Part 4

1610 Words
Agad-agad? But babe, I have a Show tomorrow at hindi lang basta Show, a big Event." hindi makapaniwalang saad ni Atasha. Ni hindi ko na nga nagawa ang planong Romantic proposal at inaya ko siya ng agarang Kasal. "After the Event, please we need to do this Asap," "Why?" Pilit niyang tanong. "Basta, ipapaliwanag ko nalang After the wedding. So be home after the Event babe, please?" "Okay, ihanda mo na ang mga papers, I'll be home soon," aniya na ikinatuwa ng puso ko. "Thank you Babe," Nakahinga ako ng maluwag nang napapayag ko si Atasha. We need to get married as soon as possible or else, mawawala saakin ang Hacienda. Lalong hindi maaring mawala saakin ang pinagpaguran ko ng ilang taon, lalo na mapupunta lang sa taong sakim. Sinunod ko ang payo ni Dad na dito sa Pilipinas ako maikasal upang mas mabisa kesa sa ibang bansa ako magpapakasal. Alam kong hindi ganitong kasal ang gugustuhin ni Atasha, ngunit magagahol na kami sa oras kung may preparasyon pang gagawin at baka maunahan pa kami ni Baron. "Sir Migz, nandito na ang mga Working Students natin," nakangiting bungad saakin ni Mang Eboy. "Sige ho, papasukin niyo na sila." Utos ko. "Magandang araw, Sir Migz," nag-uunahang bati ng mga kabataang saakin ay mga pamilyar na. "Kayo na ba yan?" Namangha kong sabi. "Opo, Sir Migz," "Pasenysa na kayo ha, nakalimutan ko na ang mga pangalan niyo, baka pwedeng magpakilala muna kayo isa-isa?" "Ako po si Marie," "Ako naman po si Aliyah," "Ako naman po si Remi," "Ako po si Janna," "Ako po si Roel," "Ang lalaki niyo na ha, at natutuwa ako dahil hindi na kayo maglalaro sa Mangahan ngayon kundi, magtatrabaho na kayo sa factory ng manga, " Tila mga paslit parin ang mga ito saaking paningin. Parang kelan lang ang gugulo nila na nag uunahan sa pag akyat ng punong manga. "Oo nga Sir, Migz, malaking tulong po ang trabahong binigay niyo po lalo na sa pag-aaral namin." Si Remi. Ito yung mahilig mang-asar pero ito na ngayon sa harap ko tila pursigudo. "Sige, basta kung may kaylangan kayo sa pag-aaral niyo, sabihin niyo lang saakin baka may maitulong ako," tugon ko. "Maraming salamat sainyo sir Migz." Matapos kong kausapin ang mga batang 'yon ay, lumabas na sila ng Office at mag-uumpisa na sa kanilang unang araw sa trabaho. Nakakatuwa na makita sila na nagpupursige sa buhay kahit mga bata pa. Biglang sumagi sa utak ko si Baron kung kaya't nagbago ang timpla ng mood ko. Nang malaman niyang kumikita na ang Hacienda at Rancho ay agad siyang nagka-interest dito. Kaya hindi pwedeng makuha niya saakin ang pinaghirapan ko. "Hello, Myrna? Nakuha mo na ba ang requirements? sa PSA? " "O-opo Sir Migz," "Good, ikaw ng bahala ang magpasa niyan sa simbahan, please? Ibigay mo nalang kay Aling Seni, pinaalam ko na sakanila na ikakasal ako sa makalawa," "Ho? Pe-" Naputol ang linya ni Myrna kaya diko narinig ang nais pa nitong sabihin. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi ang maikasal agad kay Atasha. Kung pwede nga lang ora Mismo ginawa ko na wag lang mawala ang Hacienda saakin. Palabas na ako ng Bahay nang mapansin ko ang nga halakhak na nag mula sa isang grupo. At napangiti ako nang makita ang mga kabataang naguunahan sa pag akyat ng puno ng Manga. "Marie!" Sigaw ng isa nilang kasama na tumatakbo patungo sa kagrupo na ngayon ay nasa taas na ng puno. Patungo na sana ako sa nakapark kong kotse nang mapansin ko ang paglaglag ng cellphone ni Aliyah. "Ce-" diko na natuloy ang pagsabi sakanya dahil tila di na ako nito maririnig dahil sa kulitan ng kanilang grupo. Tapos na kasi ang trabaho kaya oras na ng uwian ngunit parang mga bata na galing skwela pero pinili munang mag laro bago umuwi. Napailing nalang ako nang damputin ang Cellphone. Nang damputin ko ito, nahagip ng mga mata ko ang nasa screen ng cellphone. Open pa ang social media Account nito. Isawalang bahala ko na sana at iaabot ko na kay Aliyah, ngunit naagaw ang atensyon ko sa Picture na nasa sss. Isang babaeng kasing edad nila Aliyah na nakasuot ng Gown. Para bang isang celebrant ng birthday. "She looks familliar. She's Pretty. A sexy young lady." bigkas ko sa mahinang salita. "Si Shiloh po yan, Sir Migz," Bigla akong napalingon nang makalapit si Aliyah. Agad ko naman inabot abg kanyang cellphone, "Oh, I'm sorry, napulot ko ang cellphone mo, nahulog mo kanina," "Salamat po," Nang maiabot ko ito ay agad akong umalis sakanyang harapan at tinungo ang sasakyan na nakaparada, at pinaandar ito. 'Why do I feel strange? Tssk. Crazy.' Napailing ako bago pinatakbo ang Kotse. "Son," tawag ni Dad, saakin nang makapasok ako sa bahay. Kunot noo kong sinalubong ang panauhin, "Anong ginagawa niya dito?" Mabilis na tumayo si Dad, at hinarang ako, "Son, please calm down." "Tama si Tito Jude, pinsan. Kumalma ka," animoy nang-aasar na sabi ng magaling kong pinsan na si Baron. "Oh, by the way, this is Mia, my soonest to be wife. Imbitado kayo sa kasal namin, bukas." dagdag pa nito. Nabigla ako sa sinabi niya, "What?!" "Why? Nabigla ka yata?" He smirk after. "Wala namang problema kung magpapakasal kayo, pero sana huwag mo ng pakealaman ang Hacienda na matagal kong pinaghirapang ibangon," taas boses kong sabi. Ngumisi siya at pailing-iling, "Pinsan, baka nakakalimutan mo ang nakasaad sa Lastwill ng Lolo? Igalang mo naman." "Okay, susundin ko ang naka-sulat sa Lastwill ni Lolo," "So? Handa ka ng ibigay ang Hacienda?" "No!" Matigas kong sabi. "Okay. See you after my Wedding, Cousin. Bye Tito Jude. " Naikuyom ko ang mga kamao at nais itama sa mukha niya. Inis ang nararamdaman ko kay Baron. Mabilis na kinuha ko ang Cellphone ng tumunog ito. "Atasha," "Babe," "Migz, I'm sorry, gustuhin ko mang lumipad ngayon pero ito, cancel ang flight." tila maiyak na sabi ni Atasha. "I understand. I'm sorry," "Ano ba kasing problema? At bakit gusto mong madaliin ang kasal?" "Si Baron, he want to get the Hacienda from me, at alam mong mahalaga saakin ang Hacienda." "What? That f*****g guy is getting to my nerve na talaga! Sumusobra na siya!" Iritang turan ni Atasha. Baron is her, Ex boyfriend. "Babe, what will you do now?" dagdag niya pa. "Come home. Magpapakasal parin tayo." Kahit anong mangyari itutuloy ko parin ang pagpapakasal kay Atasha. "Migz! Buhay kapa pala?" Pasigaw na sabi ni Matt, habang papalapit ako sakanila, Sabay tawanan ng grupo. Jelo, and, Alvin, is here too. "Kahit kelan Gago ka parin, Matt." Naiiling kong sabi. They are my childhood best friends. "Masyado kang busy sa Bulacan. Mabuti nalang at Nagpabinyag ng anak si Alvin and Lira, kung hindi, hindi namin alam kung kelan ka namin maka-bonding," dagdag ni, Jelo. "How's Atasha?" Tanong ni Lira, habang karga ang anak na papalapit sa table namin. Napangiti ako na nakatingin sa baby nila, "She's Coming home tommorow," "Diyan kami bilib sayo, akalain mo yun nagtagal kayo ni Atasha?" Sabi ni, Matt na may halong panga-ngantyaw. "Ganyan naman talaga, collect na collect until you select," walang prenong sabi ni Alvin. "Talaga lang ha? Hoy Mr. Alvin Cuenco, So marami kaming kinolekta mo?" Taas kilay na sabi ni Lira. "Ooooh! Lagot ka Pre, collect and collect pala ha? Naku Lira, outside de kulambo mo na yan, " kantyaw ni Matt. "Loko!" Turo ni Alvin, kay Matt, "syempre Joke lang Mahal, alam mo naman na ikaw lang ang babae sa buhay ko, kayo ni Baby Aby." Nakangiti ako at Napailing. Kapag sila ang kasama ko, kulang ang isang buong gabing kwentuhan. Hinding-hindi mauubusan ng topic, lalo na itong si Matt. Pero iba na ngayon. May kanya-kanya na kaming buhay. Si Jelo, ay namamahala sa kumpanya ng Daddy niya. Si Matt naman isang Piloto. Si Alvin ay may negosyo dito sa Manila. Kaya minsan nalang din kaming nagkakasama. Pero kahit minsan nalang, ganun parin. Walang pagbabago sa pagkakaybigan namin. Kinabukasan, ay maaga akong bumangon. Kaylangan kong pumunta sa Airport para sunduin si Atasha. Mamaya pa namang alas-tress ang arrival pero kaylangan maaga akong mag-aabang. Dadaan muna ako sa Mall para kunin ko ang singsing na inorder ko lastweek. "Goodmorning Sir, Miguel Rivero." Nakangiting bati ni Hazel. Isang sales lady ng jewellry shop. "Hi, good morning Hazel, dumating naba?" Tanong ko. "Yes, Sir Kahapon pa, pero hindi kita matawagan, kaya nag email nalang ako," aniya habang kinukuha ang isang kulay asul na maliit na box. "I'm sorry, busy lang ng kaonti." "Okay lang po. Ito na po, check niyo na" inilapag niya ito sa babasaging mesa. "Wow!" Namangha ako dahil ang kinang nito. "Ang swerte naman na mapapangasawa niyo Sir. Napakaganda ng singsing na yan at grabe makakabili na ako ng house and lot sa halaga ng singsing na yan," manghang sabi ni Hazel. "You sure? Sa tingin mo, magugustuhan ito ng Fiance ko?" "Naku po sure na sure ako," Matapos ko itong kunin, ay umalis na ako sa jewellry shop. Habang naglalakad ako patungong exit, ay tumunog ang Cellphone ko. Agad ko itong kinapa sa bulsa ko. Nang tingnan ko ay si Myrna ang tumatawag. Sasagutin ko na sana ito , sa di inaasahan ay natabig ito ng isang Babaeng kasalubong ko. "Naku pasensya na," bakas sa muka niya ang takot kaya halos hindi ito makatingin saakin at agad niyang pinulot ang cellphone na tumilapon. I was starring at her. At tila bumagal ang takbo ng oras nang magtama ang aming mga mata. "Sir? Pasensya na po talaga, nagmamadali po kasi ako, sorry po kung nag crack ang cell-" hindi niya natapos ang sasabihin at tila natulala, saglit pa at binuka niya ang bibig, "S-sir Migz?" "Shiloh? Ikaw ba yan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD