PART 6

1602 Words
"Kamusta si Alex, anak?" tanong ni mama habang nanahi. Habang ako, ito nagbubuklat ng libro ngunit walang pumapasok sa utak ko. "Ayun, maayos na po," "Naku, akalain mo 'yon, hindi niya kasalanan, pero siya ang nakatikim ng pahimas ng Rehas. Kawawang bata," naiiling na sabi ni Mama. Hindi ko na ikwinento kay Mama, kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nakulong si Alex. Baka kapag nalaman nila ay mag-aalala lamang sila saakin. Alex was trying to protect me kasi sakanya ako ibinilin nila mama. "Balita ko, anak ng Mayor yung nagulpi niya," nag-aalalang sabi ni mama. "Ma, pinagtangol niya lang ang sarili, tsaka may ibidensya sila Tita Mabel," "Naku, nakakahiya naman, Mayor ang Tatay, baka mamaya masira ang pangalan ng tatay niya dahil sa kalokohan." Nangigil na sabi ni mama. "Shilo? Shay, dali!" Rinig kong tawag ni Klara, na nasa labas ng bahay. Agad naman akong napatayo,"O bakit?" "Tingnan mo," Turo niya sa bahay nila Alex. May nakaparadang Magarang sasakyan sa tapat nito. "Nandiyan sila Mayor at Randolph," dugtong ni Klara. Nagkatinginan kami ni Klara at iisa ang nasa-isip namin. Sabay kaming tumango at nagmadaling tumungo sa bahay nila Alex. "Humihingi ako ng dispensa. Alam kong pareho silang nagkasakitan lalo na sa anak kong malala ang natamo," si mayor ang nagsasalita. Nandito kami sa labas at rinig namin ang pag-uusap nila sa loob. "Mayor, nakita niyo naman ang Cctv footage. Ang inyong anak ang nagsimula ng gulo." Si Tita Mabel, na tila umiiyak. "Aminado ako, Missis. Kaya ako naparito upang ayusin ang gulo. Makakaasa kayo na hindi na gagawa ng kalokohan itong si Randolph, ililipat ko na siya ng papasukan paaralan sa US. Pero hihingin ko sainyo na iatras ang kaso laban saamin. " "Isa lang naman ang gusto namin para sa anak namin, ang kaligtasan niya. Pero sabi nyo na lilipat na ng US itong anak niyo, sige, iaatras namin ang kaso." Si tita Mabel ulit. "Makakaasa kayo, maraming salamat." Matapos ang pag-uusap at kasunduan nila Tita, ay lumabas na sila Mayor. Naka-arm rest pa itong si Randolph at tila hindi ako nakita nito dahil direcho lamang ang tingin niya patungo sa Sasakyan nila. "Tita, pasensya na narinig namin ang usapan niyo," agad kong sabi nang matagpuan nila kami sa labas ng bahay. "Para sa ikakatahimik ng lahat, Shiloh, kaya iaatras na namin ang kaso," tipid na ngumiti si Tita, bago pumasok sa loob ng bahay. "Hi, Lex, okay kana?" bati ni Klara, nang nakangiti. "Ako pa," maangas na sagot ni Alex ngunit alam ko pabiro lamang ito. Samantalang ako walang emosyong nakatingin sakanya. Nawala rin ang mga ngiti niya ng lumipat saakin ang mga tingin. Biglang tumahimik sa pagitan naming tatlo. Marahan akong siniko ni Klara, "O sige na mag-usap na kayo, at Gora na ako, tom jones na ako. " Nang makaalis si Kara ay, inaya ako ni Alex, na pumasok sa loob ng bahay, "Miryenda?" Alok niya. "Hindi na, kaka-almusal ko lang," pagtangi ko. Tumabi siya ng upo at pina-andar ang TV gamit ang remote. "Lex, sorry." Mahina kong sabi. Nakatingin ako sakanya. "Sorry? Saan?" Tugon niya habang ang mga tingin ay nasa TV. "Alam naman natin ng dahil saakin kaya kayo nag-aaway ni Randolph." "Labas ka do'n, Shiloh, tsaka tapos na. Nakipag areglo na sila." Muling natahimik sa pagitan namin. Pero ilang minuto lamang ay muli akong nagsalita, "Sana hindi na maulit yo'n Alex. Alam mo, hindi ko mapapatawad ang sarili kung mas malala pa ang nangyari sayo," "Hindi ko maipapangako, shay, lalo na kung babastusin ka sa harap ko? Kahit buhay ko pa ang kapalit." "Lex?!" Nanga-ngamba kong sabi. Tumingin siya saakin at nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang pamumula sa mga mata niya, at tila nangu-ngusap, "Mahalaga ka saakin. At ayokong binabastos ka nino man, Shiloh, dahil handa akong papatay lalo na kapag sinaktan ka." Ibang kaba ang naramdaman ko sa bawat salitang binibitawan niya. Napalihis ako ng tingin dahil tila ibang Alex ang nasa harapan ko ngayon. "Shiloh," hinawakan niya ang kamay ko na lalong nagpatuliro saakin. "Alex, kung gagawin mo lang namang pananga ang sarili mo, wag na. Mapapahamak ka lang," "Mahal kita," walang prenong pagtatapat niya. Napatingin ako sakanya at tila naguguluhan, "Nahihibang kana ba? Anong pinagsasabi mo? " "Matagal na kitang gusto, shiloh," aniya na para bang kami lang ang tao sa bahay nila. Kinakabahan ako na baka marinig kami ni Tita Mabel. "A–alex?" Nautal kong bigkas. Halos hindi ko maibuka ang bibig sa litong nararamdaman, "U-uwi na ako," paalam ko at mabilis siyang nilisan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Magka-halong kaba at takot sa mga posibleng mangyari kapag kasama ko si Alex. "Shiloh," tawag ni Mama nang makapasok ako sa loob ng bahay. "Po?" "Kanina pa tumatawag si Aliyah, may sasabihin daw sayo?" "Sige po, tatawagan ko mamaya," tugon ko. Pagkakuha ko ng Cellphone ay nakita kong lowbat na ito. Kaya dali-dali ko itong chinarge. At naisipan ko nalang na gawin ang homework, upang ilihis ang mga nangyari. Kinabukasan ay maaga akong gumayak, ngunit kahit anong aga kong gumising ay nauuna parin si Mama, upang makapag luto ng almusal namin. Napangiti ako habang pinapanood ko si Mama na naghahanda. "O, maaga ka yatang bumangon, gutom kana ba?" tanong ni mama, nang madatnan ko siya sa sala. "Hindi pa ho. Tsaka maaga akong aalis dahil may-ipapa-print pa ako, nakalimutan ko kahapon eh," tugon ko habang sinisintas ang sapatos. "Naku, umupo ka muna diyan at sumubo ka kahit konti, tingnan mo nga yang katawan mo, nanga-ngayayat kana," wala na akong nagawa nang sandukan ako ni Mama. "Si Papa po?" tanong ko habang papaupo sa mesa. "Nasa Bulacan," "Bulacan? Bakit ho? Diba sa susunod na lingo pa ang punta niyo do'n? " takang tanong ko, bago sumubo. "May tumawag kahapon, at kaylangan akong kausapin pero siya na ang pinapunta ko dahil hindi pa ako pwedeng mag-absent sa trabaho, at naka-leave na nga ako nextweek." paliwanag ni Mama. "Ganun po ba? Sino naman ang kakausap sa kanya?" muli kong tanong. "Kumain kana, Shiloh at baka ma-late kapa," tila walang ganang sagot ni Mama, habang hinihugasan ang pingan. Tinapos ko na ang pag-almusal at maagap na nagpaalam kay mama. "Okay ka lang ba, Shiloh?" tanong ji Keana nang tabihan niya ako dito sa bench. Tumango ako bilang tugon. Pero hindi parin siya kumbinsado kaya nangulit ito, "Girl, Kilala kita kaya magsabi kana. Okay la lang ba talaga?" Malalim na buntong hininga ang nagawa ko, bago nagsalita, "Si Alex kasi." "Alex? Anong meron kay Alex? Diba okay na ang problema niya against Randolph?" "Mahal niya raw Ako," "WHAT?!" Pasigaw na sabi ni keana. Kaya natapik ko siya, "Hoy! Ingay mo keana." "Sorry. Pero kayo na ba?" Tila natutuwang tanong niya. "Hindi no. Mahalaga siya saakin, pero. . Hindi ko rin maintindihan," paliwanag ko. Naguguluhan rin ako. "Huy. . Hala. . Girl baka inlove kana rin sakanya," niyuyugyog niya ako at tila nabudburan ng asin ang katawan ni keana. Matapos ang pag-uusap namin ni Keana, ay dumating si Alex at Klara. Tahimik lamang ako habang si Keana at kara naman ay napakaingay. "Hoy keana, lagot ka kay Miss Villarica, hinanap ka." pagtataray ni Klara. "Hayaan mo siya, magkikita rin naman kami sa bahay mamaya," walang pakealam na sabi ni keana. Umirap naman si klara at naka abri-syete, "Palibhasa, nanay mo Teacher natin. Bahala ka nga," "Teka, saan kayo galing ha? Ba't ngayon lang kayo?" nagtatakang tanong ni Keana. "Kakarating ko lang, nagkita lang kami ni klara, sa Entrance kaya sabay na kaming nagtungo dito. " agad na sagot ni Alex. "Ah ganun ba. Alam mo klara? Nagugutom ako samahan mo nga ako sa canteen," tumayo si Keana at inakbayan si Klara. "Hindi ako gutom–" sagot ni Klara ngunit agad siyang inakay ni Keana. "Gutom ka diba?" ulit ni Keana. "Ha? kelan ko sinabi?" nalilitong tugon ni klara. "Ngayon lang, kaya tara na," hinila na ni keana si klara upang tuluyan silang umalis. Napapailing at natatawa si Alex na pinagmasdan ang dalawa na tila Aso't pusa. Dalawa nalamang kami ni Alex ang naririto. "Pwede bang umupo?" Aniya. Tumango ako at umusog. "Shay, tuloy ba tayo sa Summer?" Dugtong niya. Ngunit ang mga tingin ay nasa malayo. "Oo, naman. Bakit may iba ka pa bang gagawin sa summer?" tugon ko na tila walang nangyari. Pormal parin tulad ng dati. "Wala. Akala ko kasi. Baka kasi. " halos hindi niya matumbong ang sasabihin. Pero alam ko ang dahilan. Hinawakan ko siya sa kamay dahilan na nalipat ang tingin niya saakin, "Alex, okay ka lang ba?" "Shiloh, I'm sorry. Yung tungkol sa nasabi ko sayo kahapon–" hinawakan ko siya sa mga kamay. Malamlam ko siyanh tiningnan sa mga mata. "Lex, pwede wag muna nating pag-usapan yun?" Napayuko siya at matamlay akong tiningnan. "Shiloh, matagal ko ng tinatago ito, hindi ko na kayang sarilihin ang nararamdaman. Okay lang kung hindi ka pa ready. Maghihintay ako." "Alex?" malungkot kong tawag ko sakanya. Ngumiti siya, "No pressure, promise," "Hindi ako nape-pressure. Kaya lang. Ayokong paasahin ka sa wala," "Wala ba talga, hmm Shay? Sakit naman nun," napakagat labi siya. At rinig ko ang mabigat na buntong hininga. Nag-alala naman. Hinawakan ko siya sa at mahinang inalo-alo ang likod, "Gusto ko habang buhay na magkaibigan tayo. Ayokong masira 'yun dahil lang‐ dahil naging mag boyfreind kiya. " "Hindi naman kita sasaktan eh, " "Lex, hindi naman tayo maglalaro. Relasyon tong gusto mong pasukin, at marami ang magbabago kapag nando'n na tayo." "Seryoso ako. Pero. Pero kung yan ang gusto mo, may choice ba ako? " Naawa ako sa tinuran niya. Ngunit ayokong matalo ng awa. Unfair naman sakanya, kung sasagutin ko nang dahil sa awa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD