Hindi ko agad binuksan ang papel. Nakatitig lang ako sa envelope na hawak ko, parang may bigat na hindi lang papel ang laman. Isang Subpoena galing sa panig ni Shilloh. Paulit-ulit ko siyang tinitigan bago ko tuluyang binuksan. “Anong ’yan?” agad na tanong ni Atasha mula sa likod ko. Hindi ko siya sinagot agad. Binasa ko ulit. At sa bawat linya, lalo lang naging malinaw ang lahat. Legal steps. Custody discussion. Rights. “Migz!” mas matalim na sabi ni Atasha. “Sagutin mo ako!” Tinupi ko lang ang papel at inilagay sa mesa. “From her side,” simpleng sagot ko. Parang doon na siya sumabog. “Are you serious?!” sigaw niya. “After all these years, ngayon lang siya babalik tapos magfa-file siya ng kaso?!” Hindi ako umimik. “Ginagawa niya ’to para kunin niya si Andrei sa’yo!” dugtong

