FIVE years later. .
"Shiloh, Blow the candle!"
Hinipan ni Shiloh ang Candila na nasa ibabaw ng Tatalong palapag ng Cake. Kaarawan niya ngayon at ang kaniyang Debut.
"Happy 18th birthday Shiloh! " bati ng Emcee at sinabayan rin ito ng mga bisita ng malakas na palakpakan. Napakaganda ni Shiloh sa suot na Violet gown. Litaw ang kanyang Ganda at tila isa itong modelo.
Ang dating isang makulit na bata ay Isa ng ganap na dalaga. Ngunit sa paglipas ng panahon ay nabago ito. Isang mabait na at masunurin na si Shiloh, na kinatuwa ng kanyang mga magulang.
"Lex!"
Tawag ni Calleb sa katabing si Alex, na nakatitig sa debut celebrant habang sinasayaw ito ng isa sa mga eitheen roses. "Ikaw na ang susunod. Galingan mo ha? "
"Okay na ba pre? Sige pa sprayan mo pa ng pabango ang leeg ko." Utos ni Alex sa kaybigan.
"Ayos na yan, mauubos mo na eh baka mahilo na si Shiloh sa pabango ng lolo mo," kantyaw ni, Calleb.
Si Alex ay naging kaybigan ni Shiloh mula nang lumipat sila ng Maynila, Limang taon na ang nakakalipas. Nawalan ng trabaho ang kanyang Ama sa Bulacan kaya napilitan silang lumipat ng Maynila.
"Happy Birthday Shay-" bati ni Alex habang inabot ang isang pulang rosas
"Thank you Lex!" Inabot naman ito ni Shiloh at nagsimula na silang sumayaw.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa habang sinasabayan nila ng sayaw ang tugtog.
May lihim na gusto si Alex sa kaybigan. Ngunit di nito masabi ang nilalaman ng kanyang damdamin. Sa ngayon sapat na sakanya ang nakikita at nakakasama ito sa paaralan. Yun nga lang minsan nababahala siya dahil may mga umaaligid sa dalaga.
"Maraming salamat sa imbitasyon, Shiloh, and happy birthday again,"
"Maraming salamat din po sa pagpunta Miss Angie,"
Isa-isa ng nagpaalam ang mga bistang dumalo sa birthday ni Shiloh, kasama na dito sila Alex at Calleb.
"Anak, magpahinga kana rin,"
"Opo Ma, pagod na po talaga ako, masakit na ang mga paa ko." Halos di maipinta ang mukha ni Shiloh nang sabihin ito sa Ina.
Pero bago pa man nakapasok sa silid si Shiloh, ay tumunog ang kakaopen na Cellphone niya. Naka off kasi ito buong party.
( happy birthday Bestfriend!) Text na mula kay Marie at Alliyah. Napangiti si Shiloh pero bigla itong nawala at tila bumahid ang kalungkutan sa kanyang mata. Na-mimiss na niya ang dalawang matalik na kaybigan.
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~~°~°~°~°~°~°~°~°~°~
"Babe, I realy miss you, please come here na?" tila batang nakikiusap na sabi ni Atasha
"Kung pwede lang sana na lumipad ginawa ko na ngayon, but babe I can't go There yet. Marami pa akong dapat tapusin dito," paliwanang ni Migz sa nobya.
"You don't miss me?" salubong ang kilay ng sabihin ito ni Atasha.
"I do, I realy fuckin Miss you babe,"
"My God, Migz almost one month na di tayong nagkikita, I want to see you, to hug you, to kiss you and-" natigilan si Atasha sa susunod niyang sasabihin dahil alam niyang tutuksuhin siya ni Migz.
"And what? Bakit natigilan ka, Hmm babe? " pilyong tanong ni Migz sa Nobyang parang bata na nagmamaktol.
"You know what I mean, Migz!" Tumaas ang isang kilay nito at unti-unting inalis ang pan itaas na damit.
"Oh come on, Babe, please don't do that," napamura si Migz at napakagat labi sa ginawa ni Atasha, na ngayon ay litaw ang malulusog na dibdib na makikita ni migs sa Video call.
"What? Pupuntahan mo ba ako o hindi?" Pilyang tumawa si Atasha habang inaakit ang nobyo nito.
"Kapag natapos ko ang trabaho this week? prepare your self Babe," makahulugang sabi ni Migz. Tila lalagnatin siya sa nararamdamang pag-init ng katawan. Isang buwan pa lamang silang hindi nagkikita ngunit tila isang taon na at nasasabik na siya kay Atasha.
Halos mag-isang taon ng magkarelasyon si Migz at Atasha smith. Isang Modelo sa America pero laking Pilipinas ang Dalaga. Papalit palit ng babae si Migz ngunit itong si Atasha lamang ang tumagal ng halos isang taon.
"Si Atasha ba yung kausap mo kanina?"
Napalingon si Migz, mula sa pagkakatayo sa may Veranda. Ngumiti siya bago tumugon sa kanyang Ama, na papalapit sa kanyang kinaroroonan, "Yes, Dad."
"Pinapunta kaba ng America?" Muling tanong ng Ama.
"Yes, pero tatapusin ko muna ang trabaho sa Rancho at Hacienda,"
"In love ka nga, Migz. I heard, Atasha is a good girl huh?" Mahinhin na tumawa Si Don Jude.
Napangiti si Migz, "You're right Dad. Atasha is different sa mga nakilala ko. You know what? gusto ko na siyang ayaing magpakasal."
"Do what's make you happy Son. Beside magte-trenta kana, dapat lang na mabigyan mo na ako ng Apo,"
Sabay na nag tawanan ang mag-ama.
Mas naging malapit sa isat-isa ang mag-ama mula nang nanatili si Migz sa bahay nila sa Maynila. Ngunit pinagsisihan niya ang hindi inayos ang relasyon sa kanyang ina na namayapa kamakailan dahil sa Sakit sa puso.
"Mang, Eboy, hindi pa po natapos ang inventory ng Dried mango?" Tanong ni Migz, habang pinipirmahan ang mga papeles ng kanyang Negosyo sa Hacienda.
"Bukas ko pa maibigay sayo Sir Migz, tinatapos pa ngayon ni Myrna." Tugon naman ni Mang Eboy.
"Sige, Mang Eboy. Pakisabi narin kay Myrna, paki dalian dahil may lakad ako sa susunod na araw."
Tumango si Mang Eboy, bago muli itong nagsalita, "Sir Migz, may bagong Cliyente galing Cebu, matapos nilang masubukan ang sample ng Wagyu beef, ay saatin na sila kukuha kesa mag iimport daw sila sa japan,"
Napaangat ng tingin si Migz, sa narinig, "Realy? That's good to hear Mang Eboy,"
"Oo nga Sir Migz, tuwang-tuwa ang mga nasa Rancho dahil nadagdagan ang ang mga Cliyente."
"Basta pagbubutihin pa natin ang trabaho Mang Eboy, balang araw tayo nanaman ang maging Exporter ng ibat-ibang bansa," nakangiting tugon ni Migz.
Dahil sa sipag ni Migz, napalago niya ang kanyang Negosyo sa Hacienda at Rancho sa Bulacan.
"Mang Eboy?"
Napalingon si Mang Eboy Nang kumatok ang isang tauhan, "O, Jorge, tapos na ba?"
"Opo, Mang Eboy, ito na pala ang listahan ng mga bagong aplikante."
"Akin na, sige makakaalis kana, salamat." Inabot ito ni Mang eboy at sabay inilapag sa mesa ni Migz.
"Kung Dati nasa mahigit kumulang Benteng trabahante lang meron tayo, at sa Hacienda lamang yun. Pero ngayon, nasa Singkwenta na, akalain mo yon?"
"Kaylangan na natin ng mas maraming trabahante Mang Eboy, dahil nag Expand na ang Negosyo natin," tugon ni Migz.
"Oo nga Sir Migz, nakakatuwa lang isipin,"
"So, bukas na ba mag-uumpisa ang mga bagong pasok na trabahante?" Tanong ni Migz habang abala sa mga papeles na nasa Taas ng mesa.
"Oo sir Migz, tsaka yung mga Working Students na Limang kabataan,"
Manghang tumingin si Migz kay Mang Eboy, "Ah, oo nga pala. Sige bukas ng umaga iharap mo sila Saakin."
Matapos ang pag-uusap nila Migz at Mang Eboy, ay pinili ni Migz na mapag-isa. Kumuha siya ng Kopita at nagbuhos dito ng maiinom na Alak.
Bago pa man niya tungain ang kopita ay tumunog ang Cellphone niya. Ngunit inuna niyang inumin ito dahil kanina pa siya nauuhaw.
"Hello?"
"Hey, Cousin,"
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Migz, nang marinig ang nasa kabilang linya, "Baron, napatawag ka?"
"Well, kinakamusta lang naman kita at ang Hacienda,"
"Ang Hacienda? Kelan ka pa nagkaroon ng Interest sa Hacienda?"
"Hindi ba pwede? Ipagpalagay natin, na ngayon."
"Ngayon? Ngayon na kumikita na ang Hacienda hindi ba? Pero noon wala kang pake at tinatawanan mo pa nga ako hindi ba? "
"Oows! Relax. . Alam mo kasi, Migz, nagbabago ang panahon, maaring noon wala akong pake, ngunit iba na ngayon. Tulad mo, gusto ko rin maranasan ang maging haciendero at magagawa ko lamang yun sa Hacienda ni Lolo-"
"No way!" Nangagalaite na sabi ni Migz.
Humalakhak si Baron, "Sa pagkakaalam ko, Pinsan, walang pwedeng umangkin sa Haciendang pagmamay-ari ng Lolo natin,"
"Si Dad lamang ang sumalba sa Hacienda noong panahong inubos niyo ang pera Ni Lolo, tapos ngayon hahabulin niyo ito? Hindi maari Baron!" Tuluyang nasira ang awra ng mukha ni Migz sa inasta ng Pinsan.
"Bago mo ako taasan ng Boses, Migz, basahin mo muna ang Last will and testament ni Lolo." Matapos itong sabihin ni Baron, ay pinatay niya na ang tawag.
Naikuyom na lamang ni Migz ang dalawang kamao at mabigat na binagsak sa mesa.
Galit ang naramdaman ni Migz nang lisanin ang Hacienda. Uuwi siya ng Maynila para agad na mabasa ang Last will and testament ng Kanilang namayapang Lolo Abner.
"I'm sorry Son, yan ang nakasaad sa Last will ng Lolo mo, kaya hindi ko na ito mababago," malumanay na sabi ng Ama ni Migz.
Hindi nabahala si Migz sa natuklasan. Medyo natawa pa siya sa Lastwill ng kanyang Lolo, dahil ang nakasaad dito ay, kung sino man ang unang ikakasal ay sakanya mapupunta ang Hacienda.
"Ikakasal na nextweek si Baron,"
Muling paalala ni Don Jude, kay Migz.
Nagkibit balikat si Migz bago tumugon, "If that so, bukas na bukas aayain ko na ng kasal si Atasha,"
"Lilipad ka patungong America bukas? Migz alalahanin mo, kasal dito sa Pilipinas ang gusto ng Lolo mo," muling paalala ng Ama,
"Ako na ang bahala Dad. I will asure you, this week I am a Married man. At hinding hindi ko isusuko ang Hacienda,"