Part 2

1496 Words
Pasipol-sipol si Mang Eboy, habang nakatingala at sinusuri ang mga bunga ng mga manga. Mula umaga hangang hapon ay nasa Mangahan si Mang Eboy at ang ibang mga trabahador. Ito na ang kanilang hanap buhay sa Hacienda ng mga Rivero. "Mang Eboy!" "O, Sir Migz, Magandang umaga. " "Maganda Umaga Sir Migz!" "Magandang umaga rin sainyo," "Mang Eboy, sa makalawa pupunta na dito ang Buyer. Mukang sinuwerte tayo sa mga bunga at mataas ang presyong naibigay natin." "Ayos! Sir Migz," Masayang tugon ni Mang Eboy. "Syanga pala Mang Eboy, matapos ang harvesting, Uuwi po ako ng Maynila, pinapauwi ako ni Dad," "Si Sir Jude? M-magaling na ho ba siya?" Nagagalak na tanong ni Mang Eboy. Tumango si Migz, "Bumalik na po ang kanyang alaala," "Magandang balita yan Sir Migz," Tipid na ngumiti si Migz. Ngunit bigla itong nabura "Kayo na muna ang bahala dito Mang Eboy. Baka matatagalan ang pagbalik ko." Matapos ang Harvesting, ay bumalik na ng Maynila si Migz. Dala ang kaba at Pananabik na muling makita ang Ama. "Anak!" Maluha-luhang sambit ng Ama ni Migz. "Dad, I'm here. I'm sorry. " saad ni Migz bago niya ito niyakap. Habang ang kanyang Ina ay tahimik silang pinagmamasdan. Walang reaksyon ang mukha nito, ngunit ang galit nito sa anak ay pinipigil. "I am happy that you are here now. Wag kanang umalis pakiusap?" Tumango lamang si Migz habang yakap ang ama. Masayang binalita ni Migz, sakanyang ama ang ani ng mga tanim sa Hacienda. Kaya naman naaliw ang Ama niya at nang makalipas ang ilang oras ay nakatulog na ito. "Siguro naman sa Isang taon mong wala dito sa pamamahay natin ay tumino kana?" Nakataas kilay na sabi ng Ina ni Migz na si Ela. "Mom, I'm sorry." Mula sa pagkakayukong sabi ni Migz. "Yan lang naman ang alam mong sabihin Migz. Matapos mong takasan ang problema natin, babalik ka dito kapag maayos na ang lahat! How Iresponsible you are!?" "Mom, you know what happened. And you know what's the reason. Pero kung sa tingin niyo na kasalanan ko ang lahat? sige tatangapin ko 'yon para matapos na. Gusto kong magsimula ulit, tayo, Mom please?" Nagsalubong ang kilay ng Ina sa sinabi ni Migz, "Magsimula ulit? Sinira mo na ang tiwala ko. " "Give me another chance. 'Yon lang ang hinihingi ko," matapos itong sabihin ni Migz ay umalis siya sa harap ng kanyang ina, upang matigil ang kanilang bangayan. "Ikaw talagang bata ka, lumabas ka nga riyan sa kwarto mo. Ano bang nangyayari sayo?" Naiiritang kinatok ni Aling Meding ang kwarto ni Shiloh. "Wala ho. . Ayoko lang lumabas," mahinahong sabi ni Shiloh. Pero ang totoo pinipigilan niyang mabasag ang kanyang boses at mahalata siyang umiiyak. "Isa! Masisinturon ka saakin kapag nabuksan ko itong pinto!" Mabilis niyang inayos ang sarili at pinahid ang luha, "Ayan na po!" Agad niyang binuksan ang pinto sa takot na mapalo ng Ina. Imbis na kukurutin si Shiloh ay napatigil ito nang makita ang Anak, " O!? Bakit namumula yang mata mo? " "Wala ho. Napuwing lang." "Nakung bata ka. . Hindi ba't sabi ko, magbihis kana dahil magsisimba tayo. Bilisan mo na at malelate na tayo. " Sa totoo lang ayaw ni Shiloh na sumamang magsimba dahil makikita niya si Remi. Si Remi ang dahilan kung bakit nagkulong siya sakanilang Silid. Tinukso kasi siya nito. Matapos ang Misa ay hindi pa umuwi ang mag-ina dahil may asembly pa ang mga Diaconisa. "Mareng Meding, malapit na ang Pasko, at kulang ang mga junior sakristan natin," ani ni Aling Corazon. "Si Shiloh, pwede ng maging Sakristan." Turo ni Aling Seni sa nagalalarong bata. "Naku, napakapilyang bata. Baka maging sakit sa ulo lamang," naiiling na tugon ni Aling Meding. "Bakit hindi mo tanungin? Malay mo naman. At kapag nagustuhan niya, magiging mabait din yan," Ani Aling Seni. Napabuntong hininga si Aling Meding sa harap ng mga kasama niya,"Sige sasabihan ko." Napaisip si Aling Meding sa sinabi ni Aling Seni. Maaring mabago ang pagkapilya ng Anak, kaya hindi niya pinatagal at sinabi kay Shiloh habang pauwi ng Bahay. "Ayoko po Ma, hindi ko naman alam ang ginagawa nila," agad na kontra ni Shiloh. Ngunit ang totoo niyan, ayaw niya dahil hindi na siya makapaglaro sa araw ng lingo. "Madali lang naman at Sabado, Lingo lang naman kayo pupunta ng Simbahan at may libre kayong Miryenda." "Pero Ma, " "Tsaka si Marie at Aliyah, yayain mo sila, tiyak papayagan sila ni Mareng Inday," "Sige po. . Kapag gusto nila, sasali po ako," nakanguso niyang sabi. Mabilis na binalita ito ni Shiloh sa mga kaybigan at walang ano-anuy naenganyo sila Marie at Aliyah. Ilang lingo na ang nakakalipas mula ng umalis si Migz. kaya naman hindi narin nagagawi sila Shiloh sa mangahan dahil nawili na ang mga ito sa Simbahan. "Hindi niyo ba Namimis maglaro sa mangahan?" Tanong ni Marie habang nagmimeryenda. Ngumuso si Shiloh "Namimis, kaya lang wala si kuya Migz sa Hacienda. Kelan kaya siya babalik?" "Sus! Mis mo na siya?" Tumatalsik pa ang laway ni Aliyah nang sabihin ito. "Mis na mis. Kapag nasa wastong edad na ako papakasalan ko siya," maotoridad na sabi ni Shiloh. "Asa! Baka mamaya pagbalik niya may asawa at anak na siya," muling sambit ni Aliyah. Tila hindi maipinta ang mukha ni Shiloh sa narinig, "Shut up Aliyah! His mine! " "Huy..." Sabay na lumingon ang tatlo nang marinig si Aling Seni. "kayong mga bata kayo. Sino yung pinag-uusapan niyo? Anong His mine, his mine ?! " "Wala ho Aling Seni, naglalaro lang po kami," nakangiting dipensa ni Marie. "O sige, tapos naba kayo diyan, dalhin niyo itong mga offering sa kusina, ha? Bilisan niyo at hinihintay ni Father ang mga manga at saging ." "Opo Aling Seni," sabay-sabay na tugon ng Tatlo. Matapos na dalhin sa kusina ang mga offering, ay pinag tipon-tipon silang mga junior at senior sakristan dahil may kasal na gaganapin kinabukasan. Kaylangan i-assign ang bawat grupo sa mga dapat gawin sa misang mangyayare. Kapag ganitong may kinakasal ay hindi mapag-absent si Shiloh. Tuwang tuwa siya na pagmasdan ang mga kinakasal at lagi niyang iniimagine na siya ang babaeng kinakasal. Sa murang edad ay ganun na siya mag-isip. At ang lalaking pakakasalan niya ay ang kanyang hinahangaan na si Miguel Rivero. "You may kiss the Bride" Naghiyawan ang mga taong saksi sa pagmamahalan ng mga kinakasal at nang halikan ito ng Groom ang Bride ay unalingaw-ngaw ang tuksuan sa loob nh simbahan. Nagsipikitan ng mata sila Marie at Aliyah ngunit si Shiloh ay tuwang tuwa pa ito na pinapanood na hinahalikan ang Bride. "Huy Shiloh, bawal pa tayong manood ng ganyan, lagot ka sa Nanay mo." Saway ni Marie. "Wala naman si Mama, tsaka ano ka ba, kiss lang naman yan, sa panahon ngayon Marie, hindi na yan malaswa kasi kahit sa TV lagi naman yan nakikita." Nakangiting sabi ni Shiloh, habang pinagmamasdan ang mga kinakasal. "Ewan ko sayo," nairitang tugon ni Marie. Natahimik si Shiloh, at tila natuod nang makilala ang isang lalaking bagong pasok sa simbahan. Suot nito ay simple lamang. Ngunit ang lakas ng dating Black polo shirt at blue denims at naka sapatos ito ng puti. "Teka, nakikita mo ba yang nakikita ko?" Pabulong na sabi ni Shiloh kay Marie. "Si M-migz, nandito siya," "Oo nga pero sino yang kasama niya?ang ganda parang Model" manghang tanong ni Aliyah. "Malay ko, baka kapatid niya o di kaya pinsan." Tugon ni Marie "Baka Girlfriend niya?" Dugtong ni Aliyah. Biglang umiba ang awra ng mukha ni Shiloh sa sinabi ng kaybigan. Kaya umalis siya. Matapos ang seremonya ng kasal ay halos sabay sabay na lumabas ang mga tao sa simbahan. Ngunit si Shiloh ay kumaripas ito ng takbo at tila may hinahanap. "K—kuya Migz!" Hingal na sambit ni Shiloh. Agad namang limingon si Migz. Abot tenga ang ngiti ni Shiloh nang lingunin siya ni Migz, " Hi! " Napangiti si Migz, nang makilala ang batang nasa harapan niya. "O! Shiloh, sakristan kana pala ngayon," "Ah o–opo. Ah babalik kanaba sa Hacienda?" natutuwang tanong ni Shiloh. Ngunit wala siya sagot na nakuha rito. "Migz?" Tawag ng isang babae Agad namang nilingon ni Migz ito, "Are you done? " tanong niya habang papalapit ang magandang Dalaga. Nakangiti ito bago tumugon, "Yeah. Lets go?" "Sure! But wait, ipakilala kita kay—" nilingon ni Migz si Shiloh na may ngiti. "Ah Shiloh, ito nga pala si Ate Kim. Kim this is Shiloh," "Hi Shiloh," Tipid na ngumiti si Shiloh at nakatitig lang siya kay Kim. Totoo nga ang sabi ni Marie. Parang modelo ito dahil sa sobrang puti, matangos ang ilong maganda at maputing ipin at ang tangkad pa nito. "Aalis na kami babalik na kami ng Maynila," Bumalik sa wisyo si Shiloh nang magsalita si Migz. Tumango-tango lamang siya at hilaw na ngumiti. Hawak kamay ang dalawa habang patungo sa sasakyan. Habang papalayo ang sinasakyan nila Migz, ay unti-unting naramdaman ni Shiloh ang pagkirot ng kaniyang puso. Namasa ang kaniyang mga mata na kanya ding pinunasan gamit ang palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD