Baka naka-one night stand ni Sir Migz, nanghihingi ng sustento," nagbubulungan sila ngunit naririnig ko. Tumatawa sila ng patago, bago ako binalikan.
"Naku Ineng, huwag ka nang umasa, kasi may nobya na si Sir Migz, at napakaganda. Ikakasal na nga si–" di nito natapos ang sasabihin nang kalabitin ito ng kasama, at binulungan.
"Manang, nandiyan si Sir Migz,"
Aligaga naman itong nilingon si Sir Migz. "Ah, magandang umaga Sir Migz"
Tinitigan ako ni Sir Migz. Ganun rin ako, ngunit nailihis ko kaagad ang tingin dahil tila natutunaw ako.
"Papasukin niyo siya,"
Nilapitan ako kaagad ng matanda, at may plastik na ngiti, "Ah, iha, halika na, p-pasensya na sa sinabi ko, huwag mong intindihin 'yon nagbibiro lang kami."
Tipid akong tumango. Hinakbang ko ang mga paa papasok sa napakalaking gate.
Naunang maglakad si Sir Migz. Kasabay ko naman ang dalawang kasambahay nila.
Nang makapasok ako, ay hindi naman nawala ang pagkamangha ko sa Loob ng bahay nila. Malawak ang receiving area nila.
"Maupo ka, at ipaghahanda kita ng Meryenda," sabi ni Manang.
Nakita kong paakyat ng hagdan si Sir Migz, "Manang Sasabayan niya, akong mag-almusal."
Agad naman akong tumangi, "Ah, hindi na. Hindi rin ako magtatagal."
Napahinto siya sa paghakbang ng hagdan at hindi ito lumingon, "Manang. Sa pool area mo, ihanda ang almusal namin." Maawtoridad nitong utos.
"O-opo Sir Migz. "
Walang akong nagawa. Mabilis naman na tumungo ng kusina si Manang. Ilang sandali pa ay rining ko ang mga yapak mula sa itaas. Pababa ng hagdan si Sir Migz. Napasulyap ako ayos niya na naka puting sando at short na may habang hindi matatakpan ang tuhod.
"Are you done staring at me?" Aniya habang pababa ng hagdan. "Kung oo, mag-almusal na tayo."
Hindi ako umimik. Ngunit pinuntahan ako ni Manang.
"Tara na ihahatid kita sa Pool area. Huwag kang mahiya, utos ito ni Sir Migz. "
Tumindig ako sinunod si Manang. Hindi ako pwedeng magmatigas, baka masayang lang ang punta ko dito.
Nang makarating sa pool area ay naka handa sa kuwadradong mesa ang mga pagkain. Nakaupo si Sir Migz. May hawak na tasa at hinihigog ang kape.
"Sige na, maupo kana," utos ni Manang, bago kami iwan.
Napalunok ako ng laway habang hinihila ang upuan upang maupo.
"Nandito ako para kausapin ka,"
"Eat your food first," aniya. At patuloy na humihigop ng kape.
"S-salamat pero hindi ako gutom," nakatingin ako sakanya nang sabihin 'yon.
"Okay." inilapag niya ang tasa at nag-abrisyete. Tiningnan niya ako sa mga mata at tila hinihintay ang susunod kong sabihin.
"Natangap na namin ang sulat. Sir Migz, pwede bang iatras mo na ang kaso laban saakin?"
Napangiti siya, at agad din itong nabura, "So, pumapayag ka ng magsama tayo?"
Mabilis na tumulo ang luha ko, at agad ko rin itong pinunasan gamit ang palad ko, "Oo. Kung ito ang kabayaran sa maling nagawa ko, oo, pumapayag na ako."
"Shilo, this is all your fault. I don't want to mean it, pero ito ang kaylangan ko. Pero huwag kang mag-alala, dahil may kontrata tayong dalawa, na kung magkaroon tayo ng anak–" hindi niya natapos ang sasabihin nang padabog akong tumayo.
"Sandali! Tama ba ang narinig ko? Tayo mag-aanak?!"
"Yes. 'Yun naman talaga ang ginagawa ng mga-asawa diba?" aniya na parang ang dali lang para sa kanya.
"Pero sa papel lang tayo mag-asawa, Sir Migz! huwag naman sanang ganito," pakiusap ko. Halos mabasag na ang boses ko, dahil sa pagkabigla.
Tumayo siya at tinungkod ang dalawang kamay sa mesa, "Look. kung iniisip mo, na gagawa tayo ng Bata na gaya ng ibang mag-asawa, hindi ganun. Maraming paraan. Trust me."