Hindi ako pumasok sa trabaho. Unang beses na walan ako ng gana. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong sinubukang bumangon sa kama ni Gareth pero nauuwi lang din ako sa pag-upo, nakatitig sa kawalan. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko… parang may bagyong hindi tumitigil. Paulit-ulit na mga salitang gumugulo sa isipan ko. Nagka-anak kami. Kasal kayo. Ginamit ka niya. Mga salitang sinabi saakin na siguradong parte ng buhay o nakaraan ko. Na para bang isang bangu-ngot na nakalimutan ko. At ngayon kaylangan ko ng harapin. Nasa bahay pa rin ako ni Gareth. Wala siya maraming tanong. Hindi rin siya nangulit. Pero ramdam ko na binabantayan niya lang ako, parang hinahayaan akong huminga kahit pa paano. Bandang hapon, nag-ayos siya ng upo sa sofa, tiningnan ako. “Gusto mong makita siya

