TILA may mga kabayong nag-uunahan sa dibdib ko nang iwan ko si Sir Migz sa Mall. Magkahalong kaba at pananabik ang naramdaman ko, nang magtama ang aming mga mata kanina. Limang taon na ang huli ko siyang makita sa Hacienda, pero araw-araw ko siyang sinusubaybayan sa mga social media niya. kaya kabisado ko parin ang bawat hulma ng kanyang mukha. Lalo siyang gumwapo ngayon.
Mabilis kong binuksan ang Cellphone habang hinahakbang ang mga paa papasok sa gate ng Paaralan.
Tinipa ko kaagad ang aplication ng i********: at tiningnan ang account ni Sir Migz. 5minutes ago may pinost siyang isang blue box. At nakalagay na caption ay,
"WAITING FOR YOU TO OPEN THIS"
Tila may kumurot sa puso ko nang mabasa 'yon. Alam ko para sa Nobya niya ito. Alam ko na isa itong singsing. Ikakasal na kaya siya?
"O? Bakit paran sinakluban ka ng langit at ganyan ang itchura ng mukha mo?"
Napaangat ako ng mukha nang masalubong ko si Alex.
"Wala! Diyan kana nga."
"Huy! Sorry na. Please huwag ka ng magalit."
Hindi ko siya pinapansin pero sunod parin ng sunod. Hindi niya kasi ako dinaanan sa bahay kanina, tuloy ito late ako sa isang subject.
"Babawi ako promise!" Pasigaw niyang sabi.
Napahinto ako at napangiti ng nakakaloko. Pero agad ko itong binura bago siya hinarap, "Talaga?"
"Talaga, peksman!" Panunumpa niya.
"O sige, pag iisipan ko ang ibabawi mo saakin. Tara na nga!" sabay na kaming nagtungo sa classroom.
"Bakit di mo ako dinaanan?" muli kong tanong habang naglalakad kami sa pathway.
Bumuntong hininga siya bago tumugon, "Si Mama kasi, isinabay niya ako, kasi pupunta siya ng Banko, eh, kaylangan ko ng pera pambayad ng tuition kaya sumabay na ako. Pasenya na talaga hindi kita na Tawagan lobat ako eh,"
"Hmm. Sige na nga. Pinapatawad na kita," inirapan ko siya matapos sabihin ito.
"O, ikaw bakit parang problemado yung mukha mo kanina?" tanong niya at Sabay akbay na ikinairita ko.
"Wala. Chismoso ka talaga no?" Pagtataray ko
"Parang di mo naman ako bestfreind," nakanguso niyang sabi.
"Wala nga. Badtrip lang talaga ako dahil hindi mo ako dinaanan sa bahay. "
"Sige na nga. Naniniwala na ako," aniya. Saglit naputol ang kwentuhan namin nang makasalubong namin ang isang grupo nila Randolph Montejo. At huminto sa harap namin. Kung kaya't hindi kami makadaan.
"Hi, Miss Da Silva," bungad ni Randolph. Timpi ko itong inirapan.
"Ang pormal mo naman dude!" Kantyaw ng kasama niyang mokong at nagtawanan ang mga ito.
Agad akong hinawakani Alex, sa kamay at marahang hinila sa likod niya,
"May klase pa kami kaya paraanin niyo kami."
"Ooows" sabay-sabay na sambit ng grupo ni Randolph.
"Shh. Wag kayong bastos galangin niyo naman ang crush ko at soon to be girlfriend," Randolph, smirk after saying those words.
"Neknek mo!" Pasinghal kong sabi.
Patuloy na nagtawanan ang grupo niya. Samantalang si Randolph, ay hilaw na ngumisi. Isa-isa niyang hinakbang ang mga paa patungo saamin, ngunit matapang na humarang si Alex.
"Isa pang hakbang at makikita mo Randolph!" Usig ni alex.
Napahagalpak ng tawa si Randolph sa narinig, "Wow! Hero? Huh? At anong gagawin mo?" Mas lumapit pa si Randolph at maangas na tinitigan si Alex.
"Ibañez! Zaragosa! What is that?!" Halos sabay kaming napalingon sa kanang bahagi kung nasaan si Miss Olivia.
"Oh Miss Olivia, our pretty Profesor," halos pa sweet na sabi ni Randolph.
"Huwag mo akong mauto-uto, Ibañez! Nag-aaway ba kayo?" muling tanong ni Mis Olivia.
"Nag-aaway? No, Miss Olivia, were talking about our Game later, that's it, nothing else. Right, Alex?" Taas kilay na sabi ni Randolph.
"Zaragosa, is it true? " paglilinaw ni Miss Olivia.
"Y-yes Miss Olivia," utal na sagot ni Alex.
"Alex!" Pabulong kong sabi
"Okay. If that so." Umalis si Miss Olivia matapos siyang magsalita.
"Thank me Boy!" Maangas na sabi ni Randolph at nag tawanan ang grupo niya."
"F*ck you! " di mapigilang singhal ni Alex
Nataranta ako dahil akmang uupakan na ni Alex, "Alex, tara na! At ikaw Randolph, tantanan mo na kami!"
"I won't babe!" Pang-aasar saakin na kinatawa nanaman ng Grupo niya.
Halos umusok ang ilong ko sa inis. Ngunit kinalma ko ang sarili dahil lalong niya lang akong aasarin halos maubos ang lakas ko sa paghila kay Alex upang iwasan na sila Randolph.
"Sana hinayaan mo na lang ako para masapak ko ang pagmumuka niya." nanggaalaite na sabi ni alex.
"Hello dalawa lang tayo, at ang dami nila no at hindi mo kakayanin,"
"Kaya ko, Shiloh!" Bakas parin ang galit kay Alex.
"Oo na kaya mo na, sabi mo eh," pagputol ko ng huminahon na siya.
Maghapong halos hindi umiimik si Alex. At hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko narin kinakausap hangang sa makauwi ng bahay.
"Anak, sa bakasyon ba gusto mo bang sumama saamin ng Papa mo, sa bulacan? " tanong ni Mama habang pinupunasan ang hapag kainan.
"Gusto ko po sana, pero napag-usapan namin nang Barkada na mag-aaply kami sa call center," sagot ko habang naghuhugas ng plato.
"Call center? Kaya mo bang mag puyat?" Gulat na tanong ni Mama. Hindi ko pa kasi nasasabi sakanya ang napag-usapan namin nila Alex.
"Ma, part time lang po yun, sayang naman pangdagdag tuition ko na yun sa susunod na pasukan," paliwanag ko.
"O sige, siguro mga isang buwan lang kami sa Bulacan, basta pag ikaw lang dito mag-iingat ka ha?"
Ilang lingo nalang matatapos na ang taunang pasukan. Gaya ng sabi ko kay mama, ay magtatrabaho kami nila Alex kesa tatambay.
Hindi ko mapigilang hindi isipin ang naganap kaninang umaga. Hangang ngayon Si Sir Migz parin ang tumatakbo sa utak ko, kaya ito tulala nanaman ako.
"Shiloh, ang laki mo na, kamusta ka?"
Bungad niya saakin. Halos hindi ko mabuka ang bibig at tila may magnet ang mga titig niya
"M-mabuti naman ho, k-kayo po kamusta?"
"Maayos naman. Ah alam mo bang, nasa Hacienda sila Aliyah at iba mong kaybigan? Dun sila nag pa-part time," masaya niyang sabi. Nakatitig lang ako sa mga ngiti niya at para bang tumitigil ang oras.
"T-talaga? "
"Oo, bakit hindi ba kayo nagkakausap?"
"Madalang nalang kasi busy ako sa pag-aaral,"
"Ganun ba, o sige mukang male-late kana," aniya habang nakatingin sa relo niya na nasa palapulsuhan.
"O-oo nga ,Sir Migz, paano ba yan una na ako," paalam ko. At ito nalang ang paraan ko upang maikalma ang sarili
"Yeah sure. Ingat ka."
Hangang ngayon, muka niya parin ang nakikita ko. 'Oh my goodnes Sir Migz! Bakit nakita nanaman kita! Hindi kananaman maalis sa isip ko anong gagawin ko.
Sa totoo lang, gustong gusto kong sumama sa Bulacan. Gusto kong makita ang mga dating kaybigan at ang Hacienda kung nasaan si Sir Migz. Ngunit ayokong malungkot muli kapag babalik nanaman ng Maynila.
Nang umalis kami ng Bulacan, nahirapan akong mag move on. Nasa puso ko ang Bulacan dun na ako lumaki, pero ngayon dito na ang buhay ko sa Maynila.
"Shay? Okay ka lang ba?" tanong ni Keana, habang naka-upo ako dito sa Canteen.
Bumuntong hininga ako bago sumagot, "Oo naman,"
Nagpalinga-linga siya na tila may hinahanap, "Teka, nasaan ba si Alex?"
"Ewan ko nga, hindi pumasok eh," walang gana kong sagot.
"Guys! Guys I have a Bad news," hingal na sabi ni Kara nang lapitan kami.
"Bad news?" taas kilay na tanong ni Keana.
"Guest it" muling sabi ni Kara na ikinainis naman ni keana.
"Sampilungin na kita Kara ha, ano ba yang Bad news mo at may pa Guest it Guest it kapang nalalaman!"
Kumalma si Kara bago sumagot, "Okay, si Alex nasa prisinto,"
"Ano?!" Sabay naming sabi ni Keana. Hindi ako makapaniwala sa balita ni Kara,
"Bakit?" Tanong ko.
"He stab Randolph," muling tugon ni Kara.
"Ano?!" Si Keana. Hindi ako nakasagot at tila natulala kaya tumayo ako at sabay dampot sa bag ko.
"O? Saan ka, Shay?"
"Pupuntahan ko si Alex sa Prisinto," sagot ko kay Kara.
"Pero may Pasok pa tayo–" paalala ni Keana ngunit di ko na siya pinakingan at halos takbuhin ko palabas ang canteen.
"Lex!" Hingal kong tawag sa pangalan niya, nang makapasok sa Prisinto.
"Oops miss, anong problema?" Harang saakin ng Pulis na babae.
"Ma'am, nandito po ba si Alex Zaragosa?"
"Oo pasukin mo nalang, pero saglit lang dahil malapit nang matapos ang vissiting hour." Aniya.
Tumango ako at nagmamadaling tinungo ang selda.
"Shiloh? Ano ginagawa mo dito?" Tila gulat na sabi ni Alex nang makita ako.
Hawak hawak niya ang bakal na rehas at halos namumula ang kaniyang mukha.
"Ikaw!? Anong ginawa mo? Bakit mo ginawa 'yon?!" halos maiyak kong tanong.
"At sa tingin mo magagawa ko 'yon kung hindi ako inunahan ng gagong 'yon?" Mahinahon niyang tugon ngunit kita sa muka niya ang galit.
"Kahit na, Alex, pwede mo namang iwasan si randolph sana ginawa mo nalang. "
"Iwasan? Eh sila nga ang sumugod. Nakita mo ba ito?" Turo niya sa mga sugat at pasa sa mukha niya "kung hindi ako nanlaban baka ako ang nasa hospital ngayon at nag-aagaw buhay!"
"Shiloh?" nilingon ko si Tita Mabel na may bitbit na brown envelop.
"Tita,"
Hinimas ni Tita ang likod ko, "Huwag kang mag-alala nagawan na namin ng paraan para makalabas na itong kaybigan mo."
Hindi pa man tapos si Tita sa pagsasalita ay dumating ang isang Pulis.
"Zaragosa, laya kana,"
Tila nabunutan ako ng tinik nang sabihin 'yon ng pulis.
Hindi na ako bumalik sa Eskwela at sumama nalang ako sa bahay nila Alex.
"Shilo? Pwede bang, samahan mo muna dito si Alex? Babalik pa kasi ako sa Attorney at ipapasa ko lang itong mga ebidensya.
"Sige po."
Mabuti nalang at may CCTV sa lugar kung saan nangyari ang gulo. At tama si Alex na ang grupo ni Randolph ang nagsimula ng gulo. At nakita na self deffense lamang ang ginawa ni Alex, kaya naabsuelto siya.