SHILOH'S POV
"Hindi maari, Edu! Baka nga nagkamali lamang sila!"
Nagising ako sa Ingay na narinig ko. Napabalikwas ako, dahil kilala ko ang boses na nasa labas ng kwarto. 'Teka? Nag-aaway ba si Mama at Papa?'
Babangon na sana ako, ngunit napatigil ako sa mga sumunod na sinabi ni Mama.
"Hindi pwedeng titira ang anak natin doon! Maghahanap tayo ng abugado"
'Ako ba ang pinag-uusapan nila? Teka,' mabilis akong tumayo at halos patakbo na binuksan ang kwarto. Gulat na tiningnan ako nila Mama at Papa.
"Ma, Pa, may problema ba?"
Hindi makapagsalita si Mama, at lumuluha ito na nakatingin saakin. Si Papa naman ay nakaupo at nakayuko.
"Bakit kaylangan natin ng Abogado? Ano po ba ang nangyayare?" Muli kong tanong. Napatingin si Mama, kay Papa, na tila natatakot.
Tumayo si Papa at inalo-alo si Mama. Matamlay akong tiningnan ni Papa,
"Shiloh, anak–"
"Edu!" Umiiyak na sambit ni Mama.
Tiningnan ni papa si Mama, "Kaylangan niyang malaman, Meding,"
"Ang alin?! Anong kaylangan kong malaman?" Gulong-gulo na ako sa kanila kaya hindi ko mapigilan ang maiyak.
"Shiloh–" naputol ang nais sabihin ni Papa, nang tumunog ang cellphone ko.
"Sige sagutin mo muna yang tumatawag,"
"Si–si Aliyah lamang po ang tumatawag,"
"Sagutin mo!" Halos pasigaw na utos ni Papa.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata bago sinagot ang tawag, "H-hello, Aliyah? Bakit?"
"Shiloh, nasabi naba sayo ng Papa mo?" Aniya sa boses n'ya na tila kabado.
"Ang alin?" Kunot noo kong tanong.
"Kasi, sinabi na namin sakanila ni Sir Migz,"
"Ano ba! Sabihin niyo na saakin kung ano man ang problema!" Halos kumapal na ang boses ko nang sabihin 'yon.
"Shiloh, naalala mo yung laro natin dati? Yung kasal-kasalan sa simabahan? Yung mga Sakristan pa tayo? Yung kumuha tayo ng Marriage Certificate upang pirmahan ng bagong kasal? "
Saglit ko pang inalala ang tanong niya na 'yon, "O‐oo Naalala ko– teka bakit mo natong?"
"Shiloh, 'yon ang problema"
Kumunot ang noo ko, "Problema? Pero laro lang 'yon–"
"Shiloh, nasali 'yon sa Folder ng mga certificate of Marriage. Shiloh, nagkagulo dito dahil dun. At–at galit Si Sir Migz, dahil hindi natuloy ang kasal nila ng kanyang Girl freind,"
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko maintindihan. Biglang gumulo ang isipan ko at para bang nanlalamig ang buo kong katawan. Nahulog ang Cellphone nang hindi ko namalayan. Takot ang namutawi saakin.
Tila ba naestatwa ako at hindi makagalaw. Ni hindi ko mabuka ang aking bibig. Nakatingin lamang si Papa at Mama saakin, at bakas sa mukha nila ang pagkabahala.
"M-mama, N-natatakot po ako," tanging sambit ko sa nangi-nginig na boses.
Mabilis naman akong niyakap ni Mama, "Huwag kang mag-alala. Gagawa tayo ng paraan."
Tunog ng tunog ang Cellphone ko, ngunit tinititigan ko lamang ito habang nakaupo dito sa Kama ko. Nakayakap ako sa pantay kong tuhod at ramdam ang takot at hiya sa nangyari. At namumugto na ang mga mata ko sa walang humpay na pagluha.
Muling tumunog ang Cellphone ko, ngunit sa pagkakataong ito, isang text message na mula kay Alex, at binasa ito.
"Nasaan ka?"
Mabilis kong binaliktad ang cellphone at napasabunot sa buhok ko. Wala akong ganang lumabas ng bahay. Lumiban narin ako sa pag pasok sa skwelahan at baka hindi na ako papasok, tutal tapos na rin ang finals namin.
Napabalikwas ako nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto.
"Shay?"
Rinig kong tawag sa pangalan ko. Si Alex.
"Shiloh, paki buksan ang pinto," muli niyang sabi.
"Teka lang," mahina kong sabi. Pilit kong kinakalma ang boses at inayos ang sarili, bago lumabas ng kwarto.
"Alex, m-may kaylangan kaba?"
Tila inexamina niya akong tiningnan, "Namumugto ang mga mata mo, bakit anong problema? May nanakit ba sayo?"
"Walang nanakit saakin, tsaka ayos lang ako," mapait akong ngumiti matapos kong itong sabihin.
Tinitigan lamang ako ni Alex. Alam kong nag-aalala siya kaya pinapasok ko muna siya sa bahay at sinara ang pinto.
"Upo ka muna. Gusto mo ba ng meryenda?" pag-alok ko.
"Shiloh, kaybigan mo ako. Kung ano man ang problema mo handa akong damayan ka,"
Napabuntong hininga ako na tinabihan siya sa pag-upo, "Lex. Huwag muna ngayon please? Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sasabihin sayo,"
"Sige. Pero kung handa kana, nandito lang ako, handang makinig sayo, nang walang panghuhusga."
Napatingin ako sakanya at diko napigilang lumuhang muli. Nag-aalalang inalo-alo ako, ni Alex. Napayakap ako sakanya. Alam kong maraming manghuhusga saakin sa problemang hinaharap ko ngayon.
Nabuwag ako sa pagkakayakap kay, Alex nang muling may kumatok. Mabilis kong tinuyo ang mga luha bago ko pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.
Tila huminto ang paghinga ko at namilog ang mga mata nang makilala ang taong nasa harapan ko ngayon.
"S-sir Migz?"
"Hi," bati niya. Inalis niya ang kulay itim na salamin sa kanyang mga mata dahilan na nagtama ang aming mga tingin.
Ramdam ko ang pangi-nginig ng kalamnan at di mawari ang pakiramdam.
"Hindi mo ba ako papasukin?" aniya.
"Ah, , " parang nalunok ko ang dila sa kabang nararamdaman.
tila natauhan ako, Nang akbayan ni Alex, "Shay, sino yan?"
"Ow, may bisita ka pala? Ipakilala mo naman ako," muling sabi ni Sir. Migz.
"Ah, Alex, si S-Sir Migz." Hindi ako makatingin kay Sir Migz, habang pinapakilala ko kay Alex.
Mabilis namang inabot ni Alex ang Palad niya, "Alex, bestfreind ni Shiloh,"
Inabot naman ito ni Sir Migz, "Bestfreind huh?"
"Oo. Matagal na kaming magkaybigan ni shiloh mula nung lumipat sila dito. Kayo po?" Muling sabi Ni Alex.
"Masyado kang magalang. Alisin mo na yang Po, di ba Shiloh?"
Para akong nagigisa sa tuwing babangitin ni Sir Migz, ang pangalan ko.
"Teka, ngayon lang kita nakita dito ah, taga saan kaba? At ano ang kaylangan mo kay Shiloh?" pag-uusisa ni Alex.
Rinig kong bumuntong hininga si Sir Migz, "May pag-uusapan lang kami na napaka importante."
"Pwede mo namang sabihin na ngayon." ani Alex .
"Shiloh, gusto mo bang marinig din ng Bestfreind mo, ang sadya ko sayo?" tila nagbabantang boses ni Sir Migz.
Para naman akong sasabog sa kaba, "Alex, iwan mo muna kami,"
"hindi kita iiwan dito, at nag-iisa ka," pilit na sabi ni Alex.
"Nag-iisa? Kayong dalawa lamang dito? Ow, at pinapayagan ka ng magulang mo?" taas kilay na sabi ni Sir Migz.
"Lex, sige na please tatawagan nalang kita mamaya,"
"Pero Shay–"
"Lex, hindi masamang tao si Sir Migz, kilala siya nila Mama at Papa."
"Sige, diyan lang ako kila Mang Ruben, tatamabay at sumigaw ka lang pag kaylangan mo ako," matalas na tinitigan ni Alex si Sir Migz bago umalis.
Nang makaalis si Alex, ay pinatuloy ko Si Sir Migs. "P-pasok po kayo."
Pagkapsok niya ay umupo siya sa sofa. Nililibot niya ang mga mata sa sala, bago niya ako tingnan.
"Nasaan si Aling Meding at ang Papa mo?" Tanong niya.
Nakaupo ako sa tapat niya at hindi ko siya matingnan ng derecho.
"W-wala po sila. May pinuntahan."
"Ganun ka ba kapag wala dito ang mga magulang mo, nagpapasok ka, ng lalaki?" Pangiinsulto niya.
Taas noo ko siyang tiningnan, "Hindi na iba saamin si Alex."
Tumango-tango siya, "Ilang taon kana nga?"
"Desi-ocho," iksinh tugon ko.
"Siguro alam mo na ang pinunta ko dito. Pero wala pala ang mga magulang mo. Pero di bale na. Tutal, Desi-ocho ka naman, siguro naman at nakaka-intindi kana. And besides, you're not younger anymore. "
"Sir Migz," untag ko.
"What?"
"Hindi ko po talaga intensyon na gawin ang bagay na 'yon. Aaminin ko, pilya akong bata noon, at‐ at hinahangaan ko po kayo noon–"
"Nakapag-desisyon na sana ako. I'm going to file a case again'st you, pero, hindi ko itutuloy kung papayag ka na magsama tayo," aniya.
Nagtaas baba ang dibdib ko sa narinig, "Magsama? Na parang mag-asawa?"
"Right," kibit balikat niyang tugon.
"Ayoko! Hindi pwede," tumaas ang boses ko nang sabihin 'yon dahil sa takot.
"Okay, so itutuloy ko ang kaso," tila mahinahon niyang sabi. Na para bang pinapapili niya lang ako ng candy o Sili.
Napatayo ako at humakbang patungo sa Pinto, "Umalis kana! Alis!"
"Shiloh?" Biglang dumating si Alex nang marinig niya akong sumisigaw. "Anong ginawa mo kay Shiloh?!"
tinaas ni Sir Migz, ang dalawang palad tila sumusuko, nang kwelyuhan ito ni, Alex, "Relax. . Wala akong ginawa sakanya."
"Umalis kana bago ko pa masira yang pagmumuka mo!" Halos patulak na diniskwelyohan ni Alex, si Sir Migz.
Umalis siyang hindi ko tinignan. Nakayuko ako na humahagulhol. Takot ang nararamdaman ko sa sinabi niyang magsama kami bilang mag-asawa. Oo hinahangaan ko siya, pero hindi pa nasagi sa isip ko ang pag-aasawa.
"Tahan na, Shay," agad na niyakap ako ni Alex, at inalo-alo, "Sinisigurado ko, na hinding-hindi na siya makakalapit sayo."
"Shiloh, Alex?" si Mama na kadarating lang, "bakit ka umiiyak?"
Mabilis na bumuwag si Alex, at nagmano kay Mama, "Tita,"
"Mama," humahaguhol akong yumakap kay Mama.
"Tita, may pumunta po dito. K-kilala niyo, raw kaya hinayaan kong, makapag-usap silang dalawa ni Shiloh, pero," sumbong ni Alex.
"Sino?" nag-aalalang boses ni Mama.
"Si Sir Migz po," tugon ko.
Malalim na bumuntong hininga si Mama sa narinig, "Ah, Alex, iwan mo muna kami ng anak ko."
"Sige po, Tita,"
Sinarado ni Mama ang pinto nang makaalis si Alex.
"Alam ba ni Alex?" Tanong ni Mama. Umiling-iling ako, habang pinupunasan ang mga luha.
"Anong sinabi ni Migz sayo?" Naiiyak na tanong ni Mama, ngunit may pangi-gigil sa boses.
"Mama, ayoko pong tumira sa bahay niya," Patuloy parin ako sa pagdangoy-ngoy na tumugon,
"Sinabi niya yan sayo?!" galit na tanong ni Mama. Tumango-tango ako. "Walang hiya siya! Huwag kang mag-alala, hinding-hindi 'yon mangyayare!"