Migz POV
Nagtungo kaagad kami, sa simbahan nang i-abot saakin ni Myrna, ang mga requirements para sa kasal. Ngunit nawindang ako nang makita ang CENOMAR na nakasaad na ako ay ikinasal na.
"Sir, I'm sorry, pero ito talaga ang nakalagay dito. Kinasal na po kayo, noong february 14, 2019. Limang taon na po ang nakakalipas" saad saakin ng Secretary ng Simabahan.
"Ano?! Baka nagkamali lamang kayo, o baka kapangalan ko lang? please paki-check ng maayos!" Halos pasigaw kong utos.
"I can't believe this!" Maktol ni Atasha.
"Babe, please, calm down. Aayusin ko ito, we know, it- it just an eror-"
"Eror? Buong pangalan mo ang nadiyan papano mo ipapaliwanag yun?!" Halos maiyak-iyak na sabi ni Atasha.
"I don't know! " litong usal ko.
"You know what Migz, mag-uusap nalang tayo kapag naayos mo na ito. God! you wasted my time!" galit niyang sabi.
Matapos itong sabihin ni Atasha ay umalis siya at naiwan ako sa simbahan na gulong-gulo.
Napasapo ako sa noo nang maalala ang ang nangyari kahapon sa simbahan. Hangang ngayon hindi parin ako makapaniwala na bigla nalang akong kinasal?
Hawak-hawak ko ang Marriage certificate at hindi makapaniwalang tinititigan ang pangalan ng babaeng sinasabing asawa ko.
"Sir, Migz? Sir, nandito na po si Pareng Edu," bungad saakin ni Mang Eboy.
"Papasukin mo siya Mang Eboy," mahinahong sabi ko.
"Sir Migz, magandang araw,"
"Magandang araw, Mang Edu. Maupo po kayo."
"Ah salamat."
"Kumain ba po ba kayo?" tanong ko. Bago simulan ang pag-uusapan.
"Naku, tapos na. Siya nga pala, tinawagan ako ni Eboy, pinapapunta niyo raw ang aking Asawa dito, pero pasensya na Sir Migz at may trabaho siya. Kaya ako nalamang ang pumarito,"
"Ah, Mang Edu, dediretsohin ko na po kayo. May problema po kasi,"
"Problema? Ano ang iyong ibig sabihin?" Kuryusidad niyang tanong.
Inabot ko sakanya ang Marriage contract na kanina ay Hawak ko.
"A-ano ito?" nalilitong saad niya.
"Paki basa nalang po." Mahinahong Utos ko.
"T-teka? Marriage contract ito, p-pero bakit? Paanong nangyari ito? " litaw sa muka niya ang pagkalito at di makapaniwala.
"Yan po ang problema. Hindi ko po alam kung paano nangyari, nalaman ko nalang kahapon kasi magpapakasal sana ako at aking Nobya, pero hindi natuloy dahil sa Certipikong iyan. May alam po ba kayo?"
Tuloy-tuloy kong sabi. Pilit kong kinokontrol ang sarili upang hindi makasakit ng damdamin ng iba.
"W-wala, wala akong alam, Sir Migz, maniwala po kayo, tsaka limang taon na ang nakakalipas, eh sa mga panahong iyan ay labing tatlong taon lamang si Shiloh,"
"Siguraduhin niyo lamang, Mang Edu," kalma. Ngunit sa loob ko ay animoy sasabog na.
"Teka, Sir Migz, nagsasabi ako ng totoo–"
"Sir Migz?" Si Mang Emboy. Naputol ang sasabihin ni Mang Edu.
"Pasensya na pero, narito si Aliya at Marie. M-may gusto raw silang sabihin."
Tila mga batang may nagawanh kasalanan at di makatingin saakin nang makapasok sila sa opisina.
"M-magandang araw po S-sir Migz." bati ng kambal.
"Bakit? May problema ba?" Mahinahon kong tanong.
"T-tungkol po sana sa nabalitaan namin. K-kasi po. Aliyah, ikaw na," tila natatakot si Marie, at hindi masabi-sabi ang nais nito.
"Sandali, may alam ba kayo sa nangyayari?" tanong ni Mang Edu.
"Mang Edu, tinatawagan po namin si Shiloh, ngunit hindi niya pa sinasagot ang mga tawag namin. K-kaya kami nandito, para ipaalam na ang totoong nangyari." Paliwanag ni Aliyah.
"Sige, makikinig ako," pursigido kong sabi.
"Sir Migz, pasensya na po pero yung mga panahong 'yon napagkatuwaan lamang namin na isulat ang Pangalan ni Shiloh, sa Papel. At– at naisulat ni Shiloh ang pangalan niyo po, p-pero hindi namin akalain na naisama sa folder ang Papel na 'yon. " nangi-nginig na sabi ni Aliyah.
"What?! God! No!" Pasigaw kong sabi na ikinatakot ng kambal.
"Ano ba naman kayong mga bata kayo? Bakit niyo ginawa 'yon?" Napasapo sa noo si Mang Edu sa narinig.
"S-sorry po,"
"Sige na, makakaalis na kayo," utos ko.
"Alam niyo po ba Na napakalaki ng problema ko ngayon? Maaring sa isang iglap mawawala saakin ang Hacienda. Tanging ang pagpapakasal lamang sa Girlfreind ko ang paraan para manatiling akin ang Hacienda, pero ito, nasira dahil sa kagagawan ng anak niyo!" diko na napigilan na taasan ng boses si Mang Edu, dahil sa narinig ko sa kambal.
"Walang kasalanan ang anak ko. Pasenysa na pero narinig mo ang mga bata, na napagkatuwaan lamang nila 'yon,"
"Pero hindi nakakatuwa Mang Edu. Alam niyo bang pwede kong kasohan ang anak niyo?" pagbabanta ko.
Napatayo si Mang Edu sa narinig mula saakin, "Kaso Sir Migz?"
"Oo. Pati kayong mga magulang niya ay madadamay,"
"Teka, alam naman natin na inosente ang mga bata, tsaka may Unullment naman?" Tugon ni Mang Edu na lalong nagpabuhay sa dugo ko.
"Unullment? Oo meron, pero kayo ang gagastos ng three hundred to five hundred thousand, plus sa gulong naidulot niyo. Maibibigay niyo ba kung sasabihin kong sampung milyon?"
"Sir Migz. Hindi namin kaya. Sir, ako na ang humihingi ng paumanhin,"
"Huwag kayong mag-alala, may isa pa akong naisip na paraan," saad ko at pilit na kinakalma ang sarili.
"A-ano naman iyon?" tila lumiwanag ang awra ni mang Edu.
Bumuntong hininga muna ako at tiningnan sa mga mata si Mang Edu, "Hahayaan niyong magsama kami ng anak niyo."
Nagsalubong ang kilay ni Mang Edu, "Ha? Pero desi-otso lamang ang anak ko, napakabata niya pa para sa ganung bagay,"
"Hindi na siya menor de edad, Mang Edu," matapos ko itong sabihin ay umupo ako at hinihintay ang desisyon ni Mang Edu.
"P-pero"
"Mabilis akong kausap, Mang Edu. magbabayad kayo, o hahayaan niyo kaming magsama?" muli kong sabi.
"Kung gusto mo ipakulong mo nalang ako, pero hindi ako makakapayag sa Gusto mo!"
Halos mag-ugat ang mga mata ni Mang Edu nang sabihin niya ito. Umalis siya at nakapag-desisyon ako na kasuhan ang pamilya nila kapag hindi sila pumayag na magsama kami ni Shiloh. Kaylanganko itong gawin upang matigil si Baron sa kahibangan niya.
Agad akong lumuwas ng Maynila upang kitain ang Abugado ng lolo. Ngunit nang dumating ako sa bahay ay mukha ni Baron ang una kong nakita. Matalas niya akong tinitigan tila may alam na siya sa Nangyayari.
"Son." tawag ni Dad.
Humakbang ako papalapit kay attorney upang kamayan ito, "Attorney,"
"Mabuti at kumpleto na tayo. So pag-usapan na natin ang tungkol sa Hacienda.
"Okay. But before that, I want to congratulate you, Baron, pasensya kana at hindi ako nakapunta sa kasal mo," nakangiti kong sabi ngunit matalas niya lang akong tiningnan.
"Ahmm shall we start?" Pag-umpisa ni Attorney.
"Oh wait Attorney, I have something to show you," iniabot ko ang brown envelope.
Binuksan ito ni Attorney at kumunot ang Noo niya, nang mabasa ito. Tiningnan niya ako bago binalik kay Baron ang tingin.
"So Nasaan ang– ang asawa mo ngayon, Migz?" tanong ni Attorney, na tila kinikilatis ako.
"Asawa? Tama ba ang narinig ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Dad.
Nag-alala akong tiningnan si Dad, ngunit pinili kong sagutin muna si Attorney, "Nasa Quezon City siya ngayon."
"Migz?" muling tanong ni Dad,
"Dad, calm down. Ipapaliwanag ko mamaya–"
Naputol agad ang sasabihin ko kay dad, nang biglang sumabat si Baron.
"Paliwanag? Bakit hindi nalang ngayon?"
"Usapang mag-ama ito Baron, at hindi ka kasali," angas kong sabi sakanya.
"Tsss" he smirked.
"So, Baron, pasensya na pero matagal na palang kasal si Migz," pagpaliwanang ni Attorney.
"Attorney, please check that carefully, baka mamaya pineke niya lang yan!" Halos Pasigaw na utos ni Baron.
Napailing ako, dahil sa reaksyon niya, "Pineke? Baron, hindi ako magpapagod na pupunta sa Recto para magpagawa ng pekeng dokumento. At hindi ako ganun ka desperado para makuha ang Hacienda na hindi naman ako ang nagpagod."
Tumayo siya at tila susugurin akong nakaupo dito, "So anong ibig mong sabihin? Desperado ako?!"
"That Came from your mouth," pang-aasar ko.
"Shut up!" Umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong bahay ng sabihin niya ito.
"Baron! I'm warning you!" Awat ni Dad
"Attorney, please continue nang matapos na ito," utos ko kay Attorney.
Nagpatuloy si Attorney, "Okay. I will reread the last will of the late Ramon Rivero regarding the Hacienda."
" MY FAMILY. I will only give the hacienda to one of my grandchildren, whoever gets married first. And ofcourse should have a son. "
"Hindi muna kita i-congratulate sa ngayon Migz, dahil kaylangan magkaroon ka muna ng anak na lalaki." Saad ni Attorney matapos basahin ang last will ni lolo.
"Don't worry Atorney, We are processing it now." Bigkas ko habang ang mga tingin ko ay nakay Baron.
Halos mamugto ang mga mata ni Baron at tila mananakmal ito na nakatingin saakin, "huwag ka munang magsaya, Migz."
Matapos niya itong sabihin ay galit na umalis.
Natapos ang Usapan namin, at umalis narin si Attorney. Ngunit hindi naman ako tinantanan ni Dad, sa natuklasan niya. Kaya sinabi ko na sakanya ang totoo.
"What? So where she is now? Anong balak mo?" usisa ni dad.
"Nakatira ang pamilya nila sa Quezon City," tugon ko.
"Son, are you sure about this? Kaylangan mong magkaanak sakanya," nababahalang tanong ni dad.
"Dad, ayokong mawala saakin ang Hacienda. For now, I'll take this an Opportunity–"
"But, how about Atasha?" muling tanong ni dad.
Ilang minuto ako bago nakasagot. Alam kong nasaktan at masasaktan ko si Atasha sa Gagawin ko.
"Kakausapin ko pa siya. Sa ngayon. Kaylangan kong mapa-oo si Shiloh at ang Pamilya niya."
Hindi na muling nagsalita si DAd.
Hindi ko na iniisip na masama itong binabalak ko. I know na makasarili ako sa part na ito, but I can't afford to lose the hacienda. Pinaghirapan ko itong Ibangon, at lalong hindi ako makakapayag na mapunta kay Baron.