Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakahiga. Nakatanaw lamang ako sa kawalan habang pilit na tinatakasan pansamantala ang mga gumugulo sa isip ko. Hindi pa ako lumalabas ng kwarto matapos ang nangyari saamin ni Gareth. Ni hindi ko naisip ang trabaho na ilang araw ko ng napapabayaan. Tinawag ko nalang kay Rica na hindi ako papasok. Napalingon ako nang tumunog ang Cellphone sa may side table. Isang Text message mula kay Gareth. “ How are you, Babe?” Binura ko kaagad ang message niya at binalik sa side table ang cellphone. Bumilis ang t***k ng puso ko, nang maalala ang nangyari kagabi. “Gareth, anong ginawa mo.” Bulong ko. Bumangon ako at napiling lumabas ng kwarto. Napatulala ako nang makita ang mga pagkain na nakahanda sa Mesa. May mga takip ito. Lumapit ako sa mesa at nak

