“Migz!” Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang paghalik. Umatras ako at tila hindi alam ang gagawin. “I- I’m sorry,” agad niyang sabi. “Sorry kung hinayaan kita noon na umalis. Sorry dahil ginamit ko ang kahinaan mo. Shilloh, maniwala ka, nagsisi ako. Akala ko yun na ang sagot sa problema ko. Akala ko, maging masaya ako, pero hindi.” Nagsalubong ang kilay ko at nalito sa mahaba niyang sinabi. “Limang taon. Limang taon kong pinagsisihan na hinayaan kitang umalis. Limang taon akong halos mabaliw. Hinanap kita, pero walang direksyon para makita kita.” “Hindi kita maintindihan. May asawa kana. Nabigyan na kita ng anak. Na kahit kelan hindi ako kilalaning Ina. Na kahit ako mismo hindi ko kilala ang sarili ko.” “Shilloh, hayaan mo akong ayusin itong lahat. Hayaan mo akong, ipaalal

