Shiloh's Pov.
Kinaumagahan ay nagising ako sa katok ni Manang. Paulit-ulit ang katok nito kaya maagap ako tumayo at pinagbuksan ko ng pinto si Manang.
"Manang, bakit ho?" namamaos pa ang boses ko.
"Bakit, hindi kapa nakagayak? Tsaka kagigising mo lang ba?"
"Opo. Bakit po ba?"
"Hindi ba, magluluto ka ng ulam na pinamili niyo kahapon ni Sir Migz?"
"Opo, pero maaga pa naman, Manang,"
"Alas-nuebe na, Shiloh, dapat maaga mong ihanda 'yon at may bisitang darating si Sir Migz,"
"Po?! Bisita? Pero Manang? Yun ba ang kakainin ng bisita? "
"Oo, isa yun sa ihahain. kaya gumayak kana, at tutulungan nalang kita,"
Dali-dali akong gumayak. Nagsuot lamang ako ng blue chalis pants at black knitted sleeveless tops. Tinalian ko, lamang ang buhok ko at ngumiti ako sa harap ng salamin bago tumungo sa kusina. Naabutan ko si Manang at Josie, na abala na sa paghahanda.
"Manang, si Sir Migz?" tanong ko habang binabalatan ang mga rekado.
"Nasa Gym siya, at maya-maya nandito na yun." Ani Manang.
"Sino po ba ang bisita?" muli kong tanong.
"Sa Pagkaka-alam ko, isa si Attorney sa mga bisita niya. Hindi ko na alam sino pa yung iba,"
Matapos tumugon ni Manang, ay hinanda ko narin yung mga sangkap na lulutuin. Napangiti ako nang pinalambot na pala ni Manang, ang karne ng Baka.
"O, Sir Migz, nariyan pala kayo?"
Napalingon ako nang bangitin ito ni Manang. Ngunit agad kong inalis ang mga tingin kay Migz, nang makita ko siya, na nakatanaw saamin.
"Yes, Manang. Naamoy ko kasi ang niluluto mo," aniya
Mula ng sabihin niya kahapon ang tungkol sa IVF, May kung anong kaba na akong nararamdaman. Kabang hindi takot kundi kabang tila nasasabik.
Hindi ko maipaliwanag ng eksakto.
"Do you need help?"
Nasa tabi ko siya ngayon. Amoy bagong ligo kaya nailang ako,
"K-kaya ko na ito," nautal kong sabi.
"Shiloh, ito pa yung mga mushroom," inabot saakin ni Josie ang mga mushroom.
At agad naman itong inabot ni Migz,
"Akin na Josie at ako na ang maghihiwa nito. Ah Josie, paki bigyan nga ako ng choping board at kutsilyo."
Mabilis na naibigay ni Josie ang hiningi ni Migz. Sa gilid ng mata ko, kita ko siya kung paano mag hiwa. Pakiwari ko, hindi ko na magagawa ang magluto dahil sa ilang na nararamdaman. Paano ba naman kasi halos magdikit na balat namin dito sa kusina. Hindi pa man ako nag-uumpisa na magluto ay pinagpapawisan na ako. Isama mo pa ang dagudog sa dibdib ko na abot hangang utak.
"May binili pala akong cooking book. Mamaya iaabot ko sayo,"
"Cooking book?"
"Oo. Mas maraming recipe kang matutunan sa librong yun. "
Tipid akong ngumiti at tumango. Ngunit sa loob ko ay natutuwa dahil naisip niya pu yun na ibili para saakin.
Inumpisahan ko na ang pagluluto. Ngunit hindi parin umaaalis si Migz.
Nakatayo parin siya at tila guardia na
Binabantayan niya ang bawat kilos ko.
Minabuti ko ng lutuin at nang matapos na dahil pakiramdam ko, matutunaw na ako.
Halos patapos na kaya tinikman ko na ito. Hindi ako sigurado sa lasa, kung kaya inilibot ko ang paningin upang hanapin si Manang at ipatikim sakanya.
"Can I taste it?"
"Ah, s-sige,"
Lumapit siya. Ngunit napahugot ako ng hininga at pinigil ito dahil sa biglang pag-akbay niya sa balikat ko. Kinuha niya ang sandok na hawak ko. At hinalo-halo muna ang luto bago sumandok ng konti at tinikman. Napasulyap ako sa balikat ko, nang hindi gumagalaw. Kita ko ang pagkaklapat na palad niya sa balikat ko. At ang katawan namin na dikit na dikit sa isat-isa.
"Ow. The taste is good. " aniya na nakangiti na labas ang mapuputing ipin niya. Nagtama ang mga mata namin at halos ma-magnet ako sa mga titig niya.
"You did a good job babe,"
Tama ba ang naririnig ko? Tinawag niya akong 'Babe?' Tila na estatwa ako. At ang mga mata ko lamang ang gumagalaw.
"Sir Migz, narito na si Attorney," pukaw ni Manang sa kinaroonan namin.
Nanatili ang pag-akbay ni Migz saakin, na lumingon kay Manang.
"Okay Manang. Maghanda narin po kayo."
Matapos niya itong sabihin ay pinatay niya ang umaapoy pang kalan, "At ikaw, magpalit ka, dahil nanga-ngamoy ulam kana."
Pagkatapos niya itong sabihin ay inalis niya ang pagkaka-akbay at umalis. Tsaka lang ako nakahinga ng maayos. Ngunit ang kalabog ng puso ko ay lalong lumakas ata.
Anong nangyayari? Bakit ganun ang nararamdaman ko? Batang Shiloh parin ba ang tingin niya, saakin? O asawa? Nalilito ako!
Sinunod ko ang sabi niya, na magpalit ako ng damit. Habang nagaatos ako sa harap ng salamin, ay mukha ni Migz ang nakikita ko. Hindi ko alam pero para may sumisigaw sa isipan ko.
Napukaw ako ng may kumatok.
"Shiloh, are you ready?"
Boses ni Migz. Tumayo ako at malalaking hakbang ang ginawa ko upang pagbuksan siya ng pinto.
Pagbukas ko ay agad niyang napansin ang suot ko. "Nice dress, Good choice."
Napatingin ako sa suot kong black knitted dress. At binalik sakanya ang mga tingin. "Salamat,"
"Tara na at nariyan na ang mga bisita," saad niya. Kinuha niya ang kamay ko, at pinagsalop niya ang mga palad namin. Nagpadala na lamang ako sa bawat kilos niya.
Magkahawak kamay kaming bumaba sa hagdan. At natatanaw ko na ang mga panauhin na nasa sala. Sabay-sabay silang tumayo nang makarating kami sa sala.
"Good morning, Mr. Rivero," bati ng isang lalaki na halos may edad na. Katabi nito ay tancha ko asawa niya.
"Goodmorning, and welcome to our house." ganti ni Migz. "And this is My wife, Shiloh."
"Really? You wife is so gorgeous," nakangiting sabi ng bisita.
"Thank you, Mr Chan," ani Migz.
Nag-abot ng kamay ang isa pang panauhin, "Migz, magandang araw."
"Attorney Ruiz, salamat at nakarating ka." Sabay abot ni Migz ang kamay nito.
"Its my pleasure," tugon ni Attorney.
"My Wife," dugtong ni Migz.
Kinamayan ako ni Attorney.
"Its nice to meet you."
Nasa hapag-kainan na kami, at nasa tabi ako ni Migz. May pinag-uusapan sila tungkol sa Hacienda. Ngunit ang ibang paksa nito ay hindi ko na maintindihan. Nakikinig lamang ako, habang dahan-dahang kumakain.
"The food is good, ikaw ba ang nagluto nito?" manghang sabi ni Mr. Chan.
"Yeah, she is good in cooking, right babe?"
Halos masamid ako sa tinuran ni Migz. Inayos ko ang pag-ngiti kay Mr. Chan at tumango
Ano naman kaya ang naisip ng taong ito at sinabing good ako sa pagluluto. Eh kinopya ko nga lang yun sa napanood ko sa TV.
"You are such a lucky guy Mr. Rivero. Maganda na at magaling pa magluto ang iyong asawa. At dahil Diyan, its yes ang sagot ko."
"Oh thanks God, Mr. Chan," kita ko sa mukha ni Migz ang kagalakan. Mukhang napakaimportante ni Mr. Chan sa Hacienda.
"Kaya ihanda mo na ang papeles na pipirmahan ko," saad ni Mr. Chan.
"Ofcourse," nakangiting sabi ni Migz.
Naka-alis na ang mga bisita. Ngunit si Migz, ay hindi maalis ang tuwa. Kausap niya sa telepono ang kanyang daddy. Ibinabalita niya dito ang tungkol sa investor na si Mr. Chan.
Aakyat na sana ako ng hagdan, nang tawagin ako sa pangalan ni Migz.
"Shiloh."
Napahinto ako, at tumingin sakanya.
Humakbang siya, patungo sa kinaroroonan ko, at nabigla ako ng yakapin niya.
"Thank you," aniya matapos yumakap.
"Ha? Para saan?" Takang tanong ko.
"Thank you for being my lucky charm kanina. " masayang sabi niya.
Napangiti ako, "Ah, wala yun." Lucky charm? Big word.
"No, hindi yun wala lang, isang kilalang investor si Mr. Chan, at maswerte ako kasi napapayag ko siya," aniya na tila proud na proud.
"Nang dahil yun sayo, nakikita niya na hindi masasayang ang effort niya, kaya siya pumayag na mag invest," sabi ko.
"Yeah, but thank you narin,"
Ngumiti ako at tumango, "Sige, aakyat na ako sa kwarto."
"Teka," humakbang siya patungo sa drawer at may kinuha sa loob nito. Inabot niya ito saakin, "Cooking book."
"Salamat,"
Napahiga ako sa kama ng pabagsak at nakatitig sa kisame.
Nasa utak ko parin ang salitang lucky Charm. Ang pagyakap niya saakin, at ang mga titig niya. Ano ba tong nararamdaman ko. Parang napakabilis naman kung sasabihin kong, nahuhog na ako sakanya. Hindi maari. Hindi pwedeng mangyari 'yun.
Naalala ko ang bilin saakin ni Atasha. "Please, don't fall inlove with him."
Shiloh, hindi maari. Pigilan mo ang sarili mo. Alalahanin mo kung bakit ka naririto sa bahay niya. Asawa ka lang sa Papel. Ipagbubuntis mo lang ang magiging anak niyo at pagakatpos, end contract na. Hindi ka pwedeng mainlove kay Migz, dahil masasaktan ka lang.
Mag gagabi na. Ngunit sunod sunod ang busina ng sasakyan na dumarating. Humakbang ako patungo sa bintana at sinilip ko ito.
Kung hindi ako nagkakamali, ay sila yung mga kaybigan ni Migz. Siguro tinawagan sila ni Migz. Baka ipagdiwang nila ang tagumpay.
Hindi na ako bababa, dahil baka makita pa ako ng mga yun. Naiilang parin ako sakanila.
Binabasa ko ang cooking book na binigay niya saakin kanina. At nakakatuwa dahil naiisipan niya pang bilhan ako nito. Mukhang mas marami nga akong matutunang recipe ng mga pagkain sa librong ito. Habang binabasa ko ay naririnig ko ang mga tawanan sa baba.
Nang mapagod ang mga mata ko sa pag basa, iginilid ko lamang ang librong hawak. Pinili ko ng pumikit ngunit gising parin ang diwa ko. Marami parin ang tumatakbo sa isipan ko. .
Ilang oras na ang nakakalipas ngunit hindi parin ako makatulog. Naririnig ko rin ang isa-isang umaalis na sasakyan. Siguro tapos na silang mag-inuman.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang antok at tuluyan na akong nilamon nito. Ngunit nawala ito ng maramdaman ang dahan-dahang pag lubog ng kama ko. Hindi ko magawang humarap at nanatiling nakatigilid.
Niyapos ako ng yakap nito. Naamoy ko pa ang espirito ng alak sa bawat pag hinga niya, kahit nakatalikod ako.
Muli kong naramdaman ang mga kamay niya na naglalakbay. Ngunit sa oras na ito ay sa ilalim ng damit ko at napasinghap ako ng dumako sa dib-dib ko ang palad niya. Katulad ng dati ay minamasahe niya ito. Para akong tuod at hindi makagalaw.
"Can I kiss you?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lasing siya hindi niya alam ang ginagawa niya.
Hindi ako sumagot. Makakatulog rin siya. Ilang sandali pa ay, naramdaman ko ang paghalik niya ng pino sa puno ng batok ko. Nanindig ang balahibo ko.
Gusto ko siya pigilan ngunit nadadala ako sa init na naramdaman. Kasabay ng pagmasahe niya sa umbok ng dib-dib ko ang ginagawang paghalik niya dito.
"Wife? gising ka pa ba?" bulong niya sa puno ng tenga ko.
Nakaramdama ako ng kiliti kaya umiwas ako, "Migz, lasing ka."
"Nakainom lang," sagot niya.
"Mali ito. Pumunta kana sa kwarto mo," utos ko.
Narinig ko ang mahinang tawa niya, "I'm already at my room with my wife,"