It's a normal weekend for Creza. Bumuntong-hininga siya at saka sumandal sa likod ng sofa at ipinagkuros ang kanyang mga hita. Naka-on ang smart tv sa harapan niya habang nakapatong naman ang kanyang cellphone sa unan na nakapatong din sa kanyang hita. Pasulyap sulyap siya sa TV tapos ay sa cellphone. Ang ingay kasi ng mga kasamahan niya sa group chat nila. Nagpa-plano ang mga itong mag-bar daw. Ewan niya. Medyo wala siyang gana na mag lakwatsa ngayon. Tinawagan niya si Shan pero busy naman ang linya nito. Nag-text din naman ito sa kanya pagkatapos na busy ito at naintindihan mo naman. Ngumuso siya at tiningnan ulit ang kanilang group chat. Jane: uy ano na?? Marife: oo nga! Jane: @Creza sama ka na gurl! Napabuntong-hininga na lang siya sa chat ni Jane. Agad niyang kinuha ang cell