MIGZ POV
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Matapos niyang uminom ng gatas ay, naiwan pa ang basang gatas sa gilid ng labi niya.
"Gusto mo ba? Ipagtitimpla ki—"
Hindi siya nag protesta nang siilin ko siya ng halik. Napapikit ako at ninanamnam ang labi niyang lasang gatas. Mga labing napakalambot.
I can't help my self not to kiss her. Sa tuwing nakikita ko ang mga labi niya, ay para bang tinatawag ako nito.
Nakapikit ang kanyang mga mata. Hinapit ko ang kanyang bewang dahilan na nagdikit ang aming katawan.
I feel like I'm going crazy while savoring her soft lips.
"Migz," habol hininga niyang sambit.
Pero hindi ko magawang kumawala sa paghalik, animoy nakakahumaling.
"Migz, t-tama na, baka magising si Atasha,"
Tila natauhan ako sa sinabi niya. Dumistansya ako, "Sorry. I'm sorry,"
"Sige, pupunta na ako sa kwarto. "
Mabilis niya akong nilisan. Napasapo nalang ako sa noo nang maisip ang kapusukang nagawa ko. Agad akong nagbukas ng can beer at nilagok hangang sa naubos ko ito at kumuha ng panibago.
Hindi maalis sa isip ko ang maamong mukha ni, Shiloh. Hindi ko lubos maisip na ma-atract ako sakanya. I can't deny the fact that she is attractive. And any man would be obsessed with the beauty of her body shape.
But it would be wrong for me to take advantage of her weakness. She's still very young. But f**k! How can I avoid her, now that I see her and spend time with her every day?
I felt guilty. Atasha is my fiance, pero ano to? Mahal ko siya. Mahal ko si Atasha.
~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~
"Naku, pasensya kana Shiloh, at hindi na tayo nakapag usap kahapon,"
Atasha started talking, while we were at the dining table.
Nakatuon ako sa pingan at kumakain. Ngunit ang atensyon ko ay nasa kanilang dalawa. Hindi umiimik si Shiloh, habang nagsasalita si Atasha.
"Okay ka naman dito?" muling tanong ni Atasha.
"A-ah, kahit papaano, nasasanay na ako," tugon ni Shiloh.
Patuloy lang ako sa pag-subo at ang mga tingin ay nasa plato lamang. Pakiramdam ko ay nagigisa ako.
"Babe? Ang tahimik mo yata?" pukaw saakin ni Atasha.
"Wag mo akong pansinin, okay lang ako," ngumiti ako at tinaas-baba ang isang kilay.
"Are you sure?" ulit niya.
Tumango-tango ako, "Yeah,"
"Okay, if you say so. Sana sa pag-balik ko, buntis kana Shiloh. Alam ko, na gusto mo ng umuwi sainyo."
Napaubo ako sa walang prenong sabi ni Atasha. Agad kong inabot ang basong may lamang tubig at uminom. Sumulyap ako kay Shiloh. Tipid siyang ngumiti derecho kay Atasha.
"Hayaan mo, mag-iingat na ako. Para walang maging problema,"
"Dapat lang, Shiloh. We all want a peaceful life, paano tayo magiging peaceful kung dalawa tayong babae sa bahay na ito, ang weird–"
"Atasha, please don't talk like this," mahinahon kong sabi.
"I'm sorry. Sino ba naman ang hindi mapa-praning, habang nasa States ako, nandito naman ang isip ko. I'm sorry. Iniisip ko lang na baka one day, wala na pala akong uuwian," matapos itong sabihin ni Atasha ay tumayo siya at umalis.
Napatingin ako kay Shiloh. Wala kibo at naka-tungo. Tumayo ako at sinundan si Atasha.
"Babe," naabutan ko sa kwarto na humihikbi si Atasha. Niyakap ko siya, "Please, stop crying,"
"I'm sorry, Migz."
Parang kinukurot ang puso ko, na makita siyang ganito. Ngayon pa lang minumulto na ako sa kasalanang nagawa ko.
"Paano, kung mahulog ka, kay Shiloh? Anong laban ko?"
"Please stop thinking that,"
"Hindi ko maiwasan isipin ang bagay na yan. Mahal kita. Ayokong mawala ka saakin." Humihikbi niyang sabi.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Inalo-alo ko siya at yun lang ang tanging alam ko upang mapagaan ang kanyang loob.
Makalipas ang ilang oras, ay naisipan ni atasha na lumabas kami ng bahay na kaming dalawa lamang. Sumang-ayon ako at bukas ay babalik na siya sa States.
Hinahanap ng mata ko si Shiloh, ngunit wala siya dito sa baba.
"Babe, lets go?"
"Yeah," sabay kaming lumabas ng bahay, ni Atasha.
Patungo na sana kami sa Kotse, ngunit na tigilan ako nang makita si Shiloh, na may kausap na lalaki, sa may pool area
"Who is that guy?" tanong ni Atasha.
"I don't know."
Ihahakbang ko na sana ang mga paa, para tunguhin sila, nang pigilan ako ni Atasha.
"Baka, kaybigan niya. Hayaan na natin sila," aniya.
Tumuloy kami sa kotse at umalis ng bahay. Hindi maalis sa isip ko ang nakita kanina. I feel betrayed.
"What's bothering you?"
Umiling ako, "Nothing, babe."
Dumating kami sa Isang Resto na paborito naming puntahan.
"Alam mo kanina pa kita napapansin. Bigla ka nalang tumatahimik. May problema ba?" Tumaas ang boses i Atasha, dahilan na nagsilungunan ang mga taong naririto.
"Atasha, please don't make a scene here,"
"So bakit nga?" Kita ko ang inis sa mukha niya.
"Iniisip ko lang, hacienda, yun lang yun," paliwanag ko.
Matapos ko itong sabihin ay tumigil na siya. I tried to change my mood, and apologized to her.
Habang mahimbing sa pagkakatulog si Atasha ay, lumabas ako ng kwarto tumungo kay Shiloh.
"Migz?! A-anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mga mata niya nang malingunan niya akong pumasok sa kanyang kwarto.
I took a deep breath as I continued to walk closer to where she was standing.
"Palagi mo ba siyang pinapapasok sa bahay, lalo na kapag wala ako?"
her forehead wrinkled, "Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Sagutin mo ang tanong ko!" kasabay ng tanong ko, ay hinaklit ko siya sa braso.
"Aray, nasasaktan ako!" nagpupumiglas siya, ngunit mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak.
"Dito niyo ba ginagawa?! Did you have s*x with him on that bed?"
Napapikit ako nang lumapat ang palad niya sa mukha ko.
"Asawa mo lang ako sa papel. Pero wala kang karapatan na paratangan ako! Bakit? Sino ba yung nanghahalik sa iba, habang may karelasyon?!"
"You liked it too, right? Masarap ba ang bawat halik ko?"
"Hayop ka!" Asik niya.
I smirked, "Alalahanin mo. Ipagbubuntis mo ang anak ko, pero huwag na huwag mo akong pinagloloko! Kung sa tingin mo, makakaisa ka ulit sa ginawa mong, frame up sa marriage Contract, not this time, Shiloh, dahil hindi ako magdadalawang isip na ipadampot ka!"
Our gazes are both sharp at each other. Halos maluha-luha siya at kita ko ang galit sa kanyang mga mata.