"Gaya nung una, hindi ko masisigurado ang maging tagumpay tayo sa Prosesong ito. Dahil may mga instances tulad ng early miscarriage." Paalala ni Doc Lara, matapos ang pag inject saakin. Back to zero nanaman kami sa IVF. "Thank you, Lara, sana this time maging successful na." tugon ni Migz. "That's also my wish for you two, Migz." Matapos ang appointment namin kay Doc Lara, ay umalis na kami. "Alam mo, iniisip ko na kung anong magandang pangalan sa maging baby natin." aniya habang nagmamaneho. "Ikaw ba? May naisip kana?" Sumulyap ako sakanya at binalik ang tingin sa daan, "Wala pa." "Sabagay. It's too early pa naman para isipin natin yan." aniya. Ang buong akala ko ay, uuwi na kami. Huminto ang sasakyan sa isang korean mart. Namiss ko tuloy ang pumasok sa tindahan na yan. Pal

